MKS Chapter 26

67.7K 1.6K 198
                                    

Tatlong araw na ang dumaan simula ng makilala ko ang Mommy ni Noctis, at hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang lungkot sa mga mata nya.

Malungkot ang mawalay sa anak, hindi man ako isang ina pero alam ko na masakit iyon sa kanya. Pero hindi ko kayang gawin ang hinihiling nya na iwanan ko ang mag ama nya, mahal ko si Noctis at Ace kahit na hindi sila sakin. Kaya ang isipin na hindi ko na sila makakasama ay ang bigat sa dibdib.

Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko, dati ay masaya ako habag nakatingin dito pero ngayon ay hindi ko maramdaman ang sayang iyon. Sa tuwing nakatingin dito ay ang mukha ni Noctis ang nakikita ko habang nakatingin sya sa picture ng Mommy nya.

Hindi ko pa nasasabi sa bata at kahit na kila Mama ang pag aaya ng kasal ni Ace, hindi ko alam pero may pumipigil sakin.
Siguro ang saya sa mukha ni Noctis habang ikinukwento nya ang Mommy nya.

At isa pa, paano kung ayaw ni Noctis sakin bilang asawa ng Daddy nya? Oo sinabi nya na gusto nya ako, pero kung papipiliin sya alam kong ang Mommy nya ang pipiliin nya.

At paano kung si Noctis na mismo ang humiling sakin na umalis sa buhay nila ng Daddy nila para makasama na nila si Shaira? Anong gagawin ko?

Hanggang maaari ayokong mag isip ng hindi maganda pero hindi maiwasan. Natatakot ako na mismong ang bata na ang humiling sakin na umalis sa buhay nila.



"Ang lalim nanaman ng iniisip mo"



Napalingon ako kay Ace ng bigla syang mag salita sa likod ko niyakap nya ako mula sa likod, nasa terrace kami ng kanyang kwarto. Pag kagising ko kanina at dito ako pumunta para makapag isip.

Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan sa aking likod, kahit na naka suot kami ng robe ay ramdam ko ang init ng katawan nya. Isinandal ko ang katawan ko sa katawan nya, at pinakiramdaman ang tibok ng puso nya.

"What on your mind sweetheart? Palaging ang lalim ng iniisip mo" Tanong nya, ngumiti ako saka pumikit at dinama ang pag tama ng hangin sa aking mukha.


"Naalala ko lang yung una nating pagkikita" sabi ko, tinanggal ko ang kamay nya sa bewang ko at humarap sa kanya.


Inilagay ko ang kamay ko sa batok nya, ngumiti ako at tumingala para makita ang gwapo nyang mukha. Ang mata nya ay hindi natanggal sa mga mata ko, muli ko namang naramdaman ang mga kamay nya na pumalupot sa bewang ko.


"Ang sungit mo sakin noon" nakangiting sabi ko, tumaas ang isang sulok ng labi nya saka ako mas hinapit palapit sa katawan nya.


"Ayoko kasing pag usapan ang kahit na ano tungkol kay Noctis noon" aniya, hinilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at pumikit ng maramdaman ang tibok ng puso nya.


"At noong nasa maze kami ni Noctis, sa harap ko ay sinabi mo kung gaano mo kaayaw sa kanya. Alam mo bang sobra syang nasaktan noon?" Sabi ko, ramdam ko ang pag hinga nya ng malalim.


"Yeah, at pinag sisisihan na 'yon. Nag sorry na rin ako sa anak ko" aniya, tumango ako at hindi inalis ang aking ulo sa kanyang mainit na dibdib.


"At noong nalasing ka, tinawagan ako ni Noctis. Ang akala nya mamamatay kana at sobrang takot na takot sya." Sabi ko, napangiti ako dahil doon nag umpisa ang lahat. Noong nanghingi sya ng tulong sakin na maging ama na kay Noctis alam kong doon nag umpisa ang lahat. Dahil sa ginawan nyang pag harap sa responsibilidad sa kanyang anak ay humanga na ko sa kanya.



"Noong narinig kong na sinabi nya noon, parang may sumuntok sa puso ko dahilan para magising ako." Aniya, tumango ako. Tinanggal ko ang kamay ko sa batok nya at ipinalupot iyon katawan nya at niyakap sya ng mahigpit.



Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon