Chapter 27

96.1K 2.4K 95
                                    


CHAPTER 27

NATALIA's POV

Kulang na lang ay mapasigaw ako nang maramdaman ang lamig ng tubig pataas sa aking katawan. Halos mapunit naman ang labi ni Vaughn sa sobrang pagtawa habang pinapanood ang aking mukha. Nakahawak siya sa lubid na nakapaikot sa cave at halos 'di ko kayanin ang lamig kaya't yumakap ako sa kanya. Hinagod niya ang aking balat sa likod at sapat na ang hawak niyang iyon para mapawi kahit kaunti ang lamig.

"Malamig pa rin ba, Cinderella?" Mataman pa niya akong tinitigan at walang distansya sa aming dalawa.

"O-okay na..." Mariin kong kinagat ang aking labi dahil sa malakas na namang kalabog ng puso ko. Tipid lang siyang ngumiti sa akin at noon na niya ako inalalayan ulit papunta sa pinakaloob ng cave.

Nanatili kaming nakakapit sa lubid dahil hindi rin niya magawang maglangoy dahil daw sa talim ng mga bato. Possible kasing isang padyak lang niya ay tumama ang kanyang paa sa bato sa ilalim lalo pa nga't hindi naman pantay ang lalim noon. Halos manindig ang balahibo ko sa katawan nang marating namin ang dulo at mas iba yata ang lamig pa roon. Dagdag pa na medyo nakakatakot ang hitsura ng mga bato roon.

"This place is a little creepy," nagmamasid pang sabi lang ni Vaughn habang mahigpit pa rin niyang hapit ang aking baywang.

"Oo nga. Parang may maliliit na mukha sa bato," wala pa sa loob na sabi ko at parang mas napahigpit ang hawak niya sa akin.

"Do you think there is a ghost in here?" tila natatakot pang tanong niya at napabunghalit lang ako nang tawa. "What is so funny?" Kumunot ang kanyang noo at hindi ko pa rin mapigil ang tawa. Ang laking lalaki pero mukhang takot pa yata sa multo!

"Ang laki mong lalaki takot ka sa multo?" Hindi ko na rin napigil ang bibig ko at napaawang lang ang kanyang labi sa tanong ko.

"Bakit? Hindi ka takot?" nakasimangot pang tanong niya at napailing lang ako.

"Hindi naman totoo ang multo," maagap na sagot ko pa at gustuhin ko mang maniwala ay 'di pa naman din ako nakakakita pa ng multo ni minsan. At ayoko rin namang makakita. "Ang cute mo pala kapag ganyan ka." Hindi ko na naman napigil ang matawa at tanging boses lang namin ang maririnig sa kuweba.

"Don't even start, Natalia." Umismid lang siya at bahagyang ngumuso.

"Wait..." Pinilit ko pang magseryoso. "Ano 'yung nasa likuran mo, Vaughn?"

"What?!" Agad pa siyang yumakap sa akin at tulirong napatingin sa likuran niya. "Ano ba 'yun?! Nasaan?!"

Hindi ko napigilang matawa na naman nang malakas. Ang laking duwag nitong si Vaughn!

"I was j-just k-kidding..." Hindi ko pa nakuhang magsalita nang maayos dahil sa kakatawa. Nalukot naman ang mukha ni Vaughn habang nakatitig sa akin. Bahagya pa siyang umiling-iling pero unti-unti na ring sumisilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Natalia!" kunwari ay galit pang tono niya at mabilis ko inabot ang kanyang mukha para haplusin iyon.

"I'm sorry. Joke lang," sabi ko pa sabay manipis na hinalikan siya sa labi.

Natigilan siya sa ginawa kong iyon at kahit ako man ay nagulat din. Parang natural na sa akin ang paglalambing kong iyon.

Parehas kaming natahimik at hinapit niya ako mas palapit. Banayad niya akong hinalikan at hinaplos ang balat ko pababa sa aking leeg. Kinagat niya ang ibabang labi ko at halos mag-apoy ang kanyang mga mata sa pagnanasa.

"Damn, your moan is too sexy," gigil pa niyang sabi at panay pa rin ang halik niya sa aking labi.

Napangiti ako at muling sinalubong ang kanyang halik.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon