Alam ko na darating ang araw na pag sisisihan ko ang pag tanggi ko sa kasal na alok ni Mr. Knight. Pero ayoko rin naman na pag sisihan namin balang araw ang mga biglaang desisyon.
Iniiwasa ko lang na masaktan kami pareho. At isa pa ayokong lalo akong ayawan ni Madam Knight dahil doon.
Napatingin ako sa phone ko at hanggang ngayon ay wala akong text o tawag na natatangap mula sa kanya.
Nagalit ba sya dahil tinanggihan ko ang gusto nya? Pero para samin dalawa naman iyon diba?
Muli kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at pilit na inisip kung tama o mali nga ba ang naging desisyon ko. Hanggang sa nakatulugan ko na ang kakaisip.
Nagising ako ng may maramdaman na may banayad na kamay na humahaplos sa buhok ko. Dinilat ko ang mga mata ko at ang mukha ng taong mahal ko ang nakita ko.
"Wake up, sleepyhead" nakangiting sabi nya saka ko naramdaman ang labi nya sa noo ko.
"Ace" tawag ko, hindi ako sigurado kung totoo o panaginip lang sya. Minsan ang panaginip ay nadadala sa riyalidad.
"Hmmm?" Tanong nya at hindi tinatanggal ang mga mata nya sa mata ko.
"Kanina kapa?" Tanong ko saka umupo, napatingin ako sa bed side table kung nasaan ang alarm clock ko at nakitang ala una na ng hapon.
"Hmm" sagot nya kinusot ko ang mga mata ko para maiiwas kahit saglit sa kanya ang mga mata ko.
"Bakit di mo ko agad ginising?"
"Masarap ang tulog mo ayaw kitang istorbohin" aniya, sa kakaisip kagabi ay hindi ako nakatulog kaya ngayon ako bumabawi.
"Kumain kana?" Tanong ko, umiling sya bilang sagot.
"Tara, mag luluto ako" sabi ko saka bumaba sa kama at hinatak sya palabas ng kwarto.
Dumiretsyo kami ng kusina at pinaupo ko sya don, habang ako naman ay nag labas ng mga kakailanganin sa pag luluto.
Adobong manok nalang ang iluluto ko.
"Kumakain kaba ng adobo?" Tanong ko, tumango sya at nanatiling nakatitig lang sakin.
Nang maisalang ko sa stove ang niluluto ko ay lumapit ako sa kanya, tumayo ako sa pagitan ng mga hiya nya at hinawakan ang mukha nya.
"Anong problema?" Tanong ko, ang totoo kanina pa ko naaalarma sa pagiging tahimik nya, simula kanina ay ilang words palang ang lumalabas ng bibig nya.
"Iniisip ko lang kung ano pa ang ibang dahilan para tanggihan mo ang alok ko" aniya, saka ko naramdaman ang mga kamay nya sa bewang ko.
Tinitigan ko sya sa mga mata at ang mga kamay ko ay nakahawak sa mukha nya.
"Walang dahilan, gusto ko lang na dahan dahan tayo. Mas maganda naman yon diba? Yung wala tayong pag sisisihan sa huli. " sabi ko.
Nakatitig lang sya sakin na parang may hinahanap sa mga mata ko.
Mahal ko ang lalaking ito, ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Handa akong mag hintay ng matagal masiguro lang na sakin sya sa huli.
Minsan sa relasyon hindi kailanga mag madali, naniniwala kasi ako na lahat binigyan ng dyos ng makakapareha. Ang iba nga lang ay hindi nag tagpo, pero paano kung sasusunod pala nilang buhay sila mag kikita? Alam kong gagawa at gagawa ang dyos ng paraan para lang maging masaya ang mga anak nya. At mangyayari iyon kung hindi ka mag mamadali.
Kita ko ang itim sa ilalim ng mga mata nya, hindi ba sya nakatulog kagabi?
"Hindi ka nakatulog kagabi?" Tanong ko, ngumiwi sya saka umiling. Napangisi ako at dinampian ng halik ang kanya noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/55699871-288-k890691.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Knight's Son
General FictionNo LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^