Chapter 13

121K 3.1K 124
                                    


CHAPTER 13

NATALIA's POV

Pinilit kong bumangon kahit na nga mahapdi pa ang bahagi kong iyon. Hindi ako makapaniwalang ibinigay ko lang ang pagkabirhen ko sa taong hindi ko man lang mahal. Kinagat ko ang aking labi at pinilit na huwag humagulgol nang iyak. Nalulungkot ako na kailangan pang umabot sa ganito at kagagawan pa iyon nang itinuturing kong magulang. Pinunasan ko ang aking luha at pinilit na magpakatatag. Pero may sariling mundo ang aking mga luha at walang ampat iyon sa pagbasa sa aking mukha.

Nagbihis ako at hindi ko alam kung ilang beses pa naming gagawin ang ganito ni Vaughn. Marahil kung natuluyang si Mr. Capingco ang nakabili sa akin ay hindi ko alam kung mas magiging mabigat ba ang pakiramdam ko ngayon. Wala naman din akong nakikitang ibang paraan upang makabayad. At ang ganoong halaga ay hindi madaling kitain dito sa Pilipinas.

Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal nagkulong sa kwarto ni Vaughn. Nahihiya kasi akong magpakitang umiiyak. Anu't-anuman, ginawa pa rin niyang tulungan ako kahit pa ang kapalit noon ay sumiping ako sa kanya.

Nang makalabas ako sa kwarto ay natanawan ko siya sa bar counter at umiinom. Saglit siyang natigilan sa pagtitig sa akin habang inuubos na lang ang natitirang alak sa kanyang baso. Mabilis din niyang pinasadahan nang tingin ang aking kabuuan at muli na namang naglaro sa isip ko ang naganap sa pagitan naming dalawa. Napatikhim siya sabay hugot nang isang malalim na buntong-hininga.

"Are you okay?" alalang tanong pa niya habang naglalakad palapit sa akin. Nakaputing t-shirt lang siya at itim na maong pero sobrang bango at gwapo pa rin niyang tingnan.

Tumango ako at pinilit kong ngumiti. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari sa akin ngayon. Talaga lang 'yun ang hinihingi nang pagkakataon.

"Do you want to go home?"

Napamaang ako sa kanyang tanong lalo pa nga't hindi ko inaasahan 'yun.

"P-pero 'di ba—"

"Ayokong napipilitan ka sa kahit na ano, Natalia." Mapait pa siyang ngumiti at gumuhit ang guilt sa kanyang mukha. "Kung gusto mo nang umuwi, ayos lang sa akin."

Natahimik ako at sa totoo lang ay hindi rin ako sigurado sa sagot. Gusto kong umuwi pero hindi sa bahay namin. Hindi pa ako handang makaharap si Nanay Tere. Pero wala rin akong ibang alam na puwedeng tuluyan. Wala ako ni singko sa bulsa.

"H-hindi pa ako handang umuwi," pag-amin ko na rin at napayuko na lang sa hiya. "Puwede bang dito muna ako? Puwede kitang pagsilbihan para na rin makabawas-bawas sa utang ko."

Marahan lang siyang umiling at mapaklang ngumiti.

"You don't have to. Let's just say tulong ko na lang 'yun sa'yo. Ayokong pilitin kang gawin ang isang bagay na 'di mo gusto."

"Hindi mo ako pinilit, Vaughn. Sorry kung naiyak ako kanina," nahihiyang sabi ko pa at alam ko namang iyon ang gumugulo sa kunsensya niya. Desisyon ko namang ibigay iyon sa kanya kahit na hindi pa naman niya hinihingi.

"I felt guilty. I thought you're not—"

"I know," putol ko na rin naman sa kanya sabay yuko upang itago ang pamumula ng aking pisngi. Importante sa akin ang pagkababae ko pero alam kong wala naman akong pagpipilian pa. At hindi rin naman ako pinilit ni Vaughn. Inalagaan niya ako at naramdaman ko 'yun. Hindi ko naisip na may ganoong side pala siya at 'di puro kamanyakan lang ang alam. "Pero hindi rin naman kakayanin ng kunsensya ko na ibibigay mo lang ang ganoong halaga. Alam kong pinaghirapan mo rin 'yun," dugtong ko pa kasabay nang pag-angat ulit ng aking mukha para titigan siya.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon