Napataas ang isang kilay ko ng ibato ni Mr. Knight sa lamesa na nasa harapan namin ang papel na inabot ko sa kanya.
Nakakunot ang noo nya ng humarap sya sakin.
"Ano 'to?" Tanong nya na animo hindi nabasa o naintindihan ang mga nakasulat doon. Huminga ako ng malalim dahil mukhang mas mahirap ito kaysa sa inaakala ko. Kaya elementary ang kinuha ko at hindi secondary dahil mas makulit pa ang mga estudyante sa high school kaysa sa elementary, pero mukhang mas mahihirapan ako sa isang ito. Napakasimple lang naman ang mga nakasulat sa papel na iton at halos hindi na ako nakatulog magawa lang iyon.
Masaya naman ako sa maging desisyon nya na maging Ama na kay Noctis at nangako ako na tutulungan ko sya. At wala akong balak sirain ang pangako ko.
Handa naman akong tuparin 'yon, pero hindi mangyayari ang gusto nyang maging mabuting ama kung hindi sya makiki cooperate.
"Mga kailangan mong gawin para maging ama kay Noctis" simpleng sagot ko saka ngumiti.
Naalala ko noong tinanong sakin ni Noctis kung mamamatay na ang Daddy nya yung lungkot at takot sa mukha ni Noctis, doon pa lang alam kong mahal ni Noctis si Mr. Knight hindi ko lang alam kung bakit hindi makita ni Mr. Knight 'yon.
Hindi ba alam ni Mr. Knight na ang sarap ng may bata sa bahay? Kahit na makukulit sila ay masarap silang kasama. Alam ko yon kahit na wala pa akong anak.
Nawala ang ngiti ko ng tapunan ako ni Mr. Knight ng masamang tingin. Tumikhim ako at kinuha ang papel na nasa harapan ko, at binasa ang mga nakasulat doon.
"Operation: how to be a better father"
muli akong tumingin kay Mr. Knight at hindi nawawala ang masamang tingin nya sakin dahil sa sinabi ko. Hindi ko sya pinansin, at hindi ako natatakot sa kanya dahil alam ko kailangan nya ang serbisyo ko.
"#1 kailangan tabi kayong matulog ni Noctis tuwing gabi
#2 kailangan sabay kayong maliligo araw-araw para may bonding kayong mag ama-"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong nya
"Yes seriously, kailangan mong gawin to. Ako nga noon lagi kong katabi si Papa tuwing matutulog ako, at lagi nyang tinatanong kung anong nangyari sakin sa school. Tapos tinatanong nya ang mga gusto ko at kinabukasan bibilin nya iyon at sinasabi na regalo nya sakin iyon dahil masipag akong mag aral" sabi ko. Totoo yon, bago matulog ay tinatabihan ako ni Papa sa kwarto ko, itatanong nya yung mga gusto ko at magugular nalang ako kinabukasan nabili na nya at lagi nyang sinasabi na lagi akong mag papakabait para lagi nya akong bibigyan ng gift.
"At sabay din kayong maligo?"
"Syempre hindi! Baliw kaba?!" Nakita ko ang pag ngisi nya sa naging mabilis kong pag sagot. Sinimangutan ko sya bago muling ibinalik sa papel na hawak ko ang atensyon ko. Tumikhim ako dahil bigla akong nailang dahil ramdam ko ang pag titig nya sakin.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko at kung bakit pinga papawisan ako gayong wala naman akong ginagawa at naka upo lang dito.
"#3 dapat ikaw ang mag luto ng breakfast nya-"
"We have a cook"
Putol nya sa sinasabi ko.
"Oo nga, pero mas ma aapriciate nya kung ikaw ang mag luluto ng breakfast nya. Kung pwede pati Lunch at Dinner" sabi ko saka tumingin sa kanya, halata sa mukha nya ang pag di gusto sa mga sina suggest ko.
"#4 kailangan ikaw ang mag hahatid at mag susundo sa kanya sa school para-"
"He has a driver"
Muling putol nya sa sinasabi ko. Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilang mainis, kung ganito naman ang kausap mo kailangan talagang mag baon ka ng mahabang pasensya.
![](https://img.wattpad.com/cover/55699871-288-k890691.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^