Nakakabinging katahimikan.
Napailing ako at napatingin kay Mr. Knight na tahimik na nag da-drive. Tumingi ako sa rare view mirror at nakita si Noctis na nag lalaro sa ipad na hawak nya.
Napailing ako, gusto nyang mapalapit kay Noctis pero eto sya at parang nalunok ang dila.
"Tanungin mo kung kamusta ang school" pasimpleng sabi ko kay Mr. Knight gamit ang mahinang tinig para hindi matinig ni Noctis na nasa likod.
Kunot noong tumingin si Mr. Knight sakin na parang hindi narinig o naintindihan ang sinabi ko.
"Tanungin mo kung ano ang ginawa nya sa school" madiin ngunit mahinang sabi ko. Kita ko ang pag dadalawang isip nya kung susundin nya ang sinabi ko o hindi. Pero dumaan ang ilang minuto ay wala ni isang salita na lumabas sa bibig nya.
"Akala ko ba gusto mong mapalapit sa kanya? Bakit simpleng bagay lang di mo magawa?" Naiinis na sabi ko. Nakakainis na simpleng bagay lang ay hindi nya magawa, simpleng tanong lang ay hindi nya maitanong. Naiintindihan ko naman na naiilang siya sa sitwasyon, pero sana ay maintindihan nya na para sa kanilang mag ama din iyon. Kung gusto nya talagang mapalapit at makilala syang ama ni Noctis kailangan nyang kumilos at hindi ko na dapat pinapaalala sa kanya ang mga dapat nya gawin.
Narinig ko ang pag tikhim nya, tumingin ako sa kanya. Pinanlakihan ko sya ng mata saka tinuro si Noctis. Muli kong natinig ang pag tikhim nya saka tumingin sa rare view mirror.
"How school?" Sa wakas ay rinig kong taning ni Mr. Knight.
Pareho kaming nag hihintay ng sagot mula kay Noctis? Tumingin ako sa likod at nakita ko syang nakatingin sa likod ng upuan ng Daddy nya, na parang loading pa rin sa kanya ang narinig. Nang tumingin sya sakin ay nginitian ko sya.
"Okay lang" mahinang sagot ni Noctis.
Muling katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse. Wala silang patutunguhan kung pareho silang matipid mag salita.
Pumasok ang kotse sa loob sa subdivision kung saan ako nakatira at ang mag ama ay parehong tahimik.
Muli akong bumaling kay Noctis, sumalubong sakin ang kulay asul nyang mata na hanggang ngayon ay may oag tataka. Siguro ay sa inaasta ng kanyang ama.
"Diba may assignment akong ibinigay? Tuturuan ka ng Daddy mo sa pag gawa non" nakangiting sabi ko. Halatang hindi inaasahan ni Noctis ang sinabi ko dahil bahagyang nanlaki ang mata nya at ngumunot ang noo.
Naramdaman ko ang pag hinto ng sasakyan at nakitang nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Diba Mr. Knight?" Baling ko kay Mr. Knight habang nakangiti. Kung hindi ko gagawin ito duda ako na may gagawing hakbang si Mr. Knight.
"Yeah" simpleng tugon lang nya. Muli akong bumaling kay Noctis at parang natunaw ng puso ko ng makita ang ngiti nya na agad din nyang itinago.
Bumaba ako ng kotse at hinintay silang makaalis bago pumasok sa loob ng gate.
***
Napatingin si Ace ng may kumatok sa pinto ng library na nag sisilbing opisina nya kapag nasa bahay lang sya. Muli nyang ibinalik sa harap ng kanyang laptop ang kanyang atensyon
"Come in" aniya nang hindi tumitingin sa pinto. Marami syang naiwan na trabaho kanina sa opisina dahil maaga syang umalis para masundo si Noctis at nag pasya syang sa bahay na lamang gawin ang mga iyon.
Pag uwi nila ng bahay ay agad nyang hinarap ang mga iyon dahil ayaw nyang matambakan ng trabaho.
"Ace"
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^