Naging mabilis ang mga araw na halos hindi ko namamalayan.
Naging maayos ang lahat at higit sa inaasahan ko. Okay na ang pamilya ko at si Ace, pero halata pa rin kay Papa na may tampo pa sya samin. Sabi ni Mama ay nag tatampo si Papa dahil hindi namin pinaalam o sinabi sa kanya ang pag papakasal namin. Alam ko na bilang ama ay gusto lang ni Papa na makita ang mga anak nya sa masasaya at importanteng pangyayari sa mga buhay namin. Naguilty ako dahil huli na bago ko maisip iyon. Pero nangako si Ace sa kanya na mag papakasal kami sa simbahan upang maihatid nya ako sa altar, at iyon talaga ang plano ni Ace. Pero bago ang kasal ay gusto nya muna muling makuha ang loob ng mga magulang ko.
Ang nag papakaba pa sakin ay ang pag dating ng Mama ni Ace. Hindi kami okay noong una kaming nag kita, alam ko na ayaw nya sakin para sa anak nya. Ang sabi ni Ace at huwag akong mag alala dahil kasal na kami at kahit na ayaw nya sakin ay wala na kaming magagawa roon. Pero hangga't maaaro ay gusto ko ring makuha ng loob nya, katulad ng ginagawa ni Ace sa pamilya ko. Gusto ko na walang alitan o di pag gusto sa pagitan namin. At tingin ko ay marami namang pag kakataon.
Natapos ang bakasyon at nag simula ang klase. Excited kami ni Ayesha sa mga batang papasok sa school na pinagawa ko. Si Noctis naman ay grade 7 na ngayon.
"Daddy wag na." nakakunot ang noo na sabi ni Noctis sa Ama ng sinabi ni Ace na ihahatid nya sa school si Noctis.
Napangiti ako ng ipilit ni Ace na sya ang mag hahatid kay Noctis. Ayaw ni Noctis, siguro nahihiya na hanggang ngayong grade 7 na sya ay hinahatid pa sya.
"Why?" Kunot noong taong ni Ace.
Nasa hapag kami at nag hahanda sa pag pasok sa school. First day of school ngayon kaya medyo maaga kami kaysa sa nakagawian. Napatingin ako kay Ayesha na maganang kumakain.
"Dad, I'm okay. Kaya ko ng mag isa" ani Noctis. Nag katinginan kami ni Ace. Ngumiti ako at hinaplos ang braso nya para sabihin na hayaan nalang ang gusto ng anak. Halata kasing gustong-gusto nyang inihahatid si Noctis sa school nito.
Nang matapos kumain ay umakyat kami sa kanya-kanyang kwarto upang makapag handa kami sa pag pasok sa school. Nauna ng umalis si Noctis kasama ang driver nya.
Napatingin ako sa suot ko, naka black slack ako at puting long sleeve na nakatupi sa hanggang sa siko. May uniform ako pero dahil first day palang naman ay ito muna ang sinuot ko.
Napatingin ako kay Ace ng lumabas sya ng walk in closet at inaayos ang necktie nya.
"Hindi ako makapaniwala na ayaw ng mag pahatid sakin ni Noctis" aniya habang pumalapit sakin.
Napangiti ako at napailing, siguro ay iniisip nya na ito na ang simula ng pag babago mula kay Noctis. Gusto nya ata na si Noctis parin ang bata noon, na halos hindi umaalis sa tabi nya. Na laging nakabuntot sa kanya.
Nang malakapit sya ay inalis nya ang kamay nya sa nectie na inaayos nya at ako ang nagpatuloy doon. Naramdaman ko ang dalawang kamay nya sa magkabilang bewang ko at hinapit ako papalapit pa lalo sa katawan nya.
Naramdaman ko ang titig nya sakin, pero hindi ko sya tinignan pabalik. Seryoso kong inaayos ang kutbata nya, ng matapos ay doon ko lamang sinalubong ang mga kulay asul na mata nya.
"Teenager na si Noctis, nahihiya na sya na may nag hahatid sa kanya. Parang hindi ka naman dumaan sa ganon" nakangiting sabi ko. Ngumuso sya na parang ayaw tanggapin na teenager na ang anak nya ngayon.
"It's that so? Ilang taon nalang at binata na sya. Ang bilis" aniya na animo ay kinakausap ang sarili.
Hinawakan ko ang mukha nya upang mabalik sakin ang atensyon nya. Hinaplos ko ang noo nya, papunta sa kilay, sa mga mata, sa ilong at sa labi. Masaya ako, na sa sobrang saya ko ay hindi ako makapaniwala na andito ako sa harap ng taong mahal ko. Na kasal na kami at nakatira sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^