Kinabukasan ay pumunta kami ng bahay para makakuha ng mga damit, naligo na rin kami ni Ayesha at ang mag amang Knight ay nasa living room.
Habang nakatapat sa dutsa ay hindi ko mapaniwalaan ang mga nangyari, hindi ko na alam kung tama pa ba ito o ano.
Nang umalis ako ay hindi na ako umasang may babalikan pa ako, umalis ako upang makalayo sa mga sakit na nakaabang. Umalis ako at pinutol ang lahat samin ni Mr. Knight, ginawa ko iyo kahit na alam kong masasaktan kaming dalawa. At dahil alam kong kasiyahan ni Noctis ang nakataya dito. Kaya kahit alam kong masasaktan ako sa oras na pakawalan ko sila ay ginawa ko. Pero hindi ko inasahan na sa oras na umuwi kami ng Pinas ay ganito ang mangyayari, na matatali ako sa lalaking pinakawalan ko, sa lalaking binitawan ko, sa lalaking ama ng anak ko.
Pero sino nga ba ang nakakaalam sa hinaharap? Minsan kung ano pa ang inaasahan mo ay hindi pala mang yayari. Sa huli masasayang lang ang sakrepisyo mo. Pero hindi ko na kailangang isipin 'yon ngayon. Hindi ko na kailangang isipin ang nakaraan dahil kahit na anong gawin ko, mananatili na lang iyon sa nakaraan at hindi na mababago.
Nag tapis ako ng towel bago lumabas ng kwarto ng matapos ako, at halos mapatalon ako ng makita si Mr. Knight na nililibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng aking kwarto.
Hindi ito ang unang beses na nakapasok sya dito. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko ng maalala kung ano ang nanyari noong unang pasok mya sa kwarto ko. Pinilig ko ang ulo ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil natatakot ako na malaglaga ang pag kakabuhol ng towel sa katawan ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Sana sa labas ka nalang nag hintay" sabi ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ako sanay na nasa iisang kwarto kami, ni minsan ay hindi ko na inisip na makakasama ko ulit sya sa iisang kwarto dahil sa dami ng mga nangyari.
"Paano mo nakaya?" Tanong nya. Nahinto ako sa pag lalakad papunta sa cabinet dahil sa tanong nya. Tumingin ako sa kanya at seryoso syang nakatingin sakin.
"Si Ayesha, paano mo sya napalaki ng mag isa?" Tanong nya. At nakatingin sa mga frame na nasa display, mga picture namin yon ni Ayesha. Noong kapapanganak ko sa kanya, noong nagka ngipin sya, yung 1st step nya at noong 1st birthday nya. Lahat ng nangyayari kay Ayesha ay naka record, lahat may pictures. Gusto ko kasi na may babalikan sya at titignan kapag lumaki na sya.
"Hindi ako may isa Ace, kasama ko ang pamilya kong nag palaki sa kanya. Buntis ako ng umalis ako dito, at aaminin ko na wala akong planong sabihin sayo dahil ang buong akala ko ay mag kakaayos na kayo ni Shaira. Ayokong makagulo, ayoko na dahil kay Ayesha ay masisira muli ang pamilya nyo. At sa loob ng ilang taon, hindi umalis sa likod ko sila Mama at Papa. At nakikita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. Sila ang nag turo kung paano mag palit ng diaper, kung paano paliguan si Ayesha noong baby pa sya. Lahat ng hindi ko alam sila ang nag turo at gumabay sakin. Kaya masasabi ko na hindi naging mahirap ang mag palaki ng anak, at isa pa. Walang mahirap sa isang ina kung para sa anak nila. Iyon ang natutunan ko simula ng ilabas ko si Ayesha" sabi ko saka napangiti ng maalala ang mga pinag daanan ko.
Teacher ako, at akala ko alam ko na ang lahat pero mali ako. Ang ginawa ko noon para sa kaligayahan ni Noctis ay parte lang ng pagiging ina. Pero nang dumating sa buhay ko si Ayesha ay nalaman ko marami akong dapat matutunan.
At napatunayan ko na walang mahirap lalo na kung para sa anak mo naman.
"Magiging mabait syang bata, dahil ikaw ang ina nya" bulong nya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil may naramdaman akong kakaiba sa sinabi nya.
"Paano mo naman nasabi?" Kunwari'y natatawang sabi ko upang maitago ang pag kailang. Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan, ang klase ng pag tibok ng puso ko ay katulad noong kasama ko pa sya. Sa tuwing sinasabi nya na mahal nya ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^