Hindi ko alam kung paano ako nadala ni Mr. Knight sa loob ng kwarto nya. Basta nakita ko nalang na pareho na kaming walang saplot sa katawan at kapwa lunod sa sensasyong kami lang ang nakakaramdam.
Lahat ng ginagawa ni Mr. Knight sa katawan ko ay tinatanggap ko, bawat daanan ng labi nya ay nakikiliti ako at bawat pag pasok nya ay sinasabayan ko. Halos mabaliw ako sa ginagawa nya.
Kapwa kami hingal ng maabot kami aa sukdulan. Pumikit ako at sinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng maamoy ang nakakaadik nyang amoy, kahit na pawis sya ay ang nandito pa rin ang natural na bango nya.
"Hey Woman. What are you doing" natatawang tanong nya nang hindi ako tumigil sa kakaamoy sa leeg nya.
"Ang bango mo" sabi ko, naramdaman ko ang pag haplos nya sa baywang ko para patigilin ako sa ginagawa kong pag amoy sa leeg nya.
"Stop it Alora. Kung gusto mong makauwi sa inyo ngayong gabi titigilan mo 'yan" banta nya. Ngumuso ako saka lumayo sa leeg nya at humiga ng maayos. Muli nya akong kinabig papunta sa katawan nya at mahigpit na niyakap.
Tahimik akong tumitig sa ceiling, ramdam ko ang titig nya sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit na hininga nya sa tenga ko.
"I miss you Alora" malambing na sabi nya. Pilit akong ngumiti ng hindi tumitingin sa kanya.
Ayoko ang ideya na tuluyang tuldukan ang kung ano mang meron kami ni Mr. Knight. Pero naaalala ko si Noctis, gusto nyang makasama si Shaira at alam kong hindi papayag si Mr. Knight don. Kaya naisip ko na kausapin sya, baka sakaling makinig sya. At baka sakaling pumayag sya sa gusto ko.
Naalala ko ang sinabi nya noon, gagawin nya ang lahat huwag lang mag kita ang mag ina. Kaya hanga ako kay Shaira dahil nagagawa nya pa ring makipag kita kay Noctis. Patunay lang iyon na mahal nya ang anak nya at nagagawa nyang gumawa ng paraan para makasama si Noctis.
"Ace" tawag ko sa kanya pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Natatakot akong salubungin ang mga mata nya, natatakot ako na baka mag bago ang desisyon ko.
"Hmmm?" Aniya at naramdaman ko ang pag halik nya sa tenga ko, ang ang kamay nya ay nag lalaro sa tiyan ko.
"Bakit hindi nyo sumbukan?" Tanong ko, kinagat ko ang labi ko dahil nag sisimula nanamang manikip ang dibdib ko.
"Ang alin?" Tanong nya, huminga ako ng malalim at pilit na pinalakas nag loob.
"Kayo ni Shaira" bulong ko, naramdaman ko na natigilan sya sa sinabi ko, tumigil din ang nag lalaro nyang kamay sa tiyan ko.
"Subukan nyo ulit na..
na mag sama. Si-siguro natabunan lang ng galit mo ang nararamdaman mo sa kanya.. Malay mo..malay mo may natitirang ka pang pag mamahal para kay Shaira" sabi ko at nag lakas ng loob na tumingin sa kanya.Kita ko ang bangis ng kanyang tingin sakin, nakaigting ang kanyang panga na parang hindi magustuhan ang sinabi ko.
Galit syang bumangon mula sa pag kakahiga at tumalikod sakin.
"Kailan ba tayo matatapos kay Shaira?" Malamig na tanong nya. Hindi ako nakasagot, tahimik lang akong nakatingin sa matipuno nyang likod. Kahit na makatalikod sya sakin ay ramdam ko na galit sya
"Ace, subukan mo. Subukan nyo ulit. Baka maayos nyo pa ang relasyon nyo" sabi ko at umupo saka pinalupot sa katawan ko ang comporter.
Umiling sya at umigting ang kanyang bagang dahil sa galit. Kinagat ko nag labi ko para pigilan ang sarili ko na bawaiin ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^