MKS Chapter 18

77K 2K 63
                                    

Tahimik ako habang kumakain, si Kuya Ced at Mr. Knight ay nag uusap tungkol sa negosyong gustong pasukan ni Kuya Ced at Ate. Si Noctis at Stella naman ay magkatabi sa pag kain.

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik" Biglang baling sakin ni Mr. Knight. Ngumiti ako saka umiling.

"Nga pala Alora, nakapag usap na ba kayo ni Tita?" Biglang tanong sakin ni Ate. Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Diba matagal nyo nang plano yon? Noong nag aaral ka palang?" Aniya pa, ramdam ko ang pag tigil ni Mr. Knight sa pag kain at mukhang nakuha namin ang atensyon nya.


"Pinag iisipan ko pang mabuti Ate" sagot ko. Nakita ko pag tango nya, saka humarap kay Mr. Knight.


"Kinukuha kasi sya ng Tita sa US para doon na tumira, nag tayo kasi sila ng asawa nya ng school" ani Ate, hindi ko alam kung plano nya talagang sabihin iyon kay Mr. Knight o talagang madaldal lang sya.


"Oh, Alora never mentioned that" aniya saka tumingin sakin, kita ko sa mga mata nya ang di paggusto sa nalaman.

Katulad ko ay marami pa syang hindi alam sakin at ako marami pa din akong hindi alam sa kanya.

Wala akong alam tungkol sa private life nya, kung divorce o annulled na ba sila ng nanay ni Noctis. Paano kung hindi pa rin pala? Paano kung umaasa pa rin ang isa sa kanila na mag kakaayos sila at muling mag sasama? Paano kung hindi ako dumating sa buhay nila? Baka may pag asa pa na mag karoon ng buong pamilya si Noctis. Ang isipin ang mga iyon ay lalong nag papabigat sa dibdib ko.



"Baka humahanap lang ng panahon, saka bago pa lang kayo kaya marami pa kayong hindi alam sa isa't-isa. Ganyan din kami dati ni Ced" ani Ate. Napailing ako sa kadaldalan nya.

Panatingin ako kay Kuya Ced na parang manghihingi ng tulong na patigilin si Ate, mukhang makuha naman ni Kuya Ced iyon dahil hinawakan nya ang balikat ni Ate dahilan para tumigi ito. Natapos ang diner na hindi ako naging komportable, hindi komportable dahil hindi ako tinitignan ni Noctis at hindi komportable dahil sa nakakapasong tingin ni Mr. Knight.

"Mommy! Mag su-swimming kami ni Noctis" tumatakbong sabi ni Stella, nasa living room kami ngayon at kumakain ng dessert.

"Samahan lang namin yung mga bata" paalam ni Kuya Ced, kami iniwan ni Mr. Knight.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapagana ang utak ko, pakiramdam ko kasi simula kaninang umaga ay hindi ito gumagana ng maayos.


Napatingin ako kay Mr. Knight ng hawakan nya ang kamay ko saka ako hinatak patayo, hinatak nya ako paakyat sa grand stair hanggang sa makapasok kami sa kanyang kwarto.

"May problema ka" siguradong-sigurado na sabi nya pagkapasok pa lang namin sa kanyang kwarto, naramdaman ko ang kamay nya sa mukha ko at pilit na hinahanap ang mga mata ko.


"Tell me Alora, what's on your mind?" Nag aalalang sabi nya ng mahanap ang mga mata ko.
Huminga ako ng malalim saka tumitig sa mga asul nyang mata.


"Napag isip-isip ko lang na madami pa tayong hindi alam sa isa't-isa" sabi ko. Nakita ko ang pag galaw ng mga labi nya pero hindi sya nagsalita.

"Madami akong hindi alam sayo, sa buhay mo, sa mga taong nakasama mo. Tingin ko kailangan muna nating kilalanin ang isa't- isa bago pa mas lumalim ang relasyong mayron tayo ngayon" sabi ko, tahimik lang syang nakikinig at nakatitig sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya o kung gusto nya ba na makilala ko pa sya.


"Mahalaga sa isang relasyon na magkakilala nag dalawang tao nang sa ganoon ay mas maging matibay ang relasyon. Gusto ko ng matibay at pang matagalan na relasyon Mr. Knight" sabi ko.


Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon