Chapter Five

26 0 0
                                    

A/N: may mga lugar na idinagdag para pangsuporta sa istorya. :)

Intramurals Meet!

Panay ang hiyawan sa basketball court ng school namin. Sigaw ng mga pangalang hinahangaan at team na gustong manalo. Kaisa kaming magkakaibigan dun at halos mamaos na kami sa kasisigaw sa sobrang intense na labanan. Fourth quarter; 62-58 ang scores at lamang ang kalabang team ng yunit namin. Magagaling kasi at mabibilis ang mga player ng yellow team, at ang aming red team ay madalas maungusan. 😥
Mahigpit kaming magkakahawak kamay at si Belle naman ay napapamura. Tense na kami.

Napatalon kami sa bench nang maagaw ni Macgil ang bola at walang pakialam na lumusot sa mga nakabantay at confident na inihagis ang bola sa ring. Three points! Yey!!!
62-61 na ang scores kaya mas lalo kaming pinagpawisan lalo pa't nakikita namin na pareho nang nag-aapoy sa determinasyon na manalo ang dalawang team. Nag-time out ang yellow team kaya nag-time out rin kami sa kaba.
Hay salamat!

Napadako ang paningin ko sa gawi ni Macgil. Sobrang basa na ng jersey shirt nya but he's still good looking. Ang pawis nya ay parang slow mo sa pagdaan sa kanyang noo, sa ilong hanggang sa kanyang mga labi at ang paghinga nya ay banayad na parang ang sarap hiligan at damhin ang dibdib nya. Damn hot!
At napahiya ako ng kalibitin ako ni Belle.

"Tama na ang titig, bhest. Para ka nang tanga na pinaglalawayan ng mulat si Macgil." prangkang sabi ni Belle. Minsan talaga ang sakit magsalita nitong bestfriend ko, sarap piktusan.

"Di ko sya pinaglalawayan 'no. Naduling lang ako kaya bumanda ang titig ko papunta sa kanya." alibi ko pero parang 'di dito bumenta.

"Asus. Bumanda ba o napako? Tsk! Napaghahalataan ka na talaga, bhest." napapailing na sabi nya habang parang butiking tumatagiktik.

"Huwag mo nga akong pansinin. Piktusan kita dyan eh." Napipikon na ako.

Tumawa lang ito at tumahimik na. Salamat naman! Nagsimula na ulit ang game at naging intense na naman ang lahat.
Sunod-sunod na three points ang ginawa ni Macgil ngunit agad ding nababawi ng kalaban. Umayos ka Macgil! Sigaw ng utak ko. Di na normal ang paghinga ko sa sobrang kaba, i even crossed my fingers. And in the last seconds, nagtagisan ng lakas at liksi si Macgil at ang team captain ng yellow team. Halos 'di na ako makahinga dahil 'di na makalusot si Macgil then in sudden, he shoot the ball without assurance if he can make it.



Tila naging slow motion ang lahat. Maging ang pag-ikot ng bola sa ere ay naging slow mo din. Ma-shoot sana....pleaaasssseee.... dalangin ng puso ko.



Gano'n na lang ang lundag namin ng ma-shoot 'yon at dun na tumunog ang buzzer, patunay na panalo ang kuponan namin. Yeesss! At dinumog sina Macgil sa sobrang tuwa at saya sabay congratulate.



"Ehem! Masyado nang halata ang isa dyan 'no." pagpaparinig ni Belle na kaharap sina Grace, Jovy at Virgie na kapwa nanunukso ang mga ngiti. Pumormal naman ako saka umupo. Gawd! Nakakahiya me! 😓



"May grabe kanina ang sigaw. Sino kaya 'yon?" patay malisyang sabi ni Jovy na 100% naman na alam nyang ako iyon.


"Yead. At take note, pigil pa ang hininga habang nakikipag-agawan ng bola si fafa Maki. I found it interesting!" kinikilig na sabi pa ni Grace. I rolled my eyes. Tama ba na libakin ako sa tabi nila?


"Oo nga. Ikaw bhest kilala mo ba kung sino ang girl na 'yon?" patay malisyang tanong ni Belle nang lingunin ako. Nakakapika ang ngisi nya. 😒


"Yes. At alam na alam ko at ako 'yon! Sige libakin nyo pa ako't ihahampas ko na sa inyo 'tong sapatos ko!" singhal ko at unti-unti naman silang dumistansya.


"O wag basta-basta ihampas ha. Maghanap ng anggulo." pang-aasar pa ni Belle. Alaskadora!


"Di na kailangan dahil talagang aanggulo 'to." sabi ko at mabilis na hinubad ang sapatos ko at hinabol sila. Nagtatawanan namang nagtakbuhan ang apat. Lagot sila sakin!




Hindi ko talaga sila tinigilan hangga't hindi ako nakakaganti. Pikon na pikon na talaga ako sa panunukso nila sakin kay Macgil. Wait! Speaking of Macgil.......
Agad akong namutla. Nanalo sila kanina, it means naka-one step closer na sya sakin. Oh no!!!!!!!




Wait, it's a big NO!!!!!!!! 😭








-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon