Chapter 51

100K 2.9K 267
                                    

CHAPTER 51

Vaughn Craig

Araw-araw kong pinuntahan si Natalia sa mansion ng mga Briones na may dalang mga puting roses, pero kahit na isang beses ay hindi niya ako hinarap. Kahit na gaano at paano pa ako magmakaawa. Dumating pa na ipinahabol nila kami sa aso ni Terrence at halos mamatay kakatawa sa akin ang gago dahil nang lagay palang iyon ay nai-video niya ang nangyari. Mabilis din niyang nai-upload iyon at napanood nang lahat ang buong pangyayari.

Fvcking viral. Shit.

"You have really gone this far, dude," tawa pa rin nang tawang sabi ni Dalton habang nire-rape ang play button. Fvcker.

"It's his death wish," natatawa pa ring sabi ni Terrence.

"Hinahabol na tayo ng aso nakuha mo pang mag-video? E, tarantado ka rin, e," angil ko pa sa kanya at agad naman siyang napataas ng kanyang dalawang kamay.

"As if naman hahayaan ni Austin na lapain tayo ng mga aso niya!" natatawa pa ring sagot ni Terrence at muling nagtawanan ang buong tropa.

"Thanks, dude." Si Dalton na tinapik pa ang tapat ng puso niya habang nakatingin kay Terrence. "At least naibawi mo man lang ako sa gagong ito. Hindi lang ako ang nagte-trending. Siya rin. I owe you one, man."

"I enjoyed it too, dude," sabi pa ni Terrence at sinamaan ko lang sila nang tingin.

"Ang laki na nang ipinagbago ng kaibigan natin." Si Chance na tinapik pa ako sa balikat. "Dati puro kamanyakan ang nasa isip nito. Ngayon iba na. Pumapag-ibig talaga!" natatawa pang sabi niya at muli na naman silang nagtawanan. Fvck. Ngayong ako ang napagtutulungan, nakakapikon pala. No wonder gan'un ang kagustuhang makaganti sa akin ni Dalton dahil wala pala talagang nakakatawa sa pinagdadaanan niya noon. Noong mga panahong para siyang asong ulol na habol nang habol kay Janella.

"People changed because of love," nakangising sabi pa ni Tyrone and I couldn't agree more.

Nang makilala ko si Natalia, nabago ang lahat sa akin. Ultimo mo nga pagiging babaero ko ay nawala. I totally changed for her. Sa paraang hindi ko namamalayan.

"Love changed you, dude," nang-iinis pang sabi ni Dalton at nagkunwaring parang iiyak. Tarantado talaga.

"I needed support here. Nahihirapan na nga ang tao puro pang-aalaska pa ang ginagawa ninyo," inis pang sabi ko. Desperado na ako. What if she doesn't want me back tulad nang sabi ni Terrence? Kakayanin ko bang wala si Natalia. The answer is clear. No.

"She was hurt by your actions, dude." Si Tyrone. "Natural na hindi ka niya patawarin kaagad."

"Oh, yeah, really? Sobrang nakakalakas nang kumpiyansa sa sarili ang sinabi mo, dude," sarkastiko pang sagot ko kay Tyrone na mahina pang natawa.

"She needed your assurance, Vaughn. And I think you needed to tell her how much you love her in public. 'Yong maraming makakarinig?" Si Chance.

"I agree. I totally agree with the first placer pussy whipped." Si Dalton na malakas pang humalakhak.

"See? The third placer agreed." Nakangisi pang tumingin si Chance kay Dalton na napakibit-balikat lang.

"You needed to tell her that mushy stuff in front of your parents." Si Tyrone.

"The second placer agreed too," natatawa pang sabi ni Terrence sabay taas sa kanyang cellphone. "I will be documenting everything. Souvenir mo."

Napailing lang ako at alam kong gagawin niya iyon.

"Ayaw nga niyang makita pagmumukha ko. Paano ko gagawin 'yun?"

"Well, may pa-party si Madam Enriqueta sa Sunday. Invited tayong lahat, 'di ba?" Si Dalton.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon