Chapter 26

102K 2.7K 109
                                    


CHAPTER 26

NATALIA's POV

May kung ilang araw na naging abala si Vaughn sa trabaho. Ilang araw din niya akong hindi nasusundo kaya isinusulit ko ang oras ng trabaho. Pagdating naman sa suite niya ay tahimik lang siya at karaniwan ay natutulog na lang agad. Parang ang lalim nang iniisip niya pero nahihiya rin naman akong magtanong.

Araw ng Sabado at ngayon ay nagluluto ako ng umagahan ni Vaughn. Hindi ko alam kung bakit ang lamig niya sa akin. Nasasaktan ako at hindi ko 'yun kayang ikaila sa sarili ko. Natatakot ako na n'ung may maganap noong nakaraang gabi, napag-isipan niya siguro na hindi ako kailanman nababagay sa kanya. At gagawa lang siya nang sakit ng ulo kapag sineryoso niya ang relasyon naming dalawa. Siguro nga kahit papaano ay umasa akong may special sa pagtingin niya sa akin kaya ganito na lang din kabigat sa loob.

Hindi naman nagtagal ay nakarinig na ako nang kaluskos sa may pinto ng kwarto. At mula nga roon ay iniluwa si Vaughn na nakapajama lang at walang suot na pang-itaas. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang sobrang pagkamangha sa kanyang kagwapuhan. Masyado ring nakakapaglaway ang ganda ng kanyang katawan pati na rin ng kanyang balat na malaporsela sa kinis.

"Good morning." Mapait pa siyang ngumiti habang marahang naglalakad palapit sa akin.

"G-good morning..." Nag-iwas ako nang tingin at kahit pa nakatayo ang kanyang buhok ay sobrang hot pa rin niya tingnan. Nagdudulot ng kasalanan ang hitsura niyang iyon. At hindi ko na pagtatakhan kung bakit ganoon ka-possessive si Sam. Para ka naman kasing nanalo sa lotto sa hitsura pa lang. Dagdag na lang ang pagiging mayaman nito.

"You're up early?"

"Um, ipinagluto lang kita."

Tumango siya at naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking baywang. Isinandal niya ang kanyang mukha sa aking balikat at halos mahilo ako sa kanyang amoy. Mas masarap pa yata siya sa pagkaing niluluto ko.

"That smells good," sabi pa niya habang marahang pinapaliguan nang maninipis na halik ang aking leeg.

Dinungaw ko siya at tipid na ngumiti. Hindi ko alam kung ano mayroon sa fried rice na niluluto ko at nagustuhan niya iyon. Kaya naman palagi ko na siya ipinagluluto nitong mga nakakaraan.

"But you smell better, Cinderella," sabi pa niya habang naglalakbay ang kanyang ilong sa kurba ng aking leeg. Bahagya akong napaiwas dahil sa kiliti na dulot ng kanyang hininga roon at kung hindi ako nagkakamali ay parang napangiti siya sa aking reaksyon.

"Vaughn, tigilan mo na 'yan. Puwede na 'to. Kain na tayo." Bahagya akong dumistansya at nakanguso naman siyang sumunod.

Naupo siya sa bar counter at doon ko na rin siya hinainan ng special fried rice na iniluto ko para sa kanya. Dahil sa mga karneng nakasahog doon ay hindi na nangangailangan ng ibang ulam. Pritong itlog lang ay sapat na. Nagsalin na rin ako ng kape para sa aming dalawa bago maupo sa katabi niyang high stool.

"Magpaalam ka na muna sa trabaho mo. Alis tayo," seryosong sabi pa niya habang nagsisimulang kumain.

"Saan naman tayo pupunta?"

"It's a surprise," nakangiting sagot lang niya at hindi na rin naman ako nagtanong. Parang kinakabahan akong hindi ko maipaliwanag.


Matapos nga naming kumain ay naggayak na rin kami ng mga gamit. Ang sabi niya'y tatlong araw daw kaming magbabakasyon kaya't ganoong araw din ang ipinagpaalam ko sa aking bisor.

Hindi ko pa rin kung alam kung saan kami papunta pero ang sabi niya ay mahabang byahe raw. At hindi nga ako nagkamali dahil nakatulugan ko na siya at lahat, ay nasa sasakyan pa rin kaming dalawa. Nang dumilat ako ay halos lagpas alas doce na noon at bahagya rin siyang nag-stretch ng braso sa kanyang kinauupuan.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon