Chapter 32

104K 3.5K 370
                                    


CHAPTER 32

VAUGHN CRAIG's POV

All right. Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa sinabi ng gagong si Terrence. Natalia is going to date that fvcker. And, the idea that some guy is going to touch her made me so damn jealous!

What the hell is so fvcking wrong with me?!

I just can't sit and relax here. I need to do something!

"Where are you going?" nakangising tanong pa ni Terrence. Shit. Bakit ko ba nakalimutang nandito siya?! Sumama siya sa suite at gusto raw niyang uminom kahit kaunti bago umuwi. The whole time na magkasama kami, ngayon ko lang naisip na kanina pa pala ako nakalutang. Ano nga bang pinagkuwentuhan naming dalawa?

"Going out," simpleng sagot ko lang at mabilis na kinuha ang aking jacket na nakasampay sa likod ng sofa na akong inuupuan.

"Finding your Cinderella?" Tinaasan niya ako ng kilay at sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong suntukin sa mukha. Asar din ang gagong 'to, e.

"Of course not," mabilis na tanggi ko pa at malakas naman siyang humalakhak.  He was definitely not convince.  I wasn't playing it right. Damn it.

"Come on, dude. Kanina pa nga kita kinakausap pero mukhang 'di mo ako naririnig!" nakakalokong sabi pa niya sabay inom ang Vodka.

"You're talking non-sense. Why would I even bother listening to you?" palusot ko pa pero ang totoo ay wala akong maalala. Alangan namang tinamaan na ako kaagad sa Vodka? Nah, that's just impossible. Hindi naman ako gan'un kadali malasing.

"The truth will set you free," madramang sabi pa niya sabay dipa ng kanyang mga kamay sa ere.  Umismid siya at noon na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Go find Cinderella," nakangising sabi pa niya at iiling-iling na naglakad palapit sa pinto. "Ikaw din, baka makahanap ng ibang prince charming ang Cinderella mo," nanunuksong sabi pa niya sabay kabig sa pinto pasara.

Napailing na lang ako at nagmamadali ring sumunod sa kanya.

Halos paliparin ko ang aking motor pabalik sa Greene's Mall. Malapit nang matapos ang shift ni Natalia at nasisiguro kong hinihintay na rin siya n'ung siraulong manliligaw niya. Nang makarating ako sa mall ay saktong nagsasara na at naglalabasan na rin ang mga empleyado.

Fvck, bakit ba ngayon pa ako kinabahan? What am I going to tell Natalia? Ugh, looser!

"Sir, hinihintay n'yo po ba si Natalia?" nakangiting tanong pa n'ung babaeng kasamahan niya sa children's section.

"You are?"

"Jhane po," mabilis namang sagot niya.

"Have you seen Natalia? Nakalabas na ba siya?" magkakasunod na tanong ko pa at hindi ko maiwasang panlamigan.  This is all new to me. Even when I told Sam that I loved her, I wasn't like this. Pero siguro nga, ibang pagmamahal ang mayroon ako para kay Sam.  With Natalia, I am just losing it.

Totally losing it.

"Halos kakalabas lang po, Sir Vaughn. Kasama po 'yung suitor niya."

"Where the hell did they go?" Kumunot ako at napatingin sa aking relo. Sakto lang naman ang dating ko, a.

"Hindi ko po alam, Sir. Nagkasalisi lang po kayo. Halos kakalabas lang nila."

"Fvck," halos pabulong na mura ko at wala ako sa sariling tinalikuran siya.

Sumakay ako sa aking motor at pinaharurot iyon palayo roon. Damn, saan ako maghahanap?! This is bullshit!

Desperadong inikot ko lahat ng mga lugar na sa tingin ko ay possibleng puntahan nila pero 'di ko sila nakita. Nakakagagong isipin na baka hawakan o halikan nang gagong 'yun si Natalia. At iyon pa lang ang naiisip ko ay parang nababaliw na ako.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon