Chapter 7

119K 2.6K 54
                                    


Dear Readers,

Once again, pasensya na po sa abala. Para po maiwasan ang pag rate ni watty ng mature sa story ko, ibinukod ko ng libro ang sa tingin ko ay maaaring maka trigger na i-report ito. Kaya po paki-add na sa library ninyo ang HMC Private Chapters para po hindi na kayo maghanap sa tuwing makakita kayo nang ganitong mensahe.

Pakihanap po sa profile ko ang book na may title na HMC Private Chapters. Kailangan po naka-follow po kayo dahil possible pong i-rate na mature na iyon sa mga susunod na UDs.

Naglagay na rin po ako EXTERNAL LINK na makikita sa ibaba. Sa pc po makikita n'yo agad 'yun. Sa cp naman po, no idea bwahahaha! sorna! hahaha

Muli po ay humihingi ako nang pasensya at pang-unawa.

Enjoy reading pa rin kahit medyo pahirap po ako. Salamat sa walang sawang sumusuporta. God bless po.


<3 Ate Mommy Dean


********



CHAPTER 7

NATALIA's POV

Mahigpit pa rin akong hapit ni Vaughn sa baywang at sa totoo lang ay ang hirap umarteng ayaw ko sa hawak niya. Masyadong masarap sa ilong ang kanyang amoy pati na rin ang kanyang hininga.

"How much?" Ngumisi siya at pabalik-balik na ang kanyang mga mata sa aking labi.

"Ten thousand," matigas ko pang sagot at bahagya lang siyang napailing.

"All right." Noon na niya ako binitiwan at muling dumukot sa kanyang likurang bulsa.

Nagbuklat siya ng kanyang makapal na wallet sa aking harapan at hindi ko maiwasang mamangha sa daming lamang cash at atm cards niyon.

"Here." Iniabot niya ang lilibuhing pera at agad akong nanlamig. Seryoso talaga siyang bayaran ako para sa halik?

Nag-aalangan akong abutin 'yun at hindi ko sigurado kung kaya ko ba talaga.

"Don't tell me you're changing your mind?" Nagtaas siya ng kilay at nangangapa pa rin ako sa dapat na sabihin.

Hindi man ako sigurado sa pinapasok ko ay kinuha ko na rin 'yun at isinuksok sa maliit kong shoulder bag.

"So?" Tila nag-aapoy ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin at hindi pa man ay parang gusto na niyang atakihin ang labi ko.

"H-hindi ako marunong h-humalik." Agad na nag-init ang pisngi ko at napayuko na lang.

"Excuse me?" tila hindi pa makapaniwalang sabi niya at mariin ko lang kinagat ang labi ko sa kahihiyan.

"W-wala akong alam."

Napailing lang siya na tila ba hindi kumbinsido at mabilis na hinapit na ulit ako sa baywang.

"I don't have time to play, Cinderella. I'll just do."

Naging mabilis ang kanyang kilos at agad na akong nakulong sa kanyang matitipunong mga bisig. Walang sabi-sabing sinakop niya ang labi ko at literal akong hindi nakakilos. Gumalaw ang labi niya at ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan.

"You have the sweetest mouth I've ever tasted, Cinderella. And, you kiss so damn good," namumungay pa ang mga matang sabi niya at muli ngang sinakop ang labi ko. Pero nang maglikot ang kanyang kamay ay noon na ako bumalik sa ulirat at bahagya siyang itinulak.

Tinampal ko ang kanyang kamay na malapit na maselang parte ng aking katawan at sinamaan siya nang tingin.

"Wala sa usapan natin 'yan," masungit ko pang sabi kahit na sa totoo lang ay mahirap ang pigilan siya sa paghalik. Masyadong nakakawala sa wisyo ang dampi ng kanyang labi.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon