MKS Chapter 23

75.4K 1.8K 119
                                    

"Bye Dad" paalam ni Noctis saka nag mamadaling bumaba ng kotse. Nakita namin na sumabay sya sa mga kaibigan nya.

"Ahm, Bye" sabi ko, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya ngayon. Naramdaman ko ang kamay nya sa chin ko at hinuli ang mga mata ko.

"Ako ang susundo sa inyo mamaya" aniya, tumango ako bilang sagot.

"I love you" aniya, nginusuan ko sya at kunwariy inapik ang kamay nya. Alam ko na alam nya ang nararamdaman ko ngayon.

"Laters" aniya, tumango ako.

"Laters" sabi ko saka binigyan sya ng mababaw ng halik sa labi bago lumabas.

Masaya ako na dumating na ang araw na hinihintay ko, ang malaman ang nangyari sa relasyon nila ng Mommy ni Noctis. Nakaramdam ako ng sari-saring emosyon ng malaman ko ang mga bagay na iyon, pero wala akong karapatan husgahan agad sya gayong hindi pa naman ganoong karami ang alam ko.

Siguro nainis ako dahil sa ginawa nyang panloloko kay Mr. Knight pero naiingit din ako na sya ang unang minahal ni Mr. Knight, ang unang pinakasalan at sya ang naging ina ni Noctis. Naiingit ako sa mga iyon, pero maaring may dahilan ang lahat. Siguro nangyari iyon para mag kakilala kami. Kasi hindi rin naman ako nakakasiguro na kahit kami ang unang nagkakilala ay ako ang magiging asawa nya.

Hinintay nya kong makapasok sa gate bago sya nya pinaandar ang sasakyan paalis. Hindi mawala wala ang tingin ko habang nag lalakad.

"Teacher" napahinto ako ng may tumawag sakin na babae, nakatayo sya sa isang malilim na puno na madadaanan papunta sa principal's office.

"Good morning po Ma'am" magalang na sabi ko,

Maganda ang babae kahit na sa simpleng faded jeans at white long sleeve blouse lang ang suot nya. Ang mahaba nyang buhok at tinatangay ng hangin, ang sunglass na suot nya ay halos matabunan na ang buo nyang mukha, pero kahit ma ganoon ay nakikita ko kung gaano sya kaganda. Ngumiti sya at aaminin ko na mas lalo syang gumanda dahil doon.

"Good morning" bati nya at parang modelong nag lakad papalapit sakin. Ngayon lang ako humanga sa kapwa ko babae.

"May kailangan po ba kayo?" Pormal na tanong ko, hindi ko matandaan na Mommy sya ng isa sa mga estudyante ko.

"Hmmm, wala naman. Tinignan ko lang ang anak ko." Aniya saka muling ngumiti.

"Oh, by the way I'm Shaira Ocampo" pakilala nya at inilahad ang kamay sa harap ko, tinanggap ko iyon at sobrang labot ng kamay nya at makaramdam ako ng hiya dahil medyo may kagaspangan na kamay ko.

"Alora" sabi ko.

"I know, teacher ka ng anak ko" nakangiting sabi niya, na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko matandaan na meet ko na sya kung anak man nya ang isa sa mga students ko.

"Oh, sorry teacher I have to go. May pupuntahan pa kasi ako." Aniya saka ako iniwan akong nakatulala.

Nag kibit balikat ako at nag lakad na papunta sa principal's office, siguro ay ang Nanny ng isa sa mga estudyante ko ang nameet ko kaya hindi ko sya kilala. Pero wala akong estudyante na Ocampo ang surname.

"Teacher Alora" tawag ni Madam Principal saka ako sinenyasan na pumasok sa loob ng opisina nya. Nang matapos akong mag log in sa log book ay itinulak ko ang pinto ng ipisina nya para makapasok sa loob.

Nakita ko agad ang isang lalaki na nakaupo sa tapat ng kanyang table.

"Good morning Ma'am" bati ko saka umupo sa upuan na nasa harapan ng table nya. Nginitian ko ang lalaki na nakaupi katapat ko, gumanti sya ng ngiti.

Medyo chinito sya at maputi, tingin ko ay hindi kami nag kakalayo ng edad.

"Teacher Alora, sya si Sir. Clarence bago natin syang teacher dito. Advicer sya ng grade 3 section 1, medyo hindi pa sya pamilyar sa school. Pwede bang makitulungan mo muna sya?" Ani Madam Principal

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon