Chapter 43

79.8K 2.6K 452
                                    

CHAPTER 43

NATALIA's POV

Napaawang ang labi ko at saglit na nablanko dahil hindi ko siya namumukhaan.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw pa niya na mas lalong nakapagpagulat sa akin. Sapat ang lakas ng kanyang boses para makakuha kami nang atensyon. At wala pa ako sa sariling napalingon sa aking likuran sa pagbabakasakaling ibang babae ang tinitingnan niya. Pero nang ibalik ko ang tingin ay sa akin talaga nakatuon ang buong atensyon niya. Napalingon din si Vaughn sa akin na para bang nagtatanong. Umiling ako at muling itinuon ang tingin sa babaeng hindi ko nakikilala.

"You fvcking slut!" sigaw pa niya at naging sobrang bilis ng mga pangyayari.

Nakalapit siya sa akin at mabilis na hinila ang aking buhok! Pakiramdam ko'y nabunutan niya ako nang maraming buhok at agad na humapdi iyon.

Nahilo ako at ni hindi ko nagawang manlaban. 

"Home wrecker!" sigaw pa niya sabay buong pwersa akong itinulak. Tuluyan akong napahiga sa semento at nanghihinang napahawak na lang sa aking noo. Iniuntog niya ako at halos umikot ang paningin ko sa pangyayaring iyon.

"Tita, stop that!" Narinig ko pang awat ni Vaughn pero masyado pa akong hilo para matitigan siya.

Nagkagulo sa buong paligid at naramdaman ko na lang ang kamay ni Vaughn sa aking katawan.

"Natalia, are you alright?" alalang tanong pa ni Vaughn at noon ko na lang natitigan nang maayos ang kanyang mukha.

"Y-yes..." Bahagya akong tumango at yumakap sa kanyang baywang. Nanghihina pa rin ako dahil sa pagkakauntog.

"Lumayas ka rito! Malandi kang babae ka!" sigaw ulit n'ung babae. Nakiawat din ang ilang barkada ni Vaughn doon sa nagwawalang babae.  Sino ba siya? Ano bang nangyayari? Hindi ko siya maintindihan.

"Tita Marcia, please, stop!" sigaw pa ni Vaughn. Napatitig ako at napakunot-noo sa kanya. Tita niya? Pero bakit niya ako kilala?

"'Wag kang gago, Vaughn! Gold digger ang babaeng 'yan!" sigaw pa n'ung babae. Wala talaga akong maintindihan.

Lumingon ako sa aking likuran at agad kong natanawan sina Nanay Tere na bahagyang nakadistansya. Parang nagulat din sila sa mga pangyayari.

"What the hell are you talking about?!" gigil pang tanong ni Vaughn at agad na nabaling din ang tingin namin sa humahangos na mga magulang nito.

"Marcia, anong nangyayari rito?!" takang tanong pa ng Papa ni Vaughn at halinhinan kaming tiningnan.

"Kuya Drew, 'yang babaeng 'yan! Palayasin mo 'yan dito!" umiiyak pang sabi nito habang galit na nakaduro sa akin.

"She's Vaughn's fiancée! Ano bang pinagsasabi mo?!" naguguluhan pa ring tanong nito at napatitig lang din si Vaughn sa akin na parang nagtatanong.

Umiling ako at wala naman talaga akong alam.

"Kabit ni Charlie ang putang babaeng 'yan!" sigaw pa niya habang nakaturo pa rin sa akin. Napaawang ang labi ko at gustuhin ko mang magsalita ay parang bigla akong naputulan ng dila.  Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi! Asawa siya ni Charlie? Ang boyfriend ni Andrea? May asawa?

"Marcia, stop it!" Humahangos pang lumapit sa amin si Charlie habang nakapaikot na rin sa amin ang mga bisita ni Vaughn.

"Walanghiya kang hayop ka!" galit na baling naman nito kay Charlie at buong lakas na pinaghahampas iyon sa dibdib.

Napadistansya ang mga barkada ni Vaughn at halatang wala ring idea sa mga nangyayari.

Nilingon ko si Andrea na agad ding nag-iwas nang tingin at kahit si Nanay Tere ay hindi makatingin sa akin. Alam nilang may asawa si Charlie?

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon