Chapter Fifteen

18 0 0
                                    

Christmas vacation


Busy kaming lahat sa bahay sa pagluluto para mamayang noche buena. Tumaba ako lalo't pagkain ang naging hobby ko ngayong christmas vacation. Okay lang naman kina kuya at ate. Sabi pa nga, "mas okay tumaba kaysa pumayat dahil magmumukha raw akong tukod na kawayan". Hayss. 'Di ko alam kung matatawa o sasama ang loob ko sa perception nila.




Biglang tumunog ang cp ni ate Jean na nasa bulsa ko at mabilis iyong kinuha. Tumingin tingin muna ako kina ate't kuya na mga abala sa kusina at agad binuksan ang inbox. Napangiti ako dahil galing kay Macgil ang message. Oo nga pala! Pinapahiram ako ni ate ng cp nya para may komunikasyon raw kami ni Macgil kahit christmas vacation. Bait talaga ng ate ko! ^_^



[Hi! Missed na kita. ;( ] text message nya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang kilig ko.



- Totoo? Gano mo ako ka-missed?- Reply ko.


[Sobra! Halos ini-imagine ko na kasama kita lagi. Huhuhu ] Grabe! Parang hindi ko na mapigilan ang kilig ko at parang nauutot na ako. Nemen ey!


- Hehehe. Missed narin kita lalo na ang mata mong nakakatunaw. Grrrr!- prangka ng reply ko ah.


[ Hahaha. Talaga? Missed ko rin pagiging "ming-ming mo". ] Eeee!!
Namula ako. Akalain mo naakit pala ang kumag na 'to sa nakakabighani kong dimple sa mukha.


- Hahaha. Nakakatouch! :D -



["Dapat lang. I love you!" ]
At dun para na akong natatae sa sobra sobrang kilig kaya agad akong tumakbo paakyat sa kwarto namin ni ate Jean at nagtitili.




Gumulong-gulong ako sa higaan habang tinatakpan ng unan ang bunganga ko para hindi ako marinig nila kuya. Gosh! Mas matamis pa 'yon sa spaghetti at mas malasa pa kesa sa fruit cocktail! Busog na ako. Hahaha




Natigil ako sa ginagawa ng may tumikhim. Nanlaki mga mata ko nang malingunan si kuya Mogz sa likod ko at sobrang lalim ng kunot noo nya. Nakaupo sya malapit sa bintana at may "Anong meron?" look. Hala! Kanina pa ba d'yan si kuya? Bakit 'di ko napansin kanina? Sa mga naisip ko ay bigla akong namutla at itinago ang sarili ko sa ilalim ng kutson. Nakakahiya!




"Anong meron at para kang pusang binuhusan ng asido d'yan?" si kuya 'yan. Alam ko kahit di ko nakikita ay nakangisi sya base narin sa tono ng boses nya.




"Wala. Malaki ang binigay na pamasko ni kuya Larry kaya nangisay ako sa saya." sagot ko pero nagtatago parin ako. Ang init!


"Talaga!?" excited na sabi ni kuya Mogz at bigla akong hinila mula sa ilalim ng kutson. Napasimangot ako dahil para naman akong kakataying baboy sa paraan ng paghila nya.

"Oo nga!" angil ko para matakpan ang kahihiyang naranasan ko. At 'yon biglang tumakbo si kuya pababa para manghingi ng pamasko kay kuya Larry na nasa kusina. Tsk! Parang uhaw sa pamasko!



Bumaba narin ako upang makatulong sa paghahanda para mamaya sa noche buena.



Christmas eve

"Merry Christmas!!" sabay sabay naming bati at sabay yakap sa bawat isa.

"Tara kainan na!" yaya ni ate Glo at agad naman kaming dumulog sa hapag kainan. Tom Jones na talaga ako!



Panay kwentuhan at tawanan ang ginawa namin habang kumakain. Ang saya lang! Sana ganito kami lagi. 😊
Matapos akong kumain ay sakto namang nagtext sakin si Macgil. Agad tinakasan ng kulay ang mukha ko nang mabasa ang message nya.




[ Lucy si Ronald 'to. Naaksidente si Macgil at nasa hospital sya ngayon. ] 😨 'yan ang reaksyon ko at binundol ako ng kaba.




Parang naiiyak ako kaya agad akong umalis sa hapag kainan at mabilis na tinungo ang silid namin ni ate. Potikz! Ano bang katangahan ang ginawa ni Macgil para maaksidente sya? Hindi na ako magkandatuto sa pagtipa ng reply ko. Nanlalabo na ang mga mata ko sa nagbabantang mga luha na bumagsak sa mga mata ko.



- Ano bang nangyari? Anong gamit nyang motorsiklo? - Nag-aalala na talaga ako. Pano kung napuruhan si Macgil dahil sa aksidente? 'Wag naman sana!


" Ang kulay asul." Shit! Tanga pala si Macgil eh! Karag karag na 'yon at bakit 'yon pa ang naisipan nyang gamitin?


- Sa'ng ospital sya dinala? - Nang sabihin ni Ronald kung saan ay agad akong pumuslit sa bahay at nagmamadaling tinakbo ang nasabing ospital. Malapit lang 'yon at nasa kabilang kalye lang malapit sa drug store.




Nabibingi na ako sa sobrang kabog ng dibdib ko at hindi ko na napigilang mapaluha. Shit! 'Di ko alam kung anong gagawin ko sakaling makita ko si Macgil na nakaratay sa hospital bed. Siguradong ngangawa ako dun.




[ "Dalian mo Lucy! Kailangan ka dito." ] text galing kay Ronald gamit na number nya. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating kaagad doon. Pero teka! Bakit ako ang kailangan dun? Hindi ba alam ng parents nya ang nangyari kaya kailangan ako ang nandon? Siguro! Sigaw ng utak ko.




Sa wakas nandito na ako sa labas ng ospital kaya hinabol ko muna ang aking hininga dahil sigurado mamamatay ako sa sobrang hingal.




Napakunot noo ako nang mahagip ng mga mata ko sa kanang bahagi ang isang lalaki na tumatakbo patungo sakin. 'Di ko sya mamukhaan kasi nga near sighted ako pero ang bulto at tindig ng katawan nya ay kilala ko. Matangkad, maputi, malakas ang sex appeal. Teka! Kilala ko 'to. At higit nagpagimbal at nagpausok ng ilong ko ay ang mga nangungusap nyang mga mata. Akala ko ba nasa ospital sya? Potikz! Nauto ako ni Macgil!




Agad nagdilim ang paningin ko at parang ang sarap kumain ng buong tao. Nakuha nya pa talagang ngumiti nang makalapit na sakin. Sarap pilipitin ng leeg at pira-pirasuhin ang buong katawan nya. Lakas ng trip!




"Ganyan ba ang naaksidente!?" sigaw ko at napaatras naman sya. Halos mamatay na ako kanina sa kaba tapos ganito lang pala.



"S-sorry.....wala kasi akong maisip na rason para makalabas ka at makasama kita." nasa mata nya ang takot at pag-aalangan kaya napakamot sya sa noo..



"Sorry!? Halos himatayin ako kanina sa sobrang pag-aalala sa sitwasyon mo at 'yan lang ang rason mo! Kinasabwat mo pa ang kaboteng 'to!" mabilis kong nasuntok sa braso si Ronald na ngayon ay nakayuko lang. Agad naman akong niyakap ni Macgil sa bewang para awatin.



"Sorry. Kasalanan ko. Sorry." pag-ako nya at ibinaon ang mukha sa buhok ko. Nagpumiglas ako at tinulak sya.



"Buwisit ka! Immaturity mo ilugar mo nang hindi ako parang baliw na tumakbo para lang masakyan ang trip mo!"



"Oo na! Immature na kung immature. Eh sa gusto kitang makasama, kaya gagawa ako ng paraan para matupad 'yon." sabi nya at muli akong niyakap at hinalikan sa noo. Sa ginawa nya ay bigla akong kumalma kaya gumanti narin ako ng yakap sa kanya.



"Huwag mo nang uulitin ang kagaguhang 'yon." nasa boses ko ang pagbabanta pero malumanay na ito. Pa'no kung totoo 'yon? Hindi ko maiwasang mag-alala.



"Opo. Kaya magrelax ka na." natatawang sabi nya at hinalikan muli ako sa noo. "Punta tayo kina Ronald, makikikain tayo. Tara." Tumango lang ako at tinanggap ang palad nya at magkahawak kamay kaming nagtungo sa bahay nina Ronald.




Walang katao tao sa loob at nasa lakwatsa daw mga kapatid nya ayon narin kay Ronald. Magkatabing umupo kami ni Macgil sa pahabang upuan at si Ronald naman ay nagtungo sa kusina para maghanda ng pagkain. Simpleng lang ang tahanan nila Ronald at gawa ito sa kahoy.




"I love you..." bulong sa tenga ko at agad naman akong napalingon sa kanya. Gosh! Ang panty ko malalalaglag sa mga ngiti nya. Brrrrrrr!


"I love you more....." nakangiti kong sabi at niyakap nya ako ng napakahigpit.








Like it wattpaders?
Press nyo naman ang vote oh. 😟




-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon