MKS Chapter 34

79.9K 2K 70
                                    

Hindi ako natanggalan ng license sa pag tuturo, nang sinabi ko kay Tita na buntis ako at maaaring mawalan ako ng Teacher License ay sinabi nya na sya na ang bahala. Kinakabahan pa ako dahil baka hindi maapprova-han ang Learning School na itatayo ko dahil nga sa nangyari sakin. Pero laking pasasalamat ko na naging maayos ang lahat. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Tita pero kung ano man 'yon ay nag papasalamat ako. Alam ko na mali pero aaminin ko na ayokong mawalan ng license sa pagtuturo.

Hindi ko naman pinag sisisihan na nabuntis ako pero aaminin ko na natakot ako na baka hindi na ako makapag turo. Mahal ko ang trabaho ko, pag tuturo ang nag iisang pangarap ko. Yun nga lang nakakalimutan ko ang mga bawal kapag kasama ko si Mr. Knight.

Mahigpit ang school kung saan ako pumapasok kaya curious ako kung ano ang ginawa ni Tita para manatili akong Teacher. Ayoko namang mag tanong dahil nahihiya ako, masyado na syang maraming naitulong samin kaya nakakahiya kung kukwestuyunin ko pa ang ginawa nyang pananakip sa kaso ko.




Isa-isa kong binaba sa kotse ang mga pinamili kong mga story books, coloring books, crayons, water colors at kung anu-ano pang kakailanganin. Nang maibaba ko na lahat ay sinimulan ko ang pag aayos, dumating na ang mga pinagawa kong cabinet kahapon, hinihintay ko nalang ang mga inorder kong tables and chairs. Dalawang linggo na simula ng makauwi ako at unti-unti naring nagkakagamit ang School ko para sa mga bata.

Gumawa akonng web site at hinikayat ang ilan kong kakilala at nakakatuwa na mayroon na agad nag sabi na gusto nilang ipasok ang anak nila, karamihan ay anak ng mga kaklase ko noon, At mga kaibigan ko. Nasa sampu pa lang sila pero pwede na sa nag uumpisang tulad ko.

Ang buong akala ko ay mahihirapan akong makakuha ng estudyante, meron naman kasing magagandamg school na tumatanggap ng mga 3 years old pataas. Noong pinaplano ko 'to ay nangangamba ako na baka hindi ko makaya ihandle ang mga bata dahil grade 2 teacher ako. Ang mga grade 2 students kasi ay kaya nang mag isip kumpara sa mga bata na 4 to 6 years old na gusto lang ay maglaro. Pero tingin ko ay makakaya ko naman ang kakulitan nila. Lalo na't nakaya kong ihandle ang kakulitan ni Ayesha.



Marunong akong mag drawing kaya ako na ang nag paint ng mga bulaklak at butterfly sa wall. Nakakatuwa dahil buhay na buhay na ang room ngayon. Nilagyan ko na rin ng kurtina na uwi ko pa galing US. Yung para sa outdoor play ground na gusto ko ay tinawag ko na kay Kiya Ced at mayron daw syang kilala na pwede naming pagbilan o pag pagawaan.

Pawis na pawis ako ng matapos, puro pintura pa ako at sobrang lagkit na ng pakiramdam ko. Kahit na dalawa na ang erectric fan ay sobrang init pa rin. Sana pala ay nag dala na ko ng pamalit. O kaya man ay mag lagay ako ng AC.

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa nabinet ng mag ring iyon. Sinagot ko iyon at niloud speak.



"Alora!" Masiglang bati ni Lucy sa kabilang linya. Napangiti ako, ilang beses kaming mag kita sa US.



"Kamusta Lucy?" Tanong ko, narinig ko na maingay ang kabilang linya at tingin ko ay may mga kasama sya.

"I'm fine! Ikaw? Nasa pinas ako ngayon. Kita tayo. Where's my inaanak?" aniya. Nawala ang ingay sa kabilan  linya, siguro ay lumayo sya.



"Nasa US pa si Ayesha at sila Mama baka next week uuwi na rin sila. Panay daw pilit ni Ayesha kaya mapapaaga." Sabi ko. Saka itinuloy ang pag papaint sa wall na naiwan ko kanina.

Naalala ko ang gulat sa mga mata ni Lucy ng makita nya ang malaki tummy ko noong nag kita kami. Busy kasi sya sa trabaho kaya hindi ko sya mahagilap at ng mahagilap k naman ay malaki at halata na ang tiyan ko. Hindi sya nag tanong kung anong nangyari o kung sino ang ama, basta ang sinabi nya ay ninang sya.


Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon