Chapter 37

86.1K 2.7K 180
                                    


CHAPTER 37

NATALIA's POV

Masaya naming pinagsaluhan ni Vaughn ang mga ipinagayak niyang mga pagkain. Masarap lahat ng mga iyon at marami akong nakain.

"Ready ka na for the dessert?" nakangiting tanong pa niya at parang kinakabahan base na rin sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"May dessert pa? Ang dami na nang ipinakain mo sa akin, Vaughn," reklamo ko pa sabay naghimas ng tiyan.

"No, you really need a dessert."

"I'm full."

"Please," pangungulit pa niya at hindi ko alam kung ano ba mayroon sa dessert kaya't ipinipilit niya iyon sa akin.

"All right." Inikot ko ang aking  mga mata at alam ko rin namang hindi ako mananalo sa kanya.

"Wait, I'll get it." Nagmamadali pa siyang tumayo at agad na nagtungo sa kitchen.

Hinimas ko ang aking tiyan dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung kasya pa ba sa tiyan ko ang dessert na ipinipilit niya.

Hindi naman nagtagal ay dumating na siya at may dalang isang chocolate ice cream na mukhang pinag-effortan pa niya dahil may mga disenyo pa sa ibabaw.

"Aww, akala ko ba wala kang hilig sa designs?" nakangiting puna ko pa at parang namamawis ang kanyang noo.

"Uhm, yeah. Napagtripan ko lang." Alanganin pa siyang napangiti habang nakatitig doon sa ice cream.

"E, bakit isa lang 'to? Nasaan ang sa'yo?" Nagtatakang kumunot ako at tumitig sa kanyang mukha.   Alangan namang ako lang ang magde-dessert?

"H-hindi ako mahilig sa ice cream," sabi pa niya nang may kasamang iling.

"Saluhan mo man lang ako rito," kayag ko pa at mabilis naman siyang umiling.

"Para sa'yo talaga 'yan, Natalia. Enjoy, okay?"

"Fine." Inikot ko lang ang aking mga mata.  Pero kahit pa isang malaking scoop iyon ay hindi ako sigurado kung mauubos ko pa ba 'yun dahil sa kabusugan.  Maisipan din ng lalaking ito, e.

Kumutsara ako ng ice cream at kataka-takang titig na titig doon si Vaughn.

"Gusto mo?" Inalok ko pa sa kanya ang kutsara at kuntodo iling lang siya.

"Eat," maikling sabi niya at isinubo ko na lang iyon tulad nang gusto niyang mangyari.

Nakakailang subo pa lang ako ay namumuno na ang aking tiyan. Parang hindi ko talaga mauubos.

"Vaughn, sa'yo na 'to. Ikaw na ang umubos." Itinulak ko pa 'yung ice cream palapit sa kanya pero kuntodo iling na naman siya.

"Para sa'yo 'yan." Itinulak ulit niya pabalik sa tapat ko ang ice cream at 'di ko alam kung mauubos ko talaga 'yun.

"Busog na 'ko, Vaughn."

"One last big bite, please," sumamo pa niya. "Sa gitna ka kumuha, please. Nand'un kasi ang special flavor."

"Last na lang, huh. Ayoko na." Ngumuso ako at sinunod ang kanyang gusto. Kumutsara ako ng ice cream sa gitna at 'di ko pa rin alam kung bakit titig na titig siya roon. May kung ilang beses din siyang lumunok at parang kabadung-kabado.  Ano bang mayroon sa ice cream? Pagsubo ko noon ay nakatitig pa rin siya sa labi ko at noon na lang ako napakunot nang may matigas akong nakagat.

"A-ano 'to?" Iniluwa ko iyon sa plato at gayon na lang ang gulat ko nang matitigan ang singsing! "Vaughn, anong—"

"Natalia..." Kinuha niya ang singsing at mabilis na isinawsaw iyon sa tubig. Lumitaw ang kulay nitong ginto pati na rin ang bato noon sa ibabaw. Awang ang labi kong napatitig sa namumula niyang mukha.  Anong-?

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon