"Tama na!" isang sigaw at sinabayan ng iyak ang narinig ko sa hallway. Pamilyar sakin ang boses na nagmumula sa gawi ng ladies restroom.
Naglakad ako papunta sa kanang bahagi ng building dahil nandoon ang cr. Sa aking pagliko ay gano'n na lang ang gulat at galit ko nang makita si Grace, sinuntok ni Jeffrey sa dibdib, ang boyfriend nya. Hindi lumaban ang una.
"Jeffrey!" sigaw ko at mabilis na lumapit sa gawi ni Grace. "Napakawalang hiya mo para saktan si Grace!"
"Buwisit ka talaga sa buhay ko!" sigaw nya sa mukha ni Grace sa nanlilisik na mga mata. Mabilis syang umalis sa mabilis na hakbang. Mas lalong humagulhol si Grace kaya hinagod ko ang likod nya bilang pag-alo.
"Bakit hindi ka lumaban!? Pumapayag ka lang sa gano'n!" singhal ko and i gritted my teeth.
"Wala 'yon bhest. Hindi lang kami nagkaintindihan." hindi sya makatingin sakin. Agad nyang inayos ang sarili.
"Anong katangahan 'to Grace!? Sinaktan ka nya tapos wala lang 'yon! Hiwalayan mo na ang walang hiyang 'yon!" nanginginig na ako sa galit. Bakit sya ganito? Bakit tinitiis nya ang pananakit ng lalaking iyon? Nangatog ang tuhod ko nang makita ang mga pasa nya sa braso at pamumula ng dibdib nya. How he can be this cruel!?
"Hindi gano'n kadali bhest." umiiling na sabi nya at muli ay umagos na naman ang mga luha nya. "Binigay ko na lahat kaya ang hirap sumuko nang gano'n na lang. Tanggap ko ang katangahan ko, bhest. At balang araw maiintindihan mo rin ako." isang pilit na ngiti ang binigay nya. Pumasok sya sa restroom at naghilamos.
Natigilan ako. Anong ibig nyang sabihin? Na maiintindihan ko ang sitwasyon nya o kung paano kumontrol ang katangahan sa isang relasyon? Magiging gano'n rin ba ako kay Macgil? Tatanggapin ko rin ba ang mga bugbog at pasa galing sa kanya kung sakali? Napakurap ako. Hindi ako papayag! Hindi ako nabuhay at pinag-aral para lang saktan ng iba! NO WAY!
Naibalik ang atensyon ko nang lumapit sakin si Grace. Okay na ang aura nya kahit namamaga parin ang ma mata nya dahil sa pag-iyak."Tara na bhest." tumango lang ako at lumakad na kami papunta sa classroom namin. Late na kami kaya sa last row na lang kami umupo ni Grace para hindi makaabala sa klase.
Wala kaming imikan ni Grace sa gitna ng klase namin. Nahihiya siguro sya sa nakita ko. Pasimple akong sumulyap sa kanya habang nagsusulat ng lecture. Awa at paghanga ang naramdaman ko sa kanya. Awa dahil sa mga pasang nakaukit sa kanyang mga braso na halos nangingitim na at paghanga dahil sa kabila ng pananakit ni Jeffrey ay nagagawa nya paring patawarin at mahalin ng buo ang huli. Ganyan ba talaga kapangyarihan ang pag-ibig para tanggapin nya lahat? O ganyan talaga umalipin ang katangahan para tiisin lahat ng bugbog at pasakit? Haist. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Siguro gano'n nga talaga. Hindi mo matatakasan ang tawag ng damdamin kahit kapalit pa nito'y sarili mo. Napakalupit talaga ng pag-ibig!
Nag-bell na hudyat ng pagtatapos ng klase at break time na. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil nagyaya si Belle na pumunta ng canteen at treat nya ako.
"Ikaw bhest, hindi ka ba sasama?" tanong ko kay Grace at umiling lang ito.
"Hindi 'yan dahil nahihiya sa mga pasa nya. Eh kasi naman ang sobrang tanga mo Grace! Sadista 'yang boyfriend mo pero sige ka parin!" sermon ni Belle at marahan ko syang siniko para tumigil.
"Bhest huwag ka namang maging mean." saway din ni Jovy.
"Hindi bhest." angil pa ni Belle. "Hanggang kailan ka magiging tanga Grace na pati magulang mo nilayasan mo para lang sa lalaking 'yon? Is his dick is good enough to f*ck you at hindi ka makabitiw!?" Napahagulhol si Grace kaya agad na akong tumayo at hinila si Belle palabas ng room.
"Ano ba Belle, gumawa ka ng eksena doon. Napapahiya si Grace lalo pa't nandun si Kristina at ang mga kaibigan nya." Naiinis na ako sa kanya! Ang mean nya masyado.
"Sasabihin ko kung ano ang totoo! Kung masakit sa kanya, tama lang iyon para magising na sya sa katangahan nya!" Nahilot ko ang sariling sentido. Grabe! Sya na ang may paninindigan pero hindi parin tamang hiyain nya si Grace.
"May tamang lugar at oras para pagsabihan sya, bhest. Hindi doon."
"Whatever! Ewan ko sa inyo!" sabi nya sabay walk out. Napabuga ako ng hangin sa inis dahil sa asta nya.
Bumalik ako sa room pero wala doon ang tatlo; sina Jovy, Grace, at Virgie bagkus ay si Macgil ang naabutan ko. Agad syang tumayo sa pwesto nya at hinintay akong makalapit sa kanya. Ngumiti sya pero malamig na tingin lang ang isinukli ko.
"Missed kita." sabi nya sa malambing na boses. Ang kapal nya para sabihin 'yon samantalang niloko nya ako. Natiis nya pang hindi magpakita at magparamdam nang mahigit dalawang linggo. Para na akong tanga na panay gawa at pasa ng excuse letter nya para hindi lang sya ma-drop out sa klase.
"Talaga? Matutuwa ba ako sa kabila ng panloloko mo?" sabi ko sa malamig na boses. Nawala ang pagkakangiti nya. Pag-aalala at guilt ang dumaan sa mga mata nya.
"Lucy....." tinangka nyang hawakan ang kamay ko pero umiwas ako.
"Umalis ka d'yan! Dun ka tumabi sa kaugali mo!" singhal ko at hinaklit sya sa kwelyo para umalis. Tumayo sya at naglakad. Pero ganun na lang ang gulat ko nang niyakap nya ako bigla mula sa likuran. Hindi ako nakapalag.
"Mag-usap tayo please. Huwag ganitong tinataboy mo ako." sabi nya sa nagmamakaawang boses. Tumaas ang balahibo ko sa leeg dahil sa lapit ng labi nya. Nawawala ako sa huwisyo dahil sa hininga nyang humahaplos sa balat ko.
"A-ano ba Macgil. Lumayo ka nga!" pilit kong kinokontrol ang sarili kong harapin ang mukha nya para halikan. How i missed his lips! Urgh!
"Mag-usap muna tayo ng maayos. Please...." Haist ito ang kahinaan ko. Ang mapungay nyang mga mata at malambing nyang boses.
"O-okay." Magkatabi kaming umupo habang hindi nya nilulubayan ang kamay ko. Wala akong balak magsimula kaya sya na ang bumasag sa katahimikan.
"Sorry kung ano man ang nagawa ko. Oo naging kami ni Kristina pero naghiwalay na kami. Ikaw na lang ngayon. Please maniwala ka."
"Naghiwalay kayo dahil nalaman ko na. Ginagawa mo talaga akong tanga 'no!" nanggagalaiti kong sabi. "Ako na "lang" talaga ngayon?" idiniin ko ang pagkakasabi sa "lang".
"Oo. Sorry na. Please....." napabuntong hininga ako. Nanlambot na ang puso ko mula sa galit.
"Okay na. Basta huwag ka nang magtatago sakin."
"Promise!"
Ngumiti ako. Niyakap naman nya ako at binigyan ng mabilis na halik sa labi. Hayss. Katangahan nga ang ginawa ko sa pagtanggap sa kanya sa kabila ng panloloko nya pero wala na akong pakialam. Hindi ba pwedeng bigyang muli ng pagkakataon ang isang tao para sa kaligayahan naming dalawa? Hindi naman di ba!? Ang mahalaga ay masaya kami.
-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)