Chapter 40

97.5K 2.7K 140
                                    

CHAPTER 40

VAUGHN CRAIG's POV

Believe it or not, doon talaga sa creepy house na 'yun naganap ang birthday ko. Ibang klase talaga mag-trip ang mga loko. Though, I knew that I have no right to complain because I was doing the same thing for the past years.  Making fun to each other was something we all looked forward on any chance we can get.  May mga pailan-ilan pang mga kaibigan ko ang nagsipagdatingan and I am really glad na hindi na nila na-witness in person ang naganap na takutan kanina.  My reactions made me looked like a complete fool!  Pero kung sabagay, ano pa nga ba ang ipinagkaiba nang nandito sila at wala? Napanood pa rin naman nilang lahat sa facebook ang naganap kanina. I think I should start blocking friends, huh?

"Hey, okay ka lang?" alalang tanong pa ni Natalia na noo'y nakasandig sa dibdib ko. Good thing napilit ko siyang tanggalin na ang creepy make-up sa kanyang mukha. Hindi ko kasi siya mahalikan kanina at parang ibang tao ang tingin ko sa kanya kanina.

"I'm okay. Hindi na lang din yata ako sanay uminom." Ngumiwi ako at matagal-tagal din akong nabakante sa inom simula nang magsama kaming dalawa. Nang maging kami naman ay itinigil ko na talaga ang pag-inom.

"Gan'un ba?"

"Uhumm..." Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok at inilagay sa likod ng kanyang tainga. "I'm glad you're here. I thought you totally forgot my birthday." Ngumuso ako at natatawa naman niya akong tinapik sa pisngi.

"That's impossible," malambing pa niyang sabi at malagkit na tumitig sa akin.

Yumuko ako at banayad siyang hinalikan sa labi.

"Ehermm..." Malakas pang sabi ni Terrence at noon ko na lang napagtanto na nakatutok pala sa amin ang cellphone niya. Gago talaga. "You're so sweet, pussy," malambot pa niyang sabi at malakas na namang nagtawanan ang buong tropa.

"Fucker." Umismid ako at mahina lang ulit akong tinapik ni Natalia sa dibdib. She's beautifully blushing like a teenager.

"You should be ready. Dalton invited Sam and the cousins," seryosong sabi pa ni Tyrone na noon ay nakaupo sa katapat naming sofa. Nakaakbay siya kay Jordan na noo'y nagsisimula nang mamilog ulit ang tiyan.  Wala akong masabi sa kasipagan nitong si Tyrone.

"Are you fvcking kidding me?" Nakasimangot na baling ko pa kay Dalton na agad namang nagtaas ng dalawang kamay. Katabi rin niya si Janella na noo'y nakayakap sa baywang niya.

"It wasn't something I planned, dude. Nagkita kami kanina sa Greene's Mall at tinanong kung ano ang plano sa birthday mo. Alangan namang magsinungaling ako, e, dati mo namang minahal 'yung tao," dire-diretso pa niyang sabi. Ang sarap tapalan ng bibig ng gunggong na 'to!

Dinungaw ko si Natalia na noon ay tipid lang na ngumiti sa akin. Alam kong hindi siya magiging komportable sa presence ni Sam.

"Baka gulo lang ang dalhin nilang magpipinsan dito," kunot-noo pang sabi ni Chance na noon naman ay nakaakbay kay Kirsten. "Kilala mo kung gaano ka-protective ang mga iyon kay Sam. They won't be easy on you, dude," seryosong aniya at napatikhim naman ako. Ano bang pakialam ko sa mga pinsan niya? I care about Sam, but to hell with her cousins. Gawan lang nila kami nang gulo ni Natalia, I'll make sure na manghihiram sila ng mukha sa aso.

"Speaking of the devil," maagap pang sabi ni Terrence na mabilis ding tumayo para silipin sa bintana ang pumaradang sasakyan. "It's them." Makahulugan pa siyang tumingin sa akin at mas gugustuhin kong hindi na lang sila nagpunta. I am not even in good terms with them. Shit.

Hindi nga nagtagal ay pumasok si Sam kasama ang mga pinsan nito. Pagbungad pa lang ay nakita na nila kami kaagad ni Natalia sa sofa at alam kong hindi nila gusto ang nakikita nila ngayon.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon