"Sir, wala pa po si Noctis"
Salubong sa kanya ni Jolli ang isa sa mga katulong nya sa bahay, napatingin sya sa relong nasa kanyang bisig at nakitang pasado alas syete na ng gabi.
"Sir, kakain na po ba kayo?" Muling tanong ng katulong. Hindi nya pinansin ito at umakyat sya sa second floor ng kanyang bahay at tinungo ang kanyang kwarto. Nang makapok ay agad nyang tinanggal ang kanyang mga suot at itinapon sa kung saan bago pumasok sa banyo.
Tumapat sya sa dutsa at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa kanyang katawan.
'Sinabi ko naman sayo, kung ayaw mo sa kanya ibalik mo sya sa lugar kung saan may matatawag syang pamilya. '
Napapikit sya ng mariin ng maalala ang sinabi ni Alora ang tutor ng kanyang anak. Hindi nya maintindihan kung bakit ang hilig nitong mangialam gayong wala naman itong alam. Nag suggest pa ito na hayaan si Noctis sa ina nito, at hindi nya pwedeng gawin iyon dahil alam nyang magiging masaya si Shiara pag ganoon ang ginawa nya at ayaw nyang mangyari iyon. Ayaw nyang sumaya si Shiara, Pag katapos ng ginawa nito sa kanya hindi nya hahayaang makasama nito ang anak nila. Ayaw nya kay Noctis pero mas ayaw nyang maging masaya si Shiara.
Lalo syang nanggalaiti sa galit ng maalala si Shiara at ang pang gagago nito sa kanya.
Si Shiara ang asawa nya o ex wife to be exact.
Ang babaeng nang gago sa kanya, Masaya sila noong unang pag sasama nila, at naging masaya pa iyon ng ibinalita nitong buntis ito. Gusto nya sa mga bata iyon ang totoo, mula ng malaman nya na magiging ama na sya ay nag plano na sya at inihanda ang mga kailangan para sa pag labas ng anak nila.
Hindi masukat kung gaano sya kasaya nang una nyang makita si Noctis noong ipinanganak ito ni Shiara, sya pa ang unang bumuhat dito. Ang akala nya ay tuloy-tuloy na ang lahat hanggang sa nalaman nya na may karelasyong iba si Shiara, nangyari iyon noong lagi syang lumalabas ng bansa para asikasuhin ang kanilang negosyo.
Simula noon ay hindi na naging maganda ang pag sasama nila, lagi nyang pinapaalala sa asawa kung gaano ito kadumi at humantong pa sa puntong kinuwesyon nya ito kung sya ba talaga ang totoong ama ni Noctis.
Galit sya, galit na galit. Dahil ang babaeng minahal nya ay nagawa syang lokohin, kulang pa ba ang pag mamahal nya dito para magawang mag loko at makipag relasyon sa iba? lahat ng plano nya sa kanyang pamilya ay nanatiling plano nalamang. Nagagalit sya sa tuwing nakikita si Shiara, at naiinis sya sa tuwing nakikita niya si Noctos, alam nyang walang kasalanan ang anak pero hindi nya maiwasan lalo na ang ang ina nito ang babaeng nanloko at nag paikot sa kanya.
Hanggang ang galit nya ay nauwi sa divorcement, sa pag hihiwalay nila ay pinilit nitong kinukuha si Noctis pero sinigurado nya na hinding- hindi nito makukuha ang anak. Ginawa nya ang lahat, pinabagsak ang mga negosyo ng mga ito at ginawa ang lahat para mag kabaon baon ang mga ito sa utang. Masama? Oo pero may mas sasama pa ba sa ginawa nito sa kanya?
Hindi nya hahayaang maging masaya ito habang sya ay nananatiling miserable dahil sa pag gagago nito. Simula noon ay hindi na nya ito nakita, sinigurado rin nyang laging may nakabantay sa anak para kung sakaling mag tangka itong lumapit ay alam nya.Sa ngayon ay wala syang natatanggap na report na nag tangka itong lumapit o mag pakita kay Noctis.
Nang matapos maligo ay nag lagay lang sya ng tapis sa kanyang bewang bago lumabas ng banyo. Katulad ng dati ay katahimikan ang sumalubong sa kanya, pumunta sya sa kanyang walk in closet at nag hanap ng maisusuot. Simpleng puting t-shirt at khaki short lang ang kanyang suot bago lumabas ng kwarto at pumunta sa dining area.
"Hijo wala pa rin si Noctis, alam ko ba kung saan sya naron?" Ani Nana Zoe ang kanyang Nanny na ngayon ay Nanny na ng anak nya.
"Nasa tutor nya" simpleng sagot nya saka nag umpisang kumain. Ramdam nya ang tingin ni Nanay Zoe sa kanya pero hindi nya pinansin iyon.
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^