MKS Chapter 36

86.2K 2.7K 472
                                    

"Dad!"

"Dad!"


Napatingin si Ace sa pinto ng kanyang study room ng nag mamadaling pumasok si Noctis. Malaki ang ngiti nito habang tumatakbo papunta sa kanyang mesa.

"Dad! I passed the entrance exam!" Masayang sabi ng anak ay nag susuntok pa sa ere.

Ang dating walong taong gulang na si Noctis ay labing tatlong taon na ngayon. Matangkad ito kaysa sa mga kaedaran, konti nalang ay magiging kapantay na nya ito.
At kaunting panahon nalang ay may binata na sya.

Sa mga nakalipas na taon ay lalong naging malapit sya sa anak. Sabay silang nag jojog, lagi rin silang nag babasketball, kumakain, pero ayaw na nitong tumabi sa kanya sa pag tulog dahil binata na daw ito.

"Very good" aniya sa bibalita ni Noctis. Lalong tumatagal ay lalo nyang nagiging kamukha ang anak.

Masasabi sya na sa mga nakalipas na taon ay maging masaya sya, may kulang pero masaya sya dahil kay Noctis. Masaya sya na nagkaroon sya ng pag kakataon na baguhin ang lahat, masaya sya na nag karoon sya ng pag kakataon na maramdaman ang pag mamahal sa kanya ng kanyang anak. At utang nyang ang lahat ng iyon sa isang babae na nag pamulat sa sarado nyag isip at mata.



"Very good lang?" Takang tanong ni Noctis. Tinignan nya ito ang nakita nya ang pag simangot ng anak. Napangisi sya, pati ang pag simangot nito ay kamukha nya. Walang itinapon, parang nakatingin sya sa sarili nya noong nasa ganoong edad sya. Pero sisiguraduhin nya na hindi gagawin ng anak nya ang mga ginawa nyang kalokohan noon.

Nakakatawa man pero hands on sya kay Noctis. Sinisigurado sya na wala itong ginagawang kalokohan.


"What do you want?" Kunwariy tanong nya. Sinundan nya ng tingin ang anak ng umupo ito sa sofa.

"You know what I want Dad" anito. Sumandal sya sa swivel chair at pinag laruan ang kanyang labi.



"Hindi ka pa pwedeng mag drive Noctis" aniya. Napangiti sya ng sumimangot ito ganyan din sya pag hindi nakukuha ang gusto. Sisimangot at mag dadabog. Pero kahit minsan ay hindi pa sya pinakitaan ng pag rerebelde ng anak. At alam nyang lalaki ito ng maayos.



"Pero sabi mo pag nakapas ako sa school na pinasukan mo. Saka I have a driver naman" anito.

Tumango-tango sya. Alam nya iyon, kasunduan nila iyon.


"Okay" aniya. Biglang napatayo si Noctis na may malaking ngiti sa labi ng marinig ang sinabi nya.. Marunong mag drive si Noctis, tinuruan nya ito. Pero hindi nya pinapayagan na umaalis ito na walang driver. Ayaw nya na mapahamak ang anak.


"Really Dad?" Masayang tanong nito. Ngumisi sya saka tumango.

Masaya syang masaya si Noctis. At isa pa, minsan lang humiling ito hindi pa ba nya pag bibigyan? Para sa anak naman nya kaya sya nag tatrabaho para maibigay ang lahat ng gusto nito. Dahil nakakasiguro sya na kahit anong mangyari ay hindi aya iiwan ng anak nya, hindi katulad ng dalawang babaeng dumaan sa buhay nya.








Bumaba sya ng tinawag sya ng kanyang kasambahay para sa dinner. Nasa dining area na si Noctis.


Umupo sya sa upuan katapat ni Noctis. Saka nag simulang kumain.


"Kailan tayo bibili Dad?" Tanong ni Noctis.


"Bukas." sagot nya, kita nag excitement sa mata ng anak.


"Ok, maaga akong matutulog" sabi ni Noctis at hindi nya mapigilan ang pag halakhak.

"Pero hindi ka aalis ng walang kasamang driver." Aniya, tumango ang si Noctia bilang sagot.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon