Matapos ang pasabog na 'yon ni Kristinang higad ay hindi ko na kinibo si Macgil. Ang masakit pa nito, kasabay ng sama ng loob ko ay hindi na pumasok ng school ang lalaking 'yon. Ni hindi man lang ako sinuyo at nagpaliwanag sa kagaguhan nya. Panay ang iyak ko sa gabi bago matulog kasi pakiramdam ko, napakawalang kwenta ko para hindi maging sapat sa kanya.
Slim at maganda si Kristina kapantay ng kaandahan ng ex ni Macgil na si Joy. May maliit na mukha, matangos na ilong, morena at matalino. Ano nga ba ang laban ko? Mataba, may hindi kataasang ilong, may matabang pisngi at higit sa lahat MANANG. Kahit saan anggulo ko tingnan ay malaki talaga ang ilalamang sakin ni Kristina. Ano nga ba ang edge ko sa mga girlfriend material lists ni Macgil? WALA! Oo matalino ako pero hindi 'yon sapat para maging whole package ng isang Macgil Garcia's girlfriend. Nai-insecure ako! 😫
Nawawalan na ako ng gana para pumasok pa sa school at makita ang babaeng matagal ko na palang kahati ng hindi ko alam! Gusto kong manugod at sambunutan sya hanggang sa makontento ako. Pero ano naman ang mapapala ko? Kahihiyan at desperasyon! Ayokong maging gano'n ang imahe ko pero natutukso akong gawin ang ninanais ng isip ko. Hayss. Nakakabaliw ang ganito!
Inboluntaryo kong hinawakan ang dibdib ko kung saan nakahimlay ang puso kong napilasan dahil sa panloloko nina Macgil at Kristina. Ang sakit na parang pinipiga at dinudurog ng paunti unti. Unti unting lumalabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha na pumatak mula saking mga mata hudyat ng pakikiramay sa puso kong napilasan. Pero pinili kong pigilan 'yon kasabay ng malalim na paghinga. Hindi ako maaaring umiyak! Lalo pa kung nakikita ni Kristina! Hindi ko sya hahayaang tawanan ang katangahan ko sa panloloko nila sakin! Kailangan kong maging matapang.
"Bhest....." pukaw sakin ni Belle sa nag-aalalang boses. Gusto kong yumakap sa kanya at pumalahaw ng iyak, pero 'yan ang bagay na hinding hindi ko gagawin. "Okay ka na ba?"
"Oo naman!" sa pinasigla kong boses. "Hindi sila worthed sa luha at ka-emoteran sa mundo!" sabi ko at bahagya ko pang diniinan ang "ka-emoteran sa mundo" habang sumulyap sa gawi ni Kristina. Hindi sya makatingin.
"Tama 'yan! Huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga kaluluwang naghihingalo na!" si Belle at lumingon din kay Kristina sabay irap. Gusto ko tuloy matawa sa sinabi nya.
"Yead! Ang mga manloloko dapat kinukulam dahil hindi mga bulawan ang hinaharap!" si Jovy. Bulawan ( ginto ).
"Ano bhest? Ipakulam natin nang maubusan ng buhok dala sa ibaba?" si Belle. Baliw talaga ang babaeng 'to! Gusto ko nang pakawalan ang tawa ko kaso kailangan ko munang pairalin ang galit ko para sa hinahanap kong away. Hihihi
"Sige ba! Siguruhin lang natin na mababaog sila nang hindi na dumami ang mga manloloko sa mundo. Grrrr! Nanggigigil ako sa inis. Peste!" sabi ko. Oo taklesa din ako at nailalabas ko 'yon pag hindi ko na kontrol ang emosyon ko. Sa bahay lang naman ako mabait eh. Hihihi
"Maganda 'yan!" si Grace.
Natigil kami ng pumasok na si Ms. Toribio for our Chemistry subject kaya agad kaming nag-behave. Isang irap muna ang ibinigay ko kay Kristina bago itinuon ang atensyon kay Ms. Toribio.
"Class, kindly get your periodic table for our discussion." sabi ni teacher at agad naman kaming sumunod.
Nag-discuss si Ms. Toribio hanggang sa dumako sa equation in mixing of elements. May isinulat sya sa green board na equation.
"Okay class. Find the product and the reactants in the given equation. Incircle the product then underline the latter." instruction nya. "Any volunteer?" Agad akong nagtaas ng kamay.
"Oh yes Ms. Lopez." sabi nya at agad ibinigay sakin ang chalk nang makatayo ako. "And you Ms. Ortega." Jeez! Biglang nabuhay ang dugo ko dahil kasabay ko pa ang karibal ko. Agad syang pumunta sa kanang bahagi ni Ms. Toribio habang ako ay nasa kaliwa. What a nice scene!
"Ms. Ortega, underlined the reactants in a given equation." sabi ni teacher at tumango naman ang higad.
Gano'n na lang ang pagpalakpak ng palikpik ng ilong ko ng ginuhitan nya ang product.
Element + element = resolution.
Dapat ginuhitan nya ang elements in addition dahil 'yon ang reactants, hindi 'yong resolution dahil 'yon ang product. Tsk!
Stupid!
"I'm sorry, Ms. Ortega. But you had your answer incorrect." dismayadong sabi ni teacher.
"Ako na lang po ang sasagot." Pa-epal ko at tumango naman si Ms. Toribio. Ibinigay ko naman ang tamang sagot at confident na inirapan ang higad.
"Very good! Take your sit now." nakangiting sabi ni teacher at nakangising bumalik ako saking pwesto.
"Nice bhest." bulong ni Belle at kinamayan ako. Sunod naman ang iba ko pang mga kaibigan.
Kung wala akong ibubuga sa pisikal, pwes sa BATTLE OF BRAINS ako babawi. At sisiguruhin kong ako ang magiging kampeon!
One point for me! ^_~
-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)