Nakatitig lamang si Ace sa small glass wine na kanyang hawak.
Pilit pinipigilan ang kanyang sarili na puntahan si Alora at mag makaawa dito na patawarin nya, na muli syang tanggap sa buhay nito. Pero sa tuwing naaalala nya kung paano sya ipag tulakan ng dalaga sa iba ay bumabalik ang galit at sakit.
Bakita parang ang dali kay Alora na bitawan sya? Bakit pinipilit nito na ayusin ang relasyon nila ni Shaira na matagal ng tapos? Na matagal ng sira? Hindi nya maintindihan at kahit kailan ang hindi nya maiintindihan.
Ang akala nya ay magiging maayos na ang lahat pag kauwi nya, halos paliparin nya ang kotse ng sabihin nito na nasa bahay sya at nag hihintay sa pag dating nya. Ang buong akala nya ay muli sya nitong tatanggapin at magiging maayos na ang lahat. Pero isang desisyon nanaman pala ang mabuo sa utak nito na halos ikadurog nya
Minsan hindi na alam ni Ace kung paano gumagana ang utak ng dalaga.
Kailan ba maiintindihan ni Alora na sya ang kailangan nya at hindi si Shaira? Kailan ba paniniwalaan ni Alora na ito ang mahal nya at hindi si Shaira?
At kailan ba mawawala sa buhay nila si Shaira? Si Shaira ang nagiging dahilan ang pag aaway nila.
Anong naisip nito at sinabing makipag ayos sya kay Shiara na kahit kailan ay wala syang balak gawin?
At isa pang sumisira sa araw nya ay ang babaeng iyon. Masyado nitong inaabuso ang kalayaang ibinigay nya na makita nito si Noctis.
Lagi itong nasa bahay nya at hindi nya magugustuhan iyon. Gusto nya na si Alora lang ang babaeng pumupunta sa bahay nya, si Alora lang ang gusto nyang nag luluto ng pag kain para sa kanila.
Oo, aaminin nya na ginamit nya si Shaira noong una upang pasakitan so Alora. Noong susunduin nya si Noctis sa school ay nakita nya si Shaira.
Kita ang pag kagulat sa mukha ni Shiara ng makita sya, muli namang nag puyos ang galit sa dibdib nya dahil ito ang dahilan ng pag hihiwalay nila ni Alora.
Pero hindi nya alam kung anong pumasok sa utak niya ay hinatak ito papunta sa class room nila Noctis. Noong una ay gusto nyang makitang masaktan si Alora, para makita ni Alora ang halaga nya sa buhay nito. Pero ng makita nya ang sakit at lungkot sa mga mata nito ay bigla syang nakaramdam ng pag sisisi.
Hindi. Hindi nya kayang saktan si Alora. Hindi nya ito kayang saktan kahit na ipinag tutulakan sya nito sa iba. Kahit na sabihin ng dalaga na hindi na sya nito mahal.
Pero sa tuwing lalapitan nya ito ay bumabalik ang sakit. Minsan kaya naisip ni Alora na nasasaktan sya sa mga padalos-dalos na desisyon nito? Minsan kaya naiisip ni Alora kung anong nararamdaman nya?
Tumayos sya at lumabas ng kanyang study room upang pumunta sa kwarto ng anak.
"Ba't gising ka pa?" Tanong nya kay Noctis na nakahiga sa gitna ng kama pero mulat na mulat., umupo sya sa tabi ng kanyang anak.
"Daddy, nag away po ba kayo ni Tita Teacher? Ba't di na po sya pumupunta dito?" Tanong ni Noctis.
Huminga sya ng malalim, alam nyang napalapit na ang loob ng kanyang anak kay Alora. Kaya minsan hindi nya alam kung saan nakukuha ni Alora ang ideya na hindi sya gusto ni Noctis na maging ina nito.
"Misunderstanding lang anak" aniya, ngumuso ang si Noctis at hindi nya maiwasang mapangiti.
Hindi nya alam kung bakit hindi nya agad tinanggap si Noctis, siguro dahil natabunan sya ng galit para kay Shaira. Pero dahil kay Alora natuto nyang imulat ang kanyang mga mata, nakita nya nag napakagandang biyaya sakanya. At iyon ay si Noctis.
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
Narrativa generaleNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^