Chapter Twenty six

14 0 0
                                    

Makulay at masaya ang dumaan pang mga buwan ng relasyon namin ni Macgil. Puno ng tawanan at lambingan ang bawat araw na lumilipas. At sa tuwing kami'y magkasama, halos hindi na kami bumibitiw sa kamay ng bawat isa. Puno ng pangarap ang mga matang nangungusap na naglalahad ng pagmamahal sa isa't isa. Ngunit ang lahat pala ng iyon ay may hangganan, may katapusan. Nagsimula na syang magbago. Ang dating tawanan at lambingan ay napalitan ng pait at luha. Ang noo'y mga matang puno ng pangarap at pagmamahal ay napawi ng pagkabigo at pagdaramdam. At ang makulay at masayang pagsasama ay naging malamig at matamlay na unti unting pumapatay sa bawat paghinga ko. Ang sakit! Lalo pa't lantaran na nyang ipinapakita sakin ang pambababae nya na karamihan ay mga schoolmates lang namin. At ang dating bisyo ay muli nyang niyakap, kahit ang marijuana ay hindi nya pinalagpas. Oh God! Ano na'ng nangyayari sa aking mahal?







Heto ako, pinagmamasdan lang si Macgil habang hinahayaan ko ring madurog ang puso ko sa pagdaan nya sa harap ko habang kaakbay ang bago nya, si Susana. Gusto kong pumalahaw ng iyak lalo pa't nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nais nang pumatak. Nais kong sumugod at pagsasampalin sila pareho because in the first place i am still his girlfriend and i am his legal, pero ayokong maeskandalo.







Hindi ko maiwasang ma-insecure kay Susana. She's aggressive, pretty, cheerdancer, liberated, modern fashionista, slim and have a proud breasts. A woman of description! Unlike me, chubby, hides on jeans and sneaker, have a shy breasts, old fashioned and doesn't even know what makes a man satisfied! A girl in shell!







Ibinaling ko na ang sariling atensyon sa lecture ko. Hindi ko na kayang tagalan pa ang nakikita.




"Bhest....." si Jovy.



"Okay lang ako, bhest." putol ko sa sasabihin nya. Kailangan kong magpakatatag para hindi nila ako kaawaan.



"Bhest, hindi ka okay. Komprontahin mo na lang kasi kesa ganyang umaasa ka pa." sabi nya uli. At bago pa ako makasagot ay umatake na ang bunganga ni Belle.



"So umaasa ka pa talaga na kayo pa sa kabila ng lantarang paglalandi ng lalaking iyon!? Ano ito nakikiuso ka narin sa katangahan ni Grace!? Walang medal sa pagpapakatanga uy!" sarkisto sabi ni Belle. And then, hindi ko na napigilang mapaluha sa harap nila.



"Peste! Huwag ka ngang umiyak, Lucy! Hindi sya karapat dapat ng luha mo! Ganyan ka na ba kabobo sa pagmamahal mo sa kanya!?" Ouch ha! Pwedeng manakal ng bestfriend? "Tara! Resbaka natin nang hindi ka umatungal dyan!" sabi nya at mabilis na pinigilan nila Jovy sa pagsugod kina Macgil na nasa kaharap lang naming classroom.



"Huminahon ka nga Belle. Ayan na naman ang pagiging warfreak mo." si Virgie. Si Grace naman ay nasa tabi ko lang, tahimik akong inaalo.



"Oo nga Bhest. Hayaan nating sina Macgil at Lucy ang mag-usap." si Jovy. Magkasalubong na ang kilay ng babaeng 'to. Napipikon na siguro sa nangyayari.



"Para ano? Para mabola na naman at itong tanga nating kaibigan ay bigay ng bigay lang!" Shit ha! Nasagad na ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin si Belle.



"Oo na! Alam ko ang katangahan ko kahit hindi mo na ipamukha!" sigaw ko at natigilan naman sila.  "Bakit bawal bang umasa na magkaroon ng masayang relasyon kaya tinanggap ko sya uli noon!? Hindi ba ako pwedeng magdesisyon na naaayon sa gusto ko!? Kailangan ba lahat tama sa paningin nyo kahit labag sakin!?" umiyak na talaga ako at hindi ko na pinansin ang mga classmates naming nakamata lang samin.



"Bhest....." si Grace. Pinisil nya ang balikat ko para kumalma pero iwinaksi ko lang sya. Nagagalit na ako sa kanila at maging sa sarili ko.



"Oo tanga talaga ako, Bhest Belle! Hindi kasi ako kasing talino mong mamili ng karelasyon! Ano nga lang ba ako? Eh di isang hamak na uto-uto at ignorante!" sigaw ko at wala na akong pakialam kahit lumabas na ang litid ng ugat ko sa leeg. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. "Hindi ako perpekto. Pero sana naman ay huwag nyo akong husgahan. Hayaan nyo akong magdesisyon para sa kung ano ang dapat."








Walang nasabi si Belle. Tahimik lang syang nakamata sakin habang nagtatagis ang mga bagang. This is a first time! A first argument between us. It is hard for me in a way that she is my bestfriend among of my friends. She's totally right in her words. I am a total stupid and acting a totally fooled.




"Bhest ano ba? Hindi natin kailangan magtalo. Lucy needs us. She needs comfort." si Virgie na sinang-ayunan naman nina Jovy at Grace.



"Okay. I'm sorry for what i'd said, Bhest. I'm just worried because you're in hurt at hindi ko kayang manood lang." sinserong sabi ni Belle. Mabilis nya akong niyakap at tinanggap naman iyon ng buong pagpapatawad.



"Sorry din Bhest. Tama ka naman eh. Pero don't worry, kakausapin ko sya para sa ikabubuti ko. Magtiwala lang kayo." paninigurado ko. At buo na ang desisyon ko, break up lang ang solusyon.



"Goodluck and be a strong girl." nakangiting sabi ni Grace at tumango lang ako.








I will talk to him. And if that happens, hard decisions can make. I should be strong just for my friends and for my own goods. Be strong Lucy!








Four chaps to go. Stay put buddies para sa ikabubuti ng lahat.


Cast your votes para sa ikagaganda ng ekonomiya. 😉



-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon