Chapter 18

108K 3K 181
                                    


CHAPTER 18

NATALIA's POV

Maaga pa lang ay nakaalis na papunta sa trabaho si Vaughn. Isasabay na raw sana niya ako ulit kaso naman ay may meeting siya sa isang bigateng client. Matapos na makapaglinis ako saglit ay dumiretso na rin ako kaagad sa trabaho.

Hindi man ako masyadong komportable sa aking mga kasamahan ay wala na rin naman akong pagpipilian. Maganda na rin kung tutuusin ang pasweldo sa Greene's Mall. May mga magagandang benepisyo agad kahit pa hindi regular. Sinubukan ko ring mag-apply dito noon pero minalas na 'di ako matanggap-tanggap. At ngayon sa tulong ni Vaughn ay nakapasok ako nang walang kahirap-hirap.

Kasalukuyan akong nag-aayos nang may kung sinong biglang huminto sa aking tapat.

"Ano po iyon, ma'am?" Dali-dali akong tumayo at agad na bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Sam.

"Can I talk to you for a second, Natalia?" seryosong tanong pa Sam at sa totoo lang, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Masyadong nakaka-intimidate ang kanyang hitsura. Suot at alahas pa lang ay sumisigaw na ang karangyaan.

"Ah, o-opo. Sige po." Tumango ako at agad na nahagip ng mga mata ko si Jhane na pasimpleng nag-uusyoso. Hindi ko masabing kaibigan ko si Jhane pero siya ang palagiang kumakausap sa akin simula nang magtrabaho ako rito.

Sumunod ako kay Sam at naglakad siya palapit sa may fire exit. Kinagat ko ang aking labi upang paglabanan ang kaba.  Tunog pa lang ng kanyang pulang sapatos ay kinakabahan na ako. Alam kong patungkol kay Vaughn ang pag-uusapan naming dalawa.

Nang makarating kami sa fire exit ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Humarap siya sa akin gamit ang seryosong mukha at mga matang halos tumagos sa aking buto.

"I'll go straight to the point, Natalia. Hindi kita kilala at wala rin naman akong balak na kilalanin ka pa. But please, stay out of Vaughn's life."

Yumuko ako at hindi ko rin naman alam ang dapat na sabihin. Wala rin naman akong karapatang sabihin kay Vaughn 'yon dahil nagbabayad utang lang naman ako.

"He loves me and you probably knew that he was just playing on you," matigas pa niyang sabi.

"Alam ko naman 'yon, ma'am..."

"Then why are you living with him?" untag pa niya na nakapagpagulat sa akin.  Nag-angat ako nang tingin at nasalubong ang nag-aapoy niyang mga mata.

"Matatapos din po ito, ma'am Sam." Mapakla akong ngumiti habang siya ay nangingilid na ang luha.

"We'll get married soon. Sinabi ba niya 'yon sa'yo?" Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang diretsong nakatitig sa aking mukha. 

"Hindi po." Umiling ako at iyon naman talaga ang totoo.

"Then now you know. Siguro naman alam mo na ang dapat mong gawin?" Namaywang siya at 'di ko pa rin magawang makipaglabanan nang titig. Masyadong nakakapaso ang kanyang mga titig.

"Matatapos din po ito, ma'am. Iyon lang ang nasisiguro ko."

"Tell me, what are up between you two?"

"Business lang po," diretso kong sabi at muling nag-iwas nang tingin.

Malalim lang siyang napabuntong-hininga at 'di mapakaling umatras nang kaunti palayo. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero siya man ay nahihirapang ilabas 'yon. Naaawa ako dahil alam kong nagmamahal lang siya. Pero kung ganito ang paraan ni Vaughn, paano niya nasabing mahal nga siya nito? 'Di ba dapat kapag nagmamahal ay walang iba? At gusto ko mang itanong 'yon sa kanya ay wala akong lakas ng loob. Nakakatakot pa ring magsalita sa kanya at 'di ko naman siya kilala.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon