Back to school
Excited akong makarating sa classroom namin kaya lakad takbo ang ginawa ko. Eh kasi marami akong ikukwento sa mga bestfriends ko kaya hindi na talaga ako makapaghintay. Napangiti ako nang namataan sila sa kanilang mga pwesto kaya agad akong lumapit.
"Hi mga bhest!" bati ko sa kanila at binigyan sila ng napakalapad kong ngiti. Habang papalapit sa mga kaibigan ko ay napalingon naman ako sa gawi ng mga kaibigan ni Macgil, wala pa ang mga kumag.
"Uy tumaba ka lalo ah." puna ni Jovy nang makaupo na ako saking pwesto.
"Hiyang sa bakasyon eh. Hehehe." sagot ko at pinasadahan din sila ng tingin. Lahat din sila medyo tumaba pero napansin kong hindi kumikibo si Belle at tila malalim ang iniisip.
"Hmm.....parang may iba ngayon sa kislap ng mga mata mo? May chika ba?" puna ni Jovy at napatango naman ako.
"Chika mo na dali!" excited na tili nina Virgie at Grace. Napalatak na lang ako.
"Ano kasi.....ano.....pa'no ko ba sasabihin?" tensed ako. Nahihiya akong sabihin sa kanila baka pagtawanan lang ako at masabihan ng ignorante.
"Ano....?" si Virgie. Lahat sila ay hintay ang sasabihin ko kaya humugot muna ako ng hininga at lakas loob na umamin.
"Ahmm......ano.....m-may first k-kiss na kami ni Macgil."
😮 Grace
😐 Belle
😏 Virgie
🙌 Jovy.
"Congrats hindi ka na virgin!" sabi ni Jovy habang kinakamayan ako. Anong pinagsasabi nito? "Aray!" Ayun binatukan ko.
"Ang bastos mo talaga bhest! Kiss lang ginawa namin hindi 'yong ano.....'yong.....basta!" singhal ko. Really!? Nagpalakpakan mga kaibigan ko at kanya kanya akong kinamayan.
"Congrats! Lumalandi ka na talaga." si Belle at sinabayan pa ng pambruhang tawa. Nag-iba na ng mood.
"Good job. Ano masarap ba? Ga'no sya kagaling?" si Grace
"Sa wakas wala na sating inosente. Yehey!" si Virgie.
Napaikot ko ang aking mga mata sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Landi talaga agad ang halik? Parang ang sarap lang nilang batukan kaso hindi natuloy dahil dumating na si Macgil at tumabi sakin. At andyan na naman ang "spark of connection" sa titigan namin.
Napaigtad ako sa gulat nang parang may biglang hinila si Belle sa pagitan namin ni Macgil at inaktong may linyang pinutol. Imaginary lang 'yon pero parang totoo narin dahil sa action ni Belle.
"Pinutol ko na ang linya ng spark sa pagitan ng mga mata nyo. Siguro naman iisipin nyo nang hindi lang kayo ang tao dito." pang-aasar nya at ginantihan ko lang sya ng nakakamatay kong irap.
"Inggit ka? Andyan si Ronald oh." balik na pang-aasar ko at ininguso ang kinaroroonan ni Ronald.
"Ewww.....ililibing ko na lang libog ko six feet underground kung sya lang naman." kinikilig sa kilabot na sabi ni Belle na nagpahagalpak samin ng tawa.
"Ayiiee! May naaamoy akong bagong love team. Ouch!" si Grace matapos batukan ni Belle. Tsk! Hindi lang sa salita mean ang babaeng ito, pati narin sa gawa.
"I-link nyo na lang ako kay Christian 'wag lang sa kaboteng 'yan!"
"Wow! Super market dahil nakuha pang tumawad. Choosy mo teh!" si Grace.
"Hahaha. May pagnanasa ka kay Christian bhest?" si Jovy.
"Wala ah! Kung sakali lang naman." depensa nya pero hindi kami kumbinsido base narin sa mga tingin namin. "Ewan ko sa inyo! Urgh!" sabay walk out.
"Patay. War ito panigurado mamaya." si Grace.
"Lagot kayo." paninisi ni Virgie at agad naman kaming tinakasan ng kulay sa mukha. Maliit na babae lang si Belle pero grabe ang enerhiya kapag nagagalit, tumba lahat. 😓
"Hindi ako kasali dyan ha." sabat ni Macgil at ngumisi pa ang loko.
Isang nakakamatay na tingin ang pinukol naming magkakaibigan sa kanya na nagpatikom naman sa kanyang bibig. At si Ronald naman ay malapad ang ngiti sa mga labi dahil sa pagtukso namin kay Belle sa kanya. GGSS!
Para mawala ang tensyon ay pinili na lang naming magkantahan habang si Jovy ang naggigitara at nagdrums naman si Grace gamit ang palad habang pinupukpok ang desk ng kanyang upuan. Napapangiti na lang ako habang nakasandig sa dibdib ni Macgil at nakayakap naman sya sakin.
I am very happy to have my supportive family, loving and true friends, good school record and having Macgil in my life. Yes, i am naive in relationship we have but i am very lucky to have him as a partner and companion to discover the essence and meaning of love. I am blessed!😇
-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)