Chapter 23

101K 3K 137
                                    

CHAPTER 23

VAUGHN CRAIG's POV

Around five o'clock in the afternoon ay tsaka pa lang kami nakaalis ni Natalia papunta sa birthday nina Ysha at Deandre. Muntikan pa kaming hindi matuloy dahil sa pagkukulitan naming dalawa. Ipinipilit pa rin kasi niyang hindi na siya sasama dahil hindi raw siya nababagay sa ganoong lugar at kung anu-ano pa. I couldn't believe this. Sa lahat talaga ng mga babae, si Natalia ang hirap makuha. Kung naiiba sigurong babae, nakakalamang na hindi palalagpasin ang pagkakataong makasama ako. But with Natalia? She's really different. And, maybe that's the reason why I am so drawn to her. She wouldn't always agree with me without a fight. I do loved watching the scowl on her face.  How the way she looked so angry with me but it so damn turns me on.

Nang makapasok kami sa bukana ng mansion nina Dalton at Janella ay hindi na rin ganoon karami ang mga bisita. Tanging malalapit na kaanak na lang ang nand'un at tapos na rin ang children's party.

Marami pa ring round tables at chairs ang nakakalat pero karamihan ay wala na ring mga laman. Tickled pink and sky blue colored theme are all over the place.  Cute and happy pictures of DJ and Ysha are hanging on every corner.

Nang matanawan ako ng barkada ay agad silang nagpalakpakan at sumenyas na lumapit.

"Now, there's our prince charming!" malakas pang pambungad ni Terrence na abot-tainga ang ngiti.

Nagsipagsipulan sila at nagkantiyawan.

We weren't even starting.

Assholes.

"Vaughn..." Pasimple pang hinila ni Natalia ang hem ng t-shirt ko.  Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. She just couldn't hide it.

"Relax, Cinderella," natatawa pang sabi ko lang at ginagap ang kanyang kamay. Kulang na lang ay magyelo siya sa sobrang lamig.

Nang tuluyan kaming makalapit sa kinalalagyan nila ay sa magkahawak kamay namin ni Natalia natuon ang atensyon nila. Nakangisi silang lahat at si Dalton man ay panay ang bulong kay Janella habang sumusulyap sa amin.  I could almost hear him.

"Nasaan na ang mga inaanak ko?" mabilis na pagtatanong ko pa bago pa man nila ako simulan. They won't be easy on me. There's just no fvcking way that would even happen.

"Tito Vaughn!" Nagtatakbong lumapit sa akin sina Ysha at DJ. Binitiwan ko saglit ang kamay ni Natalia at sinalubong ko nang yakap ang dalawang bata. Agad ko silang kinarga at pinaghahalikan ang kanilang pisngi. They did the same with me. I love these kids like they're my own.

"Happy birthday, kiddos," nakangising bati ko pa habang halinhinang tinitignan ang sobrang cute nilang mga mukha.

"You're late," nakasimangot pang sabi ni Ysha at sobrang haba ng kanyang nguso. So damn cute!

"I'm sorry, baby," malungkot pang sagot ko kay Ysha. "I have stuff to take care to, you know?" Of course, I couldn't tell her the truth. I've been in bed with Natalia all day.

"Tito Vaughn, where's my gift?" Si DJ na sa dala ni Natalia nakatingin.

"Oh..." Sinenyasan ko si Natalia na lumapit at agad na iniabot sa kanila ang regalo.

"Happy birthday, babies," nakangiting bati naman ni Natalia sa dalawang bata na matamis naman ding ngumiti sa kanya.

"She's so pretty, Tito Vaughn." Si DJ na pilyo pang kumindat at nangingiting umiling na lang ako. Manang-mana nga siya sa kanyang siraulong ama. 

"I couldn't agree more with you, DJ," kaswal na sagot ko naman sabay kindat din kay Natalia na napairap naman sa akin.

"And, she do resembled Cinderella, like what Tito Terrence described her," inosenteng sabi pa ni Ysha. Pasimple akong bumaling kay Terrence at sinamaan siya nang tingin. Nakangisi namang nag nagpeace sign ang gago. Ang daldal din ng siraulong 'to!

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon