Chapter 42

89K 2.4K 67
                                    

CHAPTER 42

NATALIA's POV

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa patutunguhan nang gagawing pagpapakilala ni Vaughn sa akin sa kanyang mga magulang. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi ko kayang itago ang kaba.

"Relax ka lang, Nat," nakangiting sabi pa ni Andrea na kasalukuyan ding ayos na ayos na. Nagpa-salon pa nga kami nila Nanay Tere para lang sa party na 'to.

Pinilit kong ngumiti at hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang mag-relax. Mahirap maging positibo lalo pa nga't nakita ko kung papaano mag-react noon si Sam nang malamang ikakasal na kami ni Vaughn. Ni hindi pa nga ulit namin napag-usapan ang detalye nang kasal. At kahit hindi siya magsabi ay alam kong tensyonado siya sa magiging reaction ng kanyang mga magulang.

"Ang ganda mo, Natalia. Malabong hindi ka magustuhan ng mga magulang ni Vaughn," pampalakas-loob pang sabi ni Nanay Tere. Tipid akong ngumiti bago humugot nang isang malalim na buntong hininga. Wala nga yatang mga salita ang makakapag-pagaan sa nararamdaman ko ngayon.

Tulad nang napag-usapan ay ipinasundo kami ni Vaughn. Hindi raw kasi niya magawang makaalis dahil hindi niya inaasahang maraming imbitado sa simpleng dinner na iyon. Mas lalo tuloy nakadagdag kaba ang sinabi niyang iyon.

Pagbungad pa lang sa gate ng mansion ay halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang kaba. Panay ang hagod ni Trina sa aking braso at alam kong ramdam niya ang tensyon ko.

"Relax ka lang, Ate," nakangiting sabi pa niya at tanging ngiti lang din ang naisagot ko. Natatakot akong hindi ko mawari.

Bumaba kami sa black Volvo at agad ko ring natanawan si Vaughn na nagmamadaling lumapit sa akin. Mukhang naghintay talaga siya sa aming pagdating. Nang magtama ang aming mga mata kasabay ng kanyang nakamamatay na ngiti ay kusa rin akong napangiti nang matamis. Hindi ako makapaniwalang nagagawa pa rin niyang kalampagin ang puso ko sa pagtitig niyang iyon.

"Cinderella," malambing pa niyang tawag sa akin sabay ibinuka ang kanyang mga kamay.

"Prince Charming," nakangiting sabi ko rin at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.

"I am only a Prince Charming to you, Cinderella," seryosong sabi pa niya at tuluyang isinarado ang distansya sa aming pagitan. Mabilis niya akong ginawaran nang halik sa labi at hinalikan na para bang matagal na panahon niyang hindi nagagawa iyon. "You look so beautiful, Princess."

"You look so handsome too, Prince," Bulong ko pa at malakas naman siyang napahalakhak.

"Kapag ikaw ang nagsabi, Natalia, mas kakaiba ang pakiramdam." Niyakap niya ako at halos mapapikit na naman ako sa kanyang bango. Gustung gusto ko ang natural niyang amoy na mas nangingibabaw kaysa sa mamahalin niyang pabango.

Tiningala ko siya at halos magningning ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin.

"You ready?" may pag-aalala pang tanong niya.

Tumango ako at sa tantiya ko ay iyon lang ang kaya kong sabihin sa ngayon.

Tamang binati ni Vaughn ang pamilya ko pero nananatiling nakatutok sa akin ang buo niyang atensyon. Nakaakbay na iginiya niya kami papasok sa loob ng kanilang mansion.

Pagpasok pa lang ay bumungad na ang ilang mga kamag-anak ni Vaughn na napako lang din ang tingin sa amin. Kinagat ko ang aking labi at kahit ayokong mag-isip ay hindi ko maiwasan. Para kasing may mga alam sila na 'di ko mawari.

"You're so cold, Cinderella. You need to relax, hmm?" malambing pang sabi ni Vaughn habang pinipisil-pisil ang balat sa aking naka-exposed na balikat. Embellished neckline dress na kulay royal blue ang suot ko. Medyo pormal na bumagay naman sa simpleng dinner na iyon. Ayoko mang magsuot nang gan'un ay nabilhan na kaagad ako ni Vaughn. Gusto raw niyang maging magandang-maganda ako sa gabing iyon.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon