Chapter 10

109K 3.3K 149
                                    

CHAPTER 10

VAUGHN CRAIG's POV

Hindi naman din nagtagal ay lumabas na ang kanina ko pa hinihintay. Tulad nang dati, balot na balot muna sila ng mga damit at sa kalagitnaan nang pagsasayaw ay tsaka nagtatanggal ng mga suot.

"I can't blame you, dude. Natalia is really pretty," nakangisi pang sabi sa akin ni Terrence bago ibalik ang tingin sa kanyang cellphone. At mas gugustuhin kong abalahin niya ang kanyang sarili sa pagte-text.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa stage at parang may kakaiba sa kanya. She seemed a little gloomy. Wala ako sa sariling napatitig sa kanyang makinis na balat at hindi ko masisisi ang ibang lalaking nagkakandarapang mahawakan siya. She isn't skinny but she's got the curves that every man would die to have in bed. And, a part of me wanted to have that chance.

I wanted her in my bed.

Nang magsimula nang magtanggalan ng damit ang mga dancer sa stage ay halos mabingi ako sa lakas nang sigawan at hiyawan. Nanigas ang bagang ko at sa totoo lang ay hindi nakakatuwang marami kaming nagfi-fiesta sa katawan niya.

Nagkagulo na naman ang mga lalaki at ang iba'y nagtatangka na namang makaakyat sa stage. But the good thing was, mas mahigpit ang mga bouncer ngayon at naagapan nila ang mga lasing na customer makaakyat kaagad sa stage. Hindi rin kalayuan ay natanawan ko si Mr. Capingco na nakangisi at titig na titig din kay Natalia. He is filthy rich but separated. I think he's acquainted with my dad because of business.

At tulad nang dati, may mga customer na lumapit kay Natalia at nagsabit ng pera sa kanyang suot na panty at bra.

"Hindi ka ba magsasabit, dude?" nakangising tanong pa ni Terrence sabay nguso kay Natalia.

"No," matigas na sagot ko lang at wala rin akong balak magpakita.

"At bakit naman?"

"Get yourself busy and stop talking to me, dickhead," masungit na sabi ko at malakas naman siyang napahalakhak.

"Tampururot ka ba, dude? You sounded like one." Sinuntok niya ako sa balikat at sinamaan ko lang siya nang tingin. I couldn't believe this.

Mataman akong tumitig kay Natalia na panay ang giling sa stage at hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras sa isang kagaya niya.

Hindi naman din nagtagal ay natapos ang sayaw at mabilis na nag-pulasan ang mga babae sa stage. Noon na lang ako nakahinga nang maluwag dahil wala namang nagtangkang mambastos kay Natalia sa mga pagkakataong iyon.

Nananatiling malinis ang table namin ni Terrence dahil wala ako sa kundisyong uminom. Si Terrence man ay hindi rin ginagalaw ang inuming ipinadala roon ni Amir at masyado siyang abala sa pakikipag-text.

"Dude, mukhang may problema!" Humahangos pang lumapit sa amin si Amir at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Problem?" Kumunot ako at agad na kinabahan.

"Si Natalia..." halos pabulong pang sabi lang niya at alalang iginala ang tingin sa paligid.

"What about her?" Wala ako sa sariling napatango at napatingin din sa paligid namin.

"Nasa labas na siya, dude. Mukhang ibinenta siya ng kanyang step mom kay Mr. Capingco."

"What?!" Halos magliyab ang aking pakiramdam pagkadinig sa sinabing iyon ni Amir. Dali-dali akong lumabas ng club nang hindi alintana ang mukha ng aking mga nakakasalubong. My heart was beating so loudly! 

Narinig ko ang pagtawag ni Terrence at Amir pero mas pinili kong 'wag sila lingunin. Hindi pa sana huli ang lahat! Shit! But what am I going to do?! Fvck!

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon