Chapter 54

104K 3.1K 252
                                    

CHAPTER 54

Vaughn Craig

Kanina pa ako hindi mapakali kakaikot. Bakit ba kasi ako pumayag sa bridal shower na iyan?! Marahas kong ginulo ang aking buhok dahil sa pagkainis. Kanina pa hindi sumasagot si Natalia sa tawag ko. I couldn't believe this! Tinotoo ba nila Jordan ang sinabi nilang marami silang bisitang mga macho dancers? Like seriously? Pumayag sina Tyrone, Chance at Dalton sa ganoong set-up? Like what the fvck?

"What the fvck, dude?! Nahihilo na ako sa'yo!" inis pang sabi ni Terrence habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Why the fvck she's not answering her cellphone?!"

"Give her a break, dude. Bridal shower ni Natalia 'to! 'Wag kang killjoy!" natatawang sabi pa niya habang hawak ang kanyang cellphone.

"Nasaan sina Ton? Bakit pumayag silang may macho dancer sa party ni Natalia?!"

"That's what love is all about, dude," nakangisi pa ring sabi niya. "The girls just wanted to have a good time. Hayaan mo na!"

"No." Umiling ako at naiisip ko pa lang na hahawakan ni Natalia ang katawan ng ibang lalaki ay nasisiraan na ako ng ulo. "Pupuntahan ko siya. She can't be touching other man's dick. No fvcking way!"

"She won't be touching other man's dck, dude. Ang OA mo, huh," huamahalakhak pang sabi niya.

Pero sa halip na pansinin ay nagmamadali akong lumabas ng suite. Kailangan kong puntahan si Natalia. Puwede naman kaming mag-party na walang ibang lalaki.

"Hey, calm the fvck down!" pigil pa ni Terrence nang makarating ako sa parking lot.

"I just can sit and wait for that party to be over, Lee. Kung kinakailangang pakasalan ko na siya bukas, gagawin ko na lang. Wala na lang ganyang party!"

Pinatunog ko ang aking blue Maserati at agad naman din siyang sumakay sa passenger's seat.

"Fine, but please don't ruin this day for her," pakiusap pa ni Terrence habang hawak ang kanyang cellphone. "Ano na lang iisipin ni Natalia kapag pinatigil mo ang party nila? Hinayaan ka nga niya sa stag party mo, remember?"

"Pero walang babaeng bisita roon, Lee. Don't forget that," inis ko pang sabi sabay paandar sa kotse.

"Pinalayas mo kasi," natatawang sabi pa niya. Yeah, you heard him right. Pinalayas ko talaga ang mga babaeng inimbitahan nilang magsayaw nang hubad sa aking harapan. Nawalan na ako nang interest sa ibang babae dahil sa pagmamahal ko kay Natalia.

"Basta ayokong may ibang lalaki roon, Lee," matigas pang sabi ko.

Nagkamot lang naman ng ulo si Terrence at nakangising umiling-iling.

"Sa tingin mo matutuwa si Natalia kung pati iba niyang bisita ay madadamay sa pagpapatigil mo sa party na iyon?"

Nanigas ang aking panga. He's got a point. That was a selfish act. Hindi nga ako pinigilan ni Natalia sa stag party kahit pa alam niyang possibleng may mga babaeng magsasayaw nang hubad roon.

"But you know what? I have an idea."

Kumunot-noo ako at saglit siyang nilingon. Tumangu-tango siya na para bang maganda talaga ang ideyang naiisip niya.

Or maybe not?

********

Natalia

Halos mabingi ako sa lakas ng mga sigawan ng mga babaeng kasama ko. Hindi ko akailaing ganito kasaya kasama sina Jordan, Kirsten at Janella. Halos nasa treinta kaming naka check-in sa isa sa mga hotel na pag-aari ng mga Greenes. Sapat ang laki ng penthouse para sa bridal party na inihanda nila para sa akin. Gusto ko man sana silang tanggihan sa party na ito ay ayaw namang pumayag nina Jordan. Dapat daw ay ma-enjoy ko ang mga huling araw ng aking pagiging dalaga.

Binigyan din nila ako ng mga regalong dapat daw ay isuot ko sa honeymoon namin ni Vaughn. Hindi man ako masyadong komportable sa ganoong usapan, ay masaya pa rin ang kinahinatnan ng aming kuwentuhan lalo pa nga't puro kahalayan ang topic noon.

"You wouldn't believe this, Nat," natatawang bulong pa ni Kirsten sa akin habang itinuturo ang isang lalaking nakasuot ng trunks papasok sa aming suite.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil kahit pa may suot siyang mascara sa kanyang mukha ay kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng katawang iyon.

Oh my God.

Lumipad ang aking mga kamay sa aking bibig nang magsimulang gumiling si Vaughn sa isang seductive na kanta.

Mas lalong nagkagulo ang mga babaeng bisita ko. Panay sigawan at talunan ang nangyari sa kanila habang pinagsasawa ang kanilang mga mata sa magandang tanawin na inihain ni Vaughn para sa lahat. Pasikreto ring nagpasukan ang mga kabarkada ni Vaughn na sumenyas pa sa aking tumahimik ako.

Nakaupo ako sa pinakasentro at halos magluha ang aking mga mata sa sobrang tawa at hiya na rin. Mapang-akit na lumapit sa akin si Vaughn habang iginigiling ang kanyang katawan sa aking harapan. Napuno nang walang katapusang sipulan at tawanan ang buong paligid.

"I love you, Vaughn!" sigaw pa ng isang dalagang bisita namin.

Ngumuso ako at parang gusto ko na siyang patigilin ngayon. Masyadong masarap sa mga mata ang palabas na ginagawa niya. Mas pipiliin kong magsayaw siya na ako lang ang nakakakita.

"Have you been enjoying yourself, Cinderella?" bulong pa niya sa aking tainga habang dahan-dahang naupo sa aking harapan. Nakulong na ako sa kanyang mga hita. Sobrang intimate ng aming posisyon kaya't hindi ko naiwasang pamulahan nang husto. Nang gumalaw pa siya sa aking kandungan ay mas lalong lumaki ang kanyang ngisi. Ramdam ko ang kanyang harapan sa aking tiyan!

"Nababaliw ka na, Vaughn!" sabi ko pa sabay tapik sa kanyang dibdib.

Malakas siyang humalakhak sabay mabilis akong hinalikan sa noo.

"No boys are allowed at your party, Cinderella," may panermong himig pa niya.

Kumunot-noo ako at takang tumitig sa kanya.

"Wala kaming bisitang boys, Vaughn," sabi ko pa at iyon naman ang totoo. Hindi ko rin naman gustong may pagselosan siyang ibang lalaki na possible niyang lumpuhin.

"Excuse me?" Tinanggal niya ang kanyang mask at noon ko nakita ang salubong niyang kilay.

"Wala kaming bisitang lalaki," siguradong sagot ko pa na nakapagpapula sa kanyang pisngi.

"I thought... Lee said-"

"You little pervert!" nakangising sigaw pa ni Dalton na sumulpot na lang kung saan hawak ang camera sa kanyang kamay.

"What the fvck?" Gulat na napatitig lang si Vaughn sa kanyang mga barkadang ngayon ay halos mamatay na kakatawa. Si Tyrone ay nakaupo na sa sofa sapo ang kanyang tiyan. Si Terrence naman ay panay din ang tawa at kulang na lang ay gumulong sa sahig. Si Chance naman ay nakaakbay kay Kirsten na sobrang lapad din nang ngisi.

"Will you do the dance again, Vaughny baby?" nagloloko pang sabi ni Dalton sabay galaw sa kanyang balakang. Hinampas naman ni Janella ang kanyang asawa sa kanyang puwitan at para bang mas nagpa-cute pa iyon sa kanyang asawa.

"I will fvcking kill you!" gigil pang sabi ni Vaughn na sobrang pula ng mukha.

"Uploaded!" nakangisi pang sabi ni Dalton.

"Motherfvcker!"

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon