MKS Chapter 41

97.1K 2.1K 122
                                        

Hindi ko akalain na sa mga taong lumipas ay hindi nawala ang pag mamahal sakin ni Ace. Ni wala akong ideya na mag hihintay sya sa pag babalik ko.

Posible pala 'yon? Posible pala sa dalawang taong nag mamahalan na manatili ang kanilang nararamdaman kahit na dumaan ang mga taon. Na kahit na walang kominikasyon.

Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinabi ni Ace kagabi. Gusto nya na bumalik kami sa dati. Gusto nya na mag umpisa kami kasama ang mga anak namin. Sa tuwing nirereplay ko iyon sa utak ko ay sobra ang sayang nararamdaman ko.

Napapikit ako ng maamoy ko ang mabangong amoy ni Ace. Ramdam ko ang mga bisig nya na nakapalibot sa bewang ko. Ramdam ko ang init ng katawan ni Ace sa katawan ko.

Ilang taon akong nangulila sa mga bisig ni Ace. Ilang taong akong nagigising at hinahanap ang amoy ni Ace sa tabi ko. Ilang taon kong inisip kung kailan ko muli sya mayayakap.
Kung kailan ko muli sya mahahalikan at mararamdaman. Akala ko noon ay imposible na dahil sa nga nangyari, pinilit ko ang sarili ko na huwag ng umasa na makakasama ko muli sya ng ganito kalapit. Pero eto ako ngayon, nakakulong sa mga bisig nya.

Dumilat ako at ang mga mata agad ni Ace ang sumalubong sakin. Kung panaginip lang ito, hihilingin ko na sana huwag muna akong magising. Gusto kong namnamin ang mga ito, si Ace sa tabi ko. Si Ace na nakangiti habang nakatitig sakin, si Ace na nakilala ko noon. Si Ace na mahal ko.


"Good Morning" aniya. Ngumiti ako at muling ibinaon ang mukha ko sa hubad nyang dibdib.

Ayokong mag salita. Natatakot ako na baka sa oras na mag salita ako ay magising ako sa magandang panaginip na ito.

"Hey" malambing na sabi ni Ace at naramdaman ko ang pag landas ng kamay nya sa braso ko pababa sa hubad kong katawan. Naramdaman ko ang pag tayo ng mga balahibo ko sa batok dahil sa init ng mga palad nya na nag lalakbay sa hubad kong katawan.

"Ace" tawag kong sa pangalan nya habang nanatiling nakasubsob sa dibdib nya.

"Hmm?"

"Ace"

"Yes?" Malambing na taong nya

"Hindi 'to panaginip lang diba?" Tanong ko. Narinig ko ang pag tawa nya.

"Naka ilang rounds tayo kagabi. At iniisip mo parin na panaginip 'to?" Natatawang sabi nya.

Dumilat ako at tumitig sa gwapo nyang mukha. Nakita ko ang ilang mga mapupulang marka sa leeg nya. Wala sa sariling hinawakan ko iyon.

"Ako ba ang may gawa nito?" Tanong ko. Hinawakan nya ang kamay ko na nasa leeg nya at dinala sa labi nya. Hinalikan nya ang kamay ko at pinag salikop iyon.

"I love you" aniya at ramdam ko ang sinseridad doon.

"Mahal din kita at sa mga nag daang taon ay hindi nawala iyon" nakangiting sabi ko.

Maniwala man sya o hindi, totoo ang sinabi ko. Wala akong ibang minahal.

"Pinapaayos ko na ang pag papalit ng last name mo at ni Ayesha. Gusto kong malaman ng lahat na anak ko sya at asawa na kita" aniya at hinaplos ang pisngi ko. Ngumiti ako at tumango.

Kahit hindi nya palitan ang apliydo ni Ayesha, hindi maipagkakaila na sa kanya ito, na sya ang ama ng anak ko. Para silang mga pinag biyak na mga bunga.

"Ace... Anong nangyari kay Shaira?" Tanong ko ng maalala ko si Noctis. Sinabi nya kagabi na balak nyang puntahan ang Mommy nya.

"May sakit sya, Cancer. Pero nakaka recover na sya ngayon, panay din ang bisita ni Noctis sa kanya." Sagot nya. Biglang akong natigilan sa sinabi nya.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon