Chapter 52

116K 2.4K 752
                                    

CHAPTER 52

Natalia

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong hitsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng light pink na gown na pinasadya pang ipatahi ni Lola Enriqueta. Halos magningning ako dahil sa mga Swarovski crystals na nakadisenyo sa aking pang-itaas. Mukha akong magde-debut sa suot ko, pero napakaganda niyon at elegante. Mas bumata akong tingnan at mukha nga akong prinsesa. May tiara ring nakakabit sa aking ulo at maliliit na pink roses paikot sa aking buhok. Pakiramdam ko ay ibang tao ang nakaharap sa salamin ngayon. Malayo sa isang Natalia na naranasan ang lahat nang hirap sa buhay. Light lang din ang make-up na inilagay sa akin at sadya na rin daw akong maganda sabi ni Lola.

Ang sarap lang sa pakiramdam na inaalagaan ako nang ganito. Bukod kay Vaughn, si Lola ang nagparamdam sa akin nang ibang klaseng pagmamahal. At alam kong sinsero siya sa ipinapakita niya. Ramdam ko talaga ang pangungulila niya. Simula rin kasi nang dumating ako ay mas sumigla ang katawan na niya. Nagawa na rin niyang makatayo na ulit sa wheelchair.

Halos kakatapos ko lang ayusan nang marinig ang pangalan ko. Napatingin ako kay Lola Enriqueta na mabilis ding napasilip sa may bintana. Kung hindi ako nagkakamali ay si Vaughn 'yun!

"Apo, nasa stage ang anak ni Drew Alejandro," sabi pa ni Lola at wala ako sa sariling sumilip sa bintana. Tama siya. Si Vaughn nga.

Ilang araw na siyang matiyagang nagpapabalik-balik sa bahay nina Austin kahit na nga wala naman na talaga ako roon. May parte sa aking gustong maniwala, pero mas nadadaig ako nang takot. Paano kung hindi na naman niya ako mapanindigan? Maiiwan na naman ba akong luhaan sa huli?

"He loves you, apo." Malungkot pang tumitig sa akin si Lola sabay haplos sa aking pisngi. "Why don't you give him another chance?"

Hindi ako nakakibo agad bago marahang umiling.

"Babalik at babalik din po ang nakaraan ko, Lola. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang maiwan sa susunod." Pinigilan ko ang maiyak at halos manikip ang dibdib ko sa pagpipigil.

"You don't know that. Paano ka naman nakasigurong iiwan ka ulit niya? Hindi pa nga niya alam na lehitimong apo ka ng mga Briones, pero ayun siya at nagmamakaawang kausapin mo. Sa party ko," nakaismid pang sabi niya at hindi ko napigil ang mangiti. "Gumagawa siya nang eksena sa ibaba kahit na alam niyang puwedeng wala ka sa party na 'to."

"H-hindi ko alam, Lola..." Kinagat ko ang aking labi at mapaklang ngumiti. "Paano kung may alam na pala siya?"

"I doubt it. Surprise party nga ito, 'di ba?"

"Paano po kung nasabi na ni Austin?"

"Hmm..." Bahagya pa siyang umiling. "He won't tell," siguradong sagot pa niya. "Austin likes you, apo. Bakit naman niya sasabihin sa karibal niya na apo kita? Hindi siya magbibigay nang ganooong impormasyon. Alam nating parehas na possibleng gustuhin ka na ng pamilya ni Vaughn kapag nagkataon."

"Pero paano nga po kung may alam na siya?"

"Sige, nand'un na tayo. Ang tanong, ano bang nilalaman ng puso mo, apo? Ano bang makakapagpasaya sa'yo?"

Natahimik ako at kahit na anong paged-deny pang gawin ko, iisa lang naman ang puwedeng makapagpaligaya sa akin.

Si Vaughn.

"Love is about taking chances, apo. Ang Papa mo, kahit na tinalikuran niya kami, alam kong naging masaya siya sa piling ng Mama mo. Wala siyang pinagsisihan dahil nagmamahalan sila ng Mama mo. At dumating ka pa sa buhay niya?"

Agad akong naiyak nang maalala na naman si Tatay. Walang araw na hindi ko naramdaman ang pagmamahal ni Tatay kay Nanay. Kahit wala na ito ay hindi pa rin maikakaila ang pagmamahal niya sa aking ina.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon