Break time.
Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Macgil pabalik sa classroom namin nang namataan ko si Belle sa pinakasulok na bahagi ng classroom namin at malalim ang iniisip. Ano kaya ang problema nya? Nag-aalala ako kasi hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Nilapitan ko s'ya at tinabihan.
"Bhest...." pukaw ko sa malalim n'yang pag-iisip at nakuha ko naman ang atensyon nya. "May problema?" Hindi sya umimik pero ang sakit na dumaan sa mga mata nya ay kusang naging sagot sa kinikimkim nya.
"Bhest, sabihin mo sakin. Handa akong makinig." At do'n ay kusa nang umalpas ang mga luha nya. Si Macgil naman ay nakakaintinding iniwan kami para magkasarilinan.
"Kasi bhest.....ang sakit lang eh.....si m-mama ipinagpalit ako sa salapi para lang maging s-syota ako ng matanda." sumbong nya sa pagitan ng mga luha.
"Ano!?"
"Kanina kasi bago ako pumasok, nakita ko ang byudong nirereto sakin ni mama. Alam mo ba kung ano ang ginawa nya? Pinagtangkaan nya akong hawakan at hindi na daw ako dapat mag-inarte kasi binigyan na nya si mama ng pera." pumiyok sya sa sobrang sakit. Nakaramdam din ako ng kirot para sa kanya. Pa'no 'yon nagawa ng isang ina sa anak n'ya? Napakawalang kwentang magulang!
"M-mabuti na lang nakatalon ako sa bintana ng kwarto bago nya magawa ang balak nya. Ayokong umiyak bhest pero hindi ko maiwasan kasi sobrang sakit na eh." nadaklot nya ang sariling dibdib kaya hindi ko sya hinayaang umiyak lang. Agad ko syang niyakap ng mahigpit tanda ng pagdamay at pag-aalala.
Takte! Hindi ako sanay na ganito si Belle. Mas gusto ko pa ang pagiging mean at prangka nya kesa ganito! Wala akong mahagilap na salita para maging magaan ang pakiramdam nya kaya idiinaan ko na lang sa biro.
"Potikz! Tama na ang iyak. Nabasa mo na ang blouse ko sa sipon mo. Kadiri!" biro ko at natawa naman sya.
"Salamat bhest. Atleast ngayon okay na ang pakiramdam ko dahil sayo. Ikaw talaga ang pinaka bestfriend ko sa lahat." sabi nya matapos punasan ang mga luha.
"I know right. Kaya 'wag ka ng magdrama, hindi bagay sayo." At niyakap ko sya muli tanda ng mabuting pagkakaibigan.
Matapos ang pagdadrama namin ni Belle ay inanunsyo ni Ms. Catalan na wala kaming klase sa subject nya dahil gagamitin 'yon sa film showing. Hmmm may limang pisong entrance fee kaya agad kaming umakyat sa second floor ng building at syempre pa libre kaming magkakaibigan ni Macgil. Hanep! ^_^ "Baler"pala ang movie na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Jericho Rosales. Marami nang tao kaya sa last row na kami nakaupo pero kita pa naman ang tv sa harapan.
Pero napakunot noo ako nang hindi tumabi sakin ng upuan si Macgil bagkus ay do'n sya umupo sa kaklase naming si Kristina sa katapat naming row. At magka-hawak kamay pa ang dalawa habang tumatawa sa biro ni Macgil. Hindi ko lang maintihan kasi ang lakas ng volume ng tv lalo pa't maiingay rin ang mga nasa paligid. Isang kalabit ang umagaw sa atensyon ko.
"Ano titingnan mo na lang? Hindi mo bibigwasan nang tumigil ang paglalandian?" si Belle na kina Macgil din ang paningin.
"Ayoko! Isa pa baka nagbibiruan lang 'yan." umikot naman ang mga mata nila sa sinabi ko.
"Haleeerrrr! Na magkahawak kamay? Naglalandian na 'yan. Tanga lang ang hindi makakapansin nyan." si Grace. Ouch ha! Tagos 'yon.
"Puntahan mo bhest at sampalin mo ang higad na Kristinang 'yan." si Jovy.
"Ano ba kayo? Hayaan mo sila kahit bumula pa mga bibig nila sa sobrang landi." Naiirita na ako! Hindi sa mga kaibigan ko kundi kay Macgil. Ang lakas ng loob nyang makipaglandian sa iba at kita pa ng dalawa kong mata! Bullshit sya!
Pinapatay ko na sila sa matalim kong mga titig pero hindi nila ako iniinda. Buwisit lang! Mapunit sana ang mga bibig nila sa kakatawa at malunok ang mga dila nila!
Natigil ang pagmurder ko sa kanila sa isip ko nang may nakangiting lalaki na kumalabit sakin."May nakaupo ba sa vacant seat sa tabi mo?" nakangiti sya na nagpalabas sa pantay-pantay nyang mga ngipin. Cute sya!
"Ahmm.....wala na-------" hindi ko naituloy ang sagot ko nang biglang tumabi sakin si Macgil at mabilis akong inakbayan. Matalim na titig naman ang ibinigay nya sa lalaki.
"Ano!?" asik nya sa lalaki pero tumawa lang ang huli.
"Nagtanong lang ako kung available ang chair na 'yan. Since nakaupo ka na d'yan, alam ko na ang sagot."
"Okay. Makakaalis ka na." Suplado sarap batukan!
"Okay. Pero pwede bang malaman ko pangalan mo miss?" sakin sya nakatingin. At bago pa ako makasagot ay mabilis na sumingit uli si Macgil.
"Hindi pwede! Alam mo bang asawa ko 'yang hinihingian mo ng pangalan!?" paangil na sagot ng kumag. Nanlaki naman mga mata ko pero wala akong mahigilap na salita para sawayin sya.
"Okay." sagot ng lalaki at agad na tumalikod. Nakangisi naman si Macgil habang ako ay shocked parin. Asawa nya ako? It means kami lang. Ako'y sa kanya at sya'y para sakin lamang! Jeez! 😳
Pero ang saya na 'yon ay nawala nang iwan nya ako ulit at bumalik kay Kristina. Matapos sakin do'n na naman sya. Kainis! Hindi ko na maintindihan ang istorya ng movie dahil last part na lang ang nabigyan ko ng atensyon. Grabe! Nakakaiyak lalo pa't namatay ang character ni Jericho dahil sa turtor. 😭
Matapos ang eksena ay natapos na ang movie kaya dali-dali kaming bumaba ng mga kaibigan ko para hindi masikip sa hagdan.Ang init kaya bumili ng maiinom sina Belle at naiwan kami ni Grace sa gilid ng quadrangle nang lumapit si Kristinang higad.
"Lucy, pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya sa nag-aalangang boses. Humalukipkip lang kami ni Grace.
"Oo. Bakit?" ako at hindi ko maiwasang magtaray.
"Huwag ka sanang magagalit. Kasi.....four months na kaming mag-on ni Macgil." Huwat!? Four months na SILA! Parang namanhid ang ulo ko at parang sarap lang lamunin nang buo ang babaeng nasa harapan ko para tuluyang mawala. Four months sila samantalang kami ni Macgil ay three months pa lang! May one month advancement pala sila! 😡
Inhale.
Exhale.
Inhale.
Exhale.
Gusto kong kumain ng tao! 😠😬
"P-pero 'wag kang mag-alala, Lucy. Hiniwalayan ko na sya. Okay ka lang ba?" What do you think!? Ang sarap isinghal sa kanya. Pero imbes na iyon ang gawin ko ay isang napakatamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
"Oo. Okay lang. Atleast hindi na kayo. Sige iwan muna kita." sabi ko at hindi maalis alis ang mga ngiti. Plastik! Nagmamadali ang mga hakbang ko patungo sa classroom namin. Nanggigil ang mga kamao ko sa mukha ni Macgil. Lagot sya sakin!
-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
DiversosAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)