Epilogue

162K 3.3K 345
                                    



EPILOGUE

Natalia

Higit na dumalas ang pagbisita ni Vaughn sa aming mansion simula nang mangyari ang kanyang epic strip dance na napanood pa ni Lola sa internet. Papaano naman ay pinagalitan siya ni Lola at pinagbantaang hindi na itutuloy ang kasal. Pero sa halip na pansinin ni Vaughn ang bantang iyon ay mas lalo siyang nagpursige na madaliin ang kasal. May mga oras na parang mag-aaway pa sila  dahil sa kakulitan niya, pero alam ko rin namang sinusubukan lang ni Lola ang pasensya niya. Alam kong masaya siya para sa amin ni Vaughn. Ilang beses ko pa siyang nakitang pinapanood ang sayaw ni Vaughn sa internet habang tawa nang tawa. Hindi raw siya makapaniwalang magagawa iyon ni Vaughn para sa akin. Natutuwa raw siyang may lalaking magmamahal nang ganoon sa akin.

Malalim akong napabuntong-hininga dahil sa wakas ay nakatapos na kami sa pagpapasukat ng aming mga isusuot sa kasal. Paano naman ay ang daming demands ni Vaughn sa mga dapat at hindi dapat na maging disenyo ng aking bridal gown. Ayaw niya ang cut na lumilitaw ang pisngi ng aking boobs. Naiisip pa lang daw niya na may ibang makakakita noon ay napapraning na siya. Baliw na rin ang isang 'to.

Hindi ako makapaniwalang naging ganito kabilis ang mga pangyayari. Hindi na talaga nagpa-awat si Vaughn sa mga plano niya. At kulang na nga lang ay hindi na niya ako hingan nang opinyon dahil sa kagustuhan niyang magpakasal. Si lola man ay nabibigla sa bilis ng mga pangyayari pero wala rin siyang magawa. Mukhang wala na talagang pipigil kay Vaughn. At aaminin kong natutuwa ako sa pagiging desidido niya.

He loves me.

Sigurado na ako.

"Hindi ba puwedeng sa suite tayo matulog ngayon, Cinderella?" nagkakamot pa ng ulong tanong ni Vaughn. Kanina pa kami nag-iikot sa mall at namamasyal. Nitong mga nakakaraan ay madalang siyang pumasok sa kanyang opisina at ibinubuhos lang muna ang atensyon sa akin.

"At bakit naman?" Pinigilan kong matawa dahil parang nahuhulaan ko na ang rason. Nahihirapan kasi siyang pumuslit sa kwarto ko dahil palagiang nakamonitor si Lola sa amin.

"Ang hirap tumabi sa'yo. Palaging nakabantay ang Lola mo," maktol pa niya.

Malakas lang akong humalakhak at tama nga pala ang hula ko. Sa tingin ko kasi ay medyo may pagka-conservative si Lola. Ayaw niyang masyadong madikit si Vaughn kahit na lantaran na niyang sinasabing bubuntisin daw niya ako.

"Kaunting panahon na lang naman ang ipaghihintay mo, 'di ba?" natatawa pang sabi ko.

"Sa'yo siguro, oo. But not on me. Masyadong matagal ang isang buwan, Cinderella," nakasimangot pa niyang sabi. Umiling ako at alam ko rin namang hindi ako mananalo sa kanya.

"Malapit na. Hintay na lang," nakangiti pang sabi ko at nakasimangot na mukha pa rin ang iniharap niya sa akin.

"I want to marry you now, Cinderella. Ayokong magbago pa ang isip ng Lola mo sa ating dalawa," seryosong sabi pa niya pero napangiti lang ako. Hindi ko alam kung bakit siya sinusungitan ni Lola, pero sa pagkakaalam ko ay iniinis lang niya si Vaughn. Mukha raw kasing masyadong seloso si Vaughn.

"Baliw ka na." Umiling ako at nakakatuwang isipin na desidido talaga siyang pakasalan ako.

"Aren't you pregnant yet?" kunot-noo pa niyang tanong.

"Iyan talaga ang nasa isip mo?" Kinurot ko siya sa tagiliran at bahagya naman siyang napaiwas sa ginawa ko. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at parang ang lalim nang iniisip.

"I've been giving my every thing to you. You should be pregnant by now."

"Gusto mo na talaga mag-baby?"

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon