Good news at bad news.
Ang dalawang bagay na sumalubong sakin pagpunta sa school. Panghuling araw na ng intrams namin at good news dahil halos lahat ng sports panalo ang team namin maliban sa flag raising at cheer dance. Bad news dahil patunay lang na dapat akong tumupad sa deal namin ni Macgil, which is sagutin sya at maging girlfriend nya.
Nakapangalumbaba akong nakaupo sa classroom namin ng madatnan ako ni Grace at Jovy.
"Uy ba't ka nandito? Di dapat nanonood ka ngayon sa basketball championship at nag-chicheer ng bongga?" tanong ni Grace, nagpipigil ng kilig.
"Oo nga. Natatakot ka ba na baka maihi ka sa sobrang intense ng laban? Oh wait! Baka maihi sa hotness intensity ni Macgil? Aminin....." Sabunutan ko kaya 'tong si Jovel nang tumigil. Tinabig ko ang kamay nya na tinusok-tusok ako sa tagiliran.
"Ano ba!? Problemado na nga ako oh, di nyo ba nakikita?" Nakairap kong singhal. Tumigil naman ang dalawa at tinabihan ako sa pag-upo.
"Sino ba kasi iniemote mo dyan?" tanong ni Jovy. Nang maisip ko kung sino ay ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration.
"Ayoko talaga, bhest! Parang sentinsya ang araw ko ngayon. Ayokong maging girlfriend ni Macgil at mas lalong ayoko sa kanya!" Hysterikal kong sabi. They understandly tap my shoulders.
"Prangkahin mo na ayaw mo sa kanya para hindi ka na mamroblema." sabi ni Grace.
"As if naman sumuko ang feeler na 'yon." kontra pa ni Jovy.
"Duh!! Gwapo at habulin si Macgil. Kapag ni-reject sya ni Lucy siguradong titigil na 'yon. Aanhin pa nya ang taong ayaw sa kanya kung madami naman ang nagnanasa? See my point?" depensa ni Grace.
"Mukha lang ni Macgil hindi na titigil hangga't 'di nakakascore sa kaibigan natin. See also my point?" Hala! Magsasabunutan pa 'ata ang mga ito ng buhok sa ilong. Pumagitna na ako kaagad bago pa mangyari ang madugong sabunutan.
"Relax mga bhest, okay? Masyado talaga tayong nagpapaapekto sa kumag na 'yon. Ang mabuti pa puntahan na lang natin sina Belle at Virgie at nang mahimasmasan tayo."
"Right." sabi ni Jovy at agad na kaming nagtungo sa basketball court para manood ng championship.
***
Awarding night. Nagkaroon ng sayawan sa quadrangle sa school namin. Lahat nagsasaya maliban sakin. Tense ako dahil baka kulitin ako ni Macgil sa gusto nya pero sa totoo lang hindi ko pa talaga sya nakikita mula ng dumating ako. Hindi ko sya hinahanap ah!
Andito lang kami ni Jovy sa pinto ng classroom habang sina Belle, Grace at Virgie ay masayang nakipagdisco sa mga kaklase namin. Natatawa ako kasi sumayaw si Belle na parang tanga ang labas.Nabigla ako ng may humawak sa kanang kamay ko at isinandig sa pader ng classroom namin. Halos nakasara narin ang pinto ng room namin kaya bigla akong naalarma. Mukha ni Macgil ang nasilayan ko nang tumingala ako.
"Dalawang buwan akong nanligaw, napanalo ko ang basketball. Sasagutin mo na ba ako?" mapupungay ang mga matang sabi nito.
"Wala kang makukuhang sagot." Aalis na sana ako nang itukod nya ang dalawang braso at inilapit nya ang sariling mukha sa mukha ko at sapat na para malanghap ko ang kanyang hininga. He's drunk!
"Hindi ka aalis hangga't di ka pumapayag maging girlfriend ko."
"Lasing ka lang, Macgil. Pakawalan mo ako, please." I hated to plead him but i have no choice, iyon lang ang naisip ko para pakawalan nya ako.
"Nakainom ako pero hindi ako lasing." sagot nya na diretso saking mata ang titig. "Sagutin mo na ako, please." Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata.
Nadistract sya ng pumasok si Ronald at tawagin sya. Hinahanap daw sya ng principal para sa kanyang medal at trophy sa pagiging Most Valuable Player sa basketball. Agad naman syang sumama kay Ronald palabas. Thanks to Ronald! Save by the bell. 😅
Nanlambot ang mga tuhod ko sa sobrang lapit namin kanina sa isa't isa. Feeling ko unti-unti nang bumibigay ang depensa ko laban sa kanya. Attraction is the stupid thing i'm feeling towards him.Past ten p.m. na pero di parin paawat ang mga nagsasayaw habang kami ni Virgie ay nasa isang sulok lang malapit sa stage. I don't dance so i prefer to be here and watch them all dancing in eardrum blowing sound. At doon lumapit na naman si Macgil at nangulit, panay naman ang tanggi ko.
"Gagawin ko lahat ng gusto mo basta sagutin mo lang ako."
"Talaga? Sige nga lumuhod ka dun sa gitna ng quadrangle at alukin mo si Lucy ng panliligaw." hamon ni Virgie. Gusto kong matawa sa kondisyon nya dahil alam kong hindi 'yan gagawin ni Macgil. Pilya talaga!
And to my surprise, he walks towards the quadrangle and kneeled down asking for my answer to be his girlfriend. I feel my cheeks turned into red. OMG!
"Sagutin na 'yan!" Iisang sigawan ng mga estudyante. Meron pang sumisipol. Grabe nakakahiya at halos nangangati na mga paa ko na tumakbo at lumayo sa kahihiyang iyon. Pero may parte ko din na touched sa effort nya sa pagluhod. Hindi 'yon biro ang ginawa ni Macgil. A famous Macgil Garcia, kneeled down for a plain girl like me!? Who would thought? Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan ng sikuhin ako ni Belle.
"Sagot na." ungot nito.
"Sagutin mo na ako Lucy, please....."
"Y-yes." nag-alangan kong sagot at kinilig naman mga kaibigan ko at nagsipulan naman ang ibang mga estudyante.
Nakangiting nilapitan nya ako at mabilis na niyakap.
"Thank you." bulong nya.
"Sa?"
"Sa sagot mo." nakangiti sya. Grabe! A hug and smile from him! Hihimatayin na talaga ako.
Nag-aalinlangan man pero wala naman sigurong masama magtry at maranasan kung pa'no ang maging Macgil's girlfriend. Hayy
Haba ng hair ko at feeling ko pati palikpik ng ilong ko pumapalakpak na sa sobrang kilig.Kinilig ba kayo?
Cast your votes wattpaders :)
Lovelotts 😘-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)