Matapos mabara ni Ronald isang linggo na ang nakaraan ay ito naman si Macgil, nangungulit ng walang katapusan.
Tinotoo nga nito ang sinabeng ito ang magpapatuloy sa sinimulan ni Ronald. Walang araw na hindi ito bumabanat na para sakin ay nakakaasar na.
Araw ng Sabado kaya kaming last section ang itinokang maglinis ng faculty room. Pano naman kasi, nagpasaway lang naman mga boys sa section namin sa salang vandalism sa mga armchair sa classroom namin. Kaya bilang parusa, ito kami at muchacha sa maalikabok na opisina.
"Grabe! Pinag-aral ako ni mama para hindi maging taga linis lang" - reklamo ni Grace habang naglalagay ng floor wax.
"Kasalanan ng iba pero bakit kailangan pa tayong idamay?" - himutok naman ni Belle na nagpupunas naman ng bintana.
"Kung alam ko lang na ganito ang parusa di na sana ako pumunta dito sa school." - dagdag ni Jovel na nag-aayos naman ng folders.
"Oo nga. Meron pa naman ako ngayong date pero ito at makakain pa ata ako ng alikabok." - himutok din ni Virgie habang katulong ni Jovel.
"Kahit mamutla pa tayo dito sa karereklamo, walang mangyayari kasi mga dispalinghado talaga mga kaklase nating lalake." - sabay ko na katulong naman ni Belle.
"Kaya nga. Tingnan nyo parang walang mga pakialam." - sabi ni Virgie.
Sabay-sabay kaming napalingon at hayon, kampanteng nagtatawanan sina Macgil at ang mga barkada nito habang naggigitara ang una.
Wow ha! Ang saya nilang tingnan lalo na kung mangisay sila sa tahimik kung pagmumura sa kanila. Kandakuba na kami sa paglilinis habang sila ay kampanteng nakaupo lang. Woooowww! -_-
Sa sobrang aburido ko ay nilapitan ko sila at ibinato kay Macgil ang basahan na nagpatayo dito mula sa pagkakaupo.
"Shit! Marumi yon bakit mo sakin binato!?" - asik nito.
"Alam ko. Unfair naman saming mga girls na kami lang maglinis at marumihan." - pang-aasar ko.
"Uh okay. Alam ko namang gusto mo lang kunin atensyon ko." - nakangising wika nito.
Nagtawanan mga kabarkada nito sabay appear sa bawat isa. At ang mokong naman ay umanggulo para mag pacute.
"He-he-he! Feeling mo!"
"Cute mo."
"Thank you!"
"Taray." - komento nito at nagsimulang magpunas ng bintana.
"Ganyan na? Ano ba yan, Mac under ka na agad hindi pa kayo?" - pambubuska ni Raffy.
"Oo nga. Nakakasira yan ng pogi points." - gatong naman ni Francis at nag appear pa sila ni Raffy.
"Sige lang. Ito ang gusto ang santong dasalan." - banat nito sabay tawa.
Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at pinagpatuloy ang pagpupunas ng mesa. Nag-feeling busy ako sa ginagawa ng lumapit si Macgil at pasimpleng hinawakan ang kamay kong may hawak na duster.
"Ako na ang magpupunas." - presenta nito habang ipinungay ang mga matang nakatingin sakin.
At sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang nakahawak ang kanyang kamay sakin. Mabilis ko iyong binawi at agad na dumistansya sa kanya.
"Pwede mo namang kunin na lang ang duster hindi yong nanghahawak ka pa ng kamay." - pagtataray ko.
"Kukunin ko lang talaga ang duster kaso hawak mo kaya yon ang nangyari." - painosente nito.
"Oh sayo na ang duster at wag ka na ulit lalapit."
Natawa ito at inabot sakin ang duster at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.
Potikz! Naisahan ako mokong na ito. :|
***
Aligaga ako ng hapong yon at kanina pa ako pabalik- balik sa pamimili para makompleto ang kakailanganin namin sa Chemistry subject. Experiment time namin mamaya at naiinis ako sa kagrupo ko kasi mga sitting pretty lang at nag-aantay lang ng batingaw.
Pagpasok ko sa room ay mas lalo akong nabadtrip ng makita kong maraming papel sa upuan ko. Agad umalsa lahat ng dugo at cholesterol sa utak ko.
Napakawalang modo ng taong nagtapon nun sa upuan ko."Sino ba ang walang isip at walang modo na nagtapon ng mga papel na to sa upuan ko!?" - galit ko ng makalapit sa upuan ko.
Nang walang sumagot ay mas lalo akong naasar.
"Buwisit! Mga wala talagang sentido de common. Hindi basurahan ang upuan ko."
Kaya pag nalaman ko kung sino ang nagtapon ng mga kalat ipapalamon ko talaga.
"Mga boys ang salarin. Nagbatuhan sila kanina at para pang-asar din sayo, dyan nila itinambak." - sumbong ni Belle.
"Mga isip bata talaga! Hindi umaakto base sa edad!" - panggagalaiti ko.
Vote lang! ^^,
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)