Chapter 28

97K 3K 143
                                    

CHAPTER 28

NATALIA's POV

Matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ni Vaughn sa Enchanted Cave ay lumipat ulit kami ng destination sa Bolinao. Sa isang private resort na pag-aari ng kanilang pamilya kami nagtuloy. Malaki ang vacation house nila at moderno na rin ang pagkakagawa. Gawa sa bricks ang buong kabahayan at napapalibutan ng salamin. May swimming pool din na nakaharap sa dagat at tanaw ang mga nagsu-surfing doon.

"Marunong ka mag-surf?" usisa ko pa habang nakatambay sa veranda.

"Yup." Tumango pa siya sabay akbay sa akin.

"Gusto mo bang matutunan?" Dinungaw niya ako at marahan lang akong napailing.

"Parang hindi ko kaya. Mahina ang mga binti ko," pag-amin ko pa lalo na nga't may pagkalampa talaga ako. "Pero gusto kitang makitang nagsu-surfing." Niyakap ko siya sa baywang at napangiti lang siya sa akin.

"All right. Pero mamayang hapon na lang para hindi masyadong masakit sa balat ang init." Pinisil niya ang aking pisngi at manipis akong hinalikan sa noo.

Muli ko na namang naramdaman ang lungkot dahil hanggang bukas na nga lang pala ang pagsasama namin ni Vaughn.

"Where do you plan to stay Natalia?" seryosong tanong pa niya at tiningala ko lang siya.

"Babalik na lang siguro ako sa amin. Sabi naman ni Yna, mabait na ang Nanay at si Andrea."

"I can help you with the money or even the place where you can stay. Baka kung ano na naman ang gawin sa'yo ng Nanay mo," nakakunot-noo pa niyang sabi.

"Hindi naman na siguro. 'Wag mo na ako intindihin. Kahit papaano rin naman nakaipon na ako. Iyon nga lang ay hindi pa rin sapat 'yun para bumukod."

Napabuntong-hininga lang siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Ayoko lang na ibenta ka na naman ng Nanay mo."

"Hindi naman na niya siguro gagawin 'yun." Tinapik ko siya sa dibdib at napailing lang siya.

"Basta promise me, Natalia. Tatawagan mo ako kapag may ginawa silang hindi maganda sa'yo. Puwede ba 'yun? Promise me, please."

Wala akong ibang nagawa kundi ang sumagot. Matapos ang usapang ito, ayoko nang umasang may tatakbuhan ako. Kailangan kong magmove on sa buhay na wala siya. Ayokong umasang may mangyayaring maganda sa kung ano man mayroon sa pagitan naming dalawa. Dahil iyon ang realidad. Mag-isa na ulit ako pagkatapos nang lahat ng ito.

Matapos na makaidlip kami ni Vaughn noong tanghaling iyon ay nagpunta kami sa dagat para nga pakitaan niya ako ng skills niya sa pagsu-surfing. Naka board shorts lang siya at nakabalandra ang mga pandesal niya sa tiyan. Hindi na ako nagtaka nang madagdagan ang mga babaeng nakikiusyoso sa amin at nakatitig sa kanya. Pero kataka-takang wala man lang siyang pinansin ni isa sa mga iyon at para pa ngang ako lang ang nage-exist sa kanyang mga mata.

Sumakay siya sa kanyang surfboard at tila propesyonal na lumangoy patungo sa medyo malalim na parte ng dagat. Bumuwelo siya sa magandang taas ng alon at halos mapatalon ako sa tuwa nang magawa nga niyang makatayo sa kanyang board na hindi nalalaglag. Nagtilian din ang mga babaeng 'di kalayuan sa akin at ibig kong mairita.

Kumaway siya sa akin at halos malusaw ang puso ko sa kanyang kagwapuhan. Napatingin sa akin ang mga babae at aminado akong masaya ako sa ipinapakitang atensyon ni Vaughn para sa akin.

May kung ilang beses siyang nag-surf pero ni isang beses ay hindi ito nalaglag sa board nito. Nang mapagod ito ay malaki ang ngiting bumalik siya sa akin bitbit ang kanyang surfing board.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon