Chapter 14

112K 3.1K 192
                                    


CHAPTER 14

VAUGHN CRAIG's POV

I couldn't believe this! Bakit ba ngayon pa?! Hinila ko palabas ng restaurant si Sam lalo pa nga't bahagya kaming nakakuha ng atensyon sa loob.

"Bitiwan mo nga ako!" Pilit pang kumawala si Sam sa hawak ko. Hindi ako makapaniwalang gagawa pa talaga siya nang eskandalo!

"What the hell are you doing?!" Inis ko siyang binitiwan at sa totoo lang ay gustong sumakit ng ulo ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo, Vaughn?!" Agad na nagluha ang kanyang mga mata at nag-iwas lang ako nang tingin. "I thought you love me. Pero ano 'to? Nambabae ka pa rin?"

"Jeez, Sam, she's just a friend!"

"A friend you fvck, Vaughn!" galit pa niyang sabi at napabuntong hininga lang ako nang malalim. "Hindi ka pa ba kuntento sa akin?" Naglandas ang luha sa kanyang mga mata at mariin lang ako napapikit dahil hindi ko rin naman alam kung paano ba siya papaliwanagan.

"I love you, Sam. I do," sinsero naman ding sabi ko. "But I am not ready for this."

"What?" Kumunot siya at parang hindi mapaniwala. "Alam mo ba ang sinasabi mo?!"

Napahilamos ako ng mukha dahil kahit ako naman ay hindi ko pa rin alam ang gusto ko. I love Sam but I still wanted this life. This freedom.

"I can't settle for what you want, Sam. Not just yet. Ayoko nga nang may nagbabawal sa akin. 'Di ba noon pa lang sinabi ko na 'yan sa'yo?"

"What?" Naguguluhan niya akong tinitigan at agad na nagpunas ng luha. "You're not getting any younger. Sooner or later, you need to decide what you really want. You will marry me. Our parents knew about us."

"That is not going to happen soon, Sam. Not until I said so." Rumehistro ang 'di maipaliwanag na sakit sa kanyang mukha. I'm bleeding hard to see her hurting. She's family, but I knew that I was looking for more. I needed time.

"You don't love me," naghihinanakit pang sabi niya.

"Please don't say that." Umiling ako at mabilis ko siyang hinaplos sa pisngi pero agad din naman siyang umiwas.

"I hate you," umiiyak na sabi lang niya at mabilis na tumalikod para pumunta sa kanyang sasakyan.

Wala ako sa sariling ginulo ang aking buhok dahil kahit gustuhin ko mang sundan siya ay nand'un ang pag-aalangan. If I am truly in love with Sam, I should be chasing her like Tyrone and Dalton did with their wives. Pero wala akong maramdaman. Nasasaktan akong nasasaktan ko siya because she's important to me. She's like my little sister for a very long time.

Mabilis siyang nagmaneho palayo at wala akong ibang nagawa kung 'di ang sundan siya nang tingin. I hope she'll be home safe.

Nang pumasok ulit ako sa restaurant ay sinalubong agad ako nang mapait na ngiti ni Natalia.

"Okay ka lang?" alalang bungad pa niya at marahan lang akong napatango. Muli akong naupo at tinitigan ang maganda niyang mukha.

"Ikaw, okay ka lang?" balik tanong ko pa.

Marahan lang din naman siyang tumango at napatitig lang sa mga pagkaing nasa aming harapan.

"You love her?" tanong pa niya at muli ay tango lang ang naging sagot ko. "Pero bakit sinasaktan mo siya?"

Matagal-tagal bago ako nakasagot. I didn't know how to answer that. Hindi ko rin maiwasang mag-alala para kay Sam. She left devastated. I felt like a complete package of an asshole.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon