Chapter Eight

16 0 0
                                    

Naging mailap ako kay Macgil at hindi ko sya pinapansin halos mag-iisang buwan na. Hindi na ako galit pero hindi ko ibababa ang pride ko dahil lang sa hindi nya rin ako pinapansin kahit paglapit 'di nya ginagawa. Kiber ko! Mabuti nga ang ganito at walang istorbo at makulit.



"Bhest, pahiram naman ng lecture mo sa Chemistry." sabi ni Grace at agad ko naman iyong ibinigay. Saming lima ito talaga ang pinakatamad at puro beauty lang ang inaatupag.



"Uy may quiz daw tayo mamaya about words spelling. Lamre! Ang hina ko dun." sabi naman ni Belle. "Lamre" is a Waray term of pagmumura.



"Andyan naman si Lucy para maging source. Hehehe." pahabol naman ni Virgie.



"Psh. Lagi naman." sabi ko at muling nagbasa ng libro sa Filipino. Nag-advance reading ako para sa discussion mamaya. At ang apat na mga pretty ay walang balak magbasa at mas pinili pang magchismisan about Justin Bieber at unique style ni Miley Cyrus. Napapailing na lang ako.




Hindi naman sila mahihina sa klase pero likas na sa kanila ang hindi magbasa at mag-aral. Si Belle, ang alaskadora at gangster saming lima pero may ibubuga naman sa klase. Ang kaso ayaw nya ng memorization at lectures dahil nakakabagot daw. Si Jovy, ang boyish saming lima at music lover. Mas pipiliin nya pang magmemorize ng lyrics kaysa magmemorize ng lectures dahil mas madali daw iyon. Si Virgie, ang mahinhin at neutral lang samin. Mas feel nya pang makinig sa mga love advices kaysa class discussion. At si Grace, ang pinakatamad at ang alam lang ay ang lahat ng brand ng lipstick at kung pano ang tamang pakikipagrelasyon sa opposite sex.




Magkakaiba man sila ng katangian pero mabubuti naman silang mga kaibigan. Oo nakakabanas na madalas pero masarap naman silang kasama. Sa kanila ko naramdaman ang pagiging special at confident sa mga desisyon ko. Mga baliw man, but having them is my greatest achievement. 😊




During quiz ay kanya kanyang diskarte ang mga kaibigan ko para maipasa ang mga ibinibigay kong mga sagot. Tapos na kasing i-dictate ni Ms. Agnes ang mga words at binigyan kami ng 30 seconds para i-finalize ang ma sagot namin. Parang nauutot at natatae sa sobrang kaba si Grace na baka mahalata kami ni Ms. Catalan na nagkokopyahan na parang hindi naman. Busy sya sa lesson plan nya sa likod, sa teacher's desk.




"Ano ba Grace, magrelax ka nga. Hindi ko makita 'yong sagot." pabulong na angil ni Virgie habang nasa papel ni Grace ang mga mata.



"Bilisan mo naman Virgie! Kupad mo naman mangopya, para kang kindergarten dyan." nababanas namang sabi ni Jovy. Si Belle naman ay kampanteng nakangisi sa tabi ko. Hayy mas mabilis pa kasi sa google search ang mga mata nito.



"Sandali nga!" sabi naman ni Virgie at patuloy parin sa pagsusulat.



"Shhh. Tumigil nga kayo at mahalata tayo." pabulong na saway ko. Ang gulo talaga ng mga babaeng ito. Tsk!




Mabilis kaming umayos ng upo nang tumingin si Ms. Catalan sa gawi namin at isinubsob ang sarili sa pagsusulat, kunwari'y fina-finalize namin ang kanya kanyang mga sagot. Muntikan na 'yon! Kasi naman ang iingay ng bulungan ng mga bunganga nitong mga katabi ko. Psh!





52 out of 60 ang scores naming tatlo nina Belle, Jovy at ako. Si Virgie at Grace ay same score na 49. Nagtaka kami at para makasiguro ay chineck namin mga papel nila. At doon bumunghalit kami ng tawa sa mga mispelled words nila.



Luce ( lose )

Luces ( loses )

Lucing ( losing )



Takte! Ang sakit na sa panga at tyan. Dami naming tawa. Buwisit na Grace, mangongopya na nga lang nag-imbento pa ng sarili nyang dictionary. Hahahaha!




Hindi sya nakaligtas sa pang-aasar namin. Pero imbes na mapikon at magalit, ngumisi lang sya at nakisakay sa pang-aalaska. "New words" daw 'yon sa dictionary sabi pa nya.




Mga baliw talaga mga kaibigan ko. Anti-stress grabe! Hihihi 😄









Magiging busy na ako bukas for my training so baka matagalan bago ako muling makapag-UD.


Wish me luck guys!😁




-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon