Isang buntong hininga ang nagawa ko habang sinisipat ang sarili sa salamin. Jeans and black polo shirt ang suot ko. Para akong nag-aalangan sa suot ko dahil ngayong araw ako ipapakilala ni Macgil sa pamilya nya. Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa't wala akong ideya kung paano ang pakikitungo sa pamilya nya. Pa'no kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung maging alangan ako sa paningin nila para kay Macgil? Bahala na!
Pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis akong gumawa ng excuse kina ate na maglalakwatsa kami nila Belle kaya agad naman silang pumayag. Hindi ko maiwasang malungkot at makonsensya habang nasa byahe lulan ng traysikel kasi dumodoble na ang kasalanan ko kina kuya't ate. Napabuntong hininga ako. Ngayon lang naman 'to eh, pero ipapakilala ko din sa kanila si Macgil kapag makakuha ako ng perfect timing. Hayss.
Kaba ang yumakap sakin ng bumaba ako sa traysikel sa tapat ng bahay nina Macgil, at hinihintay nya ako. This is it!"Akala ko hindi ka na darating." sabi nya matapos akong yakapin.
"Ahmm....kinakabahan ako, Mac." pag-amin ko kasi parang nasa lalamunan ko na ang puso ko sa sobrang kaba at halos pati paglunok ay nahihirapan na akong gawin. Hinawakan nya ang kamay ko saka ginawaran ng halik.
"Huwag kang mag-alala. Mabait naman ang parents ko, although medyo suplada si mama pero hindi ka naman tatarayan no'n." assurance nya sakin at iginiya na nya ako sa loob.
Simple lang ang bahay nila Macgil. Gawa sa kahoy at pang kastilya ang desinyo patunay ang kanilang mga bintana at pintuan. Mayroon naman silang maliit na sari-sari store sa harap ng bahay nila. Umupo ako sa stool sa sala nila habang si Macgil ay pumunta ng kusina para kumuha ng meryenda. Nilibot ko pa ang paningin nang may pumasok na bata na siguro nasa pitong taon gulang. Cute, maputi, chinita at palangiti sya na agad lumapit sakin.
"Ikaw na ba ang girlfriend ng kuya Maki ko?" tanong nya habang sinisipat ang kabuuan ko.
"Oo." nakangiting sagot ko. "Anong name mo?" Ang cute talaga ng batang ito habang nilalaro ang hibla ng buhok ko.
"Lea po. Ikaw po ate?" Hmm. Such a smart little girl!
"Kasing cute mo ang name mo. Lucy ang name ko." ngumiti sya sakin. Aww.....ang cute ng dimple nya sa gilid ng mga labi.
"Saan ka galing, Lea?" medyo galit na sabi ni Macgil na nasa sala na pala. Inilapag nya sa lamesa sa harap ko ang meryenda nang makalapit sakin.
"Ehh....d-d'yan lang po sa labas." tila takot na sagot ni Lea. Kaya siniko ko naman sa tagiliran si Macgil kasi na-intimidate ang bata. Tsk!
"Galing mong tumakas ano? Akyat sa taas. Lagot ka mamaya pag uwi ni mama." agad naman sumunod si Lea at tumakbo papunta sa itaas.
"Hmp! Hindi mo naman kailangan takutin ang bata. Isa pa nag-uusap kami." ako.
"Hayaan mo na. Isa pa gusto kitang masolo." sabi nya at nagtaas baba ang kanyang mga kilay. Tss! Ayan na naman kamanyakan nya.
Ibinaba nya ang sariling mukha at inangkin ang labi ko. Marahan lang ang galaw nito na parang iginigiya akong sundan sya. Hindi ko narin naiwasang sumabay lalo pa't nagiging mapaghanap na ng tugon ang bawat galaw nito. Pakiramdam ko ay umiinit at kapaligiran naman o tamang sabihin na ang mga katawan namin. Naramdaman kong humahagod na sa likod ko ang kanyang kaliwang palad habang ang isa'y inilagay nya saking batok upang gawin pang mas mariin ang paglapat ng aming mga labi. Wait lang! Parang iba na ang itinatakbo ng ginagawa namin lalo pa't pumasok na sa polo ko ang palad nya.
"M-mac, stop!" agad ko syang naitulak bago pa sumapo ang kanyang palad sa dibdib ko. Pareho kaming naghahabol ng paghinga. Para akong kinilabutan sa isiping muntik na nyang mahawakan ang hindi dapat. Ayokong mabuntis ng maaga 'no!
"I'm sorry." apologetic nyang sabi at muli akong niyakap. I stiffed.
"Macgil, please. Huwag mong ituloy kung ano man ang binabalak mo." parang tanga kong pagmamakaawa na tinawanan nya lang.
"Wala akong gagawin, ano ka ba? I just wanna hold you like this." sabi nya at ginawaran ako ng halik sa noo.
"Psh! 'Buti naman kung gano'n."
Umayos kami ng upo nang dumating na ang parents ni Macgil, galing school ang mama nya samantalang sumundo lang ang papa nya. Isang ngiti agad ang ibinigay sakin ng papa ni Maki samantalang seryosong mukha ang naroon sa mama nya. Ang tingin ng huli ay parang inaarok at pinag-aaralan ang kaluluwa ko. Intimidating!
"Ma, Pa, si Lucy girlfriend ko." pakilala ni Macgil matapos mag-bless sa parents nya. Hindi ako makakilos sa nerbyos kaya hindi ako makatingin ng diretso.
"H-hi po. M-magandang hapon." Gawd! Pinagpaawisan ang kili-kili ko sa sobrang nerbyos at pagkailang. Tumugon si Mr. Garcia ng "Likewise to you" samantalang naglakad paakyat ang ginang ng walang sagot. Snob!
"Huwag mo nang pansinin 'yon, hija. Suplada lang talaga pero hindi naman naninipa ng tao." nakangiting biro ni Mr. Garcia para maging light ang atmospere namin.
"Okay lang po." nakangiti rin ako. Sa kanya pala namana ang killer smile ni Macgil habang sa mama naman nya ang features ng mukha.
Nagpaalam si Mr. Garcia dahil may aasikasuhin pa raw ito kaya tumango lang kami ni Macgil. Isang instructor sa private school ang mama ni Macgil samantalang driver ng van ang papa nya. Nalaman ko pang tatlo silang magkakapatid. Panganay si Macgil, sumunod si Leslie na carbon copy lang ni Macgil ang mukha't ugali, at ang bunso ay si Lea na syang behave sa magkakapatid.
"Saan mo gustong mag-college?" andito kami sa kusina nila dahil naghahanda sya ng dinner. Pinakbet at adobong isda ang niluluto nya. Hayy. Hindi ko maalis sa kanya ang mga tingin lalo pa at napaka-cool nyang tingnan habang hinahalo ang niluluto. Naimagine ko na kung ga'no ako kaswerte at kabusog kapag naging mag-asawa na kami in the future. I giggled of the thought.
"Dito lang sa City, sa public university na meron dito. Tourism ang gusto kong kunin para mapuntahan ang mga lugar na gusto ko." sabi ko sa nangangarap na mga mata.
"Ako din pero bakit kailangan Tourism pa? Pwede namang Education at Criminilogy ang kukunin ko."
"Eh gusto ko ngang magtravel!" nakabusangot na ako.
"Fine. Iyon narin ang kukunin ko para palagi tayong magkasama." sabi nya sabay kindat sakin. Shit! Ang pogi at cool nya! Wait! I'll check my panty if it's still on me.
"Okay. Mag-isip ka narin ng brand ng motorcycle para makabili na tayo. Konting ipon na lang." Oo nga pala! May alkansya kami para daw sa nais naming bilhin like motorcycle kapag nag-college na kami. Advance kami diba? Hihihi.
"Sige ako nang bahala." sabi nya.
Sabay kaming naghapunan ng pamilya ni Macgil. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag-uusap at nagtatawanan sila. How i wish na ganito din ang magiging sariling pamilya namin ni Macgil, kompleto at masaya.
Someday.
-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)