Chapter Twenty three

27 0 0
                                    

Muling gumanda ang takbo ng relasyon namin ni Macgil, palagi syang bumabawi sakin. He never failed to send me sweet words and kisses. Maging sa klase, bumawi sya sa mga absent weeks nya. Naging active din sya sa recitations and quizzes. Hmm. I am the happy girl in campus lalo pa't gumaganda ang grades nya. 😊 Ang sarap lang isipin na tumino na sya sa klase dahil narin sa inspirasyon nya ako. Hayy. I'm really inlove on him! Sya na talaga!








Naalala ko pa no'ng gabing nagkaayos kami.......








Nakayakap sya sa likod ko at nakasandig ako sa dibdib nya habang magkasalikop ang aming mga kamay. He even gives little kisses in my neck. God! How i love this feeling to be with him and to be in his arms again so i close my eyes just to feel his warmth. Ngunit muli akong napamulat nang marinig kong bumuhos ang ulan. Oo nga pala! Kanina pa madilim ang kalangitan ngunit hindi ko alintana dahil sa tampuhan namin ni Macgil. Napaayos ako ng upo at nalingunan kong nakapikit din si Macgil. Tulog ba 'to? Base narin kasi sa payapa nyang paghinga. Hindi ko maiwasan na titigan ang kabuuan ng kanyang mukha. I look into his eyes even were close but i know that it would make me weak whenever it looks me with passion. His nose that has a nice bridge where it fits in his nice cheeks. And his lips, that chills me everytime he landed it unto me. It driving me crazy whenever it claims mine. My face suddenly turned into red.









Napapitlag ako ng hinapit ako ni Macgil sa bewang at muling ikinulong sa kanyang mga braso. Hayss. Hindi parin ako nasasanay. Nagpalinga linga rin ako saming classroom pero mabuti na lang at walang tao dahil nando'n lahat sa labas ang mga kaklase namin including Kristina and her friends. Mabuti naman, nagiging PDA na kasi si Macgil. Oo nga pala, wala kaming klase kasi merong urgent meeting ang faculty.



"Nakainom ka ano?" tanong ko dahil sa totoo lang kanina ko pa naaamoy hindi ko lang naikompronta.



"O-oo." nag-aalangang pag-amin nya. Sira talaga ang lalakeng 'to! Nakuha pang pumasok samantalang nakainom sya! 😕



"Ayos ka din ano!? Bakit ka pa pumasok heto't nakainom ka!? Mapapagalitan ka talaga ng principal lalo pa at bad shot ka na sa kanya dahil sa absents mo!" sermon ko para tumatak sa kokute nya.



"Ehh.....wala naman talaga akong balak pumasok kaso galit ka sakin kaya mas pinili kong puntahan ka dito para mag-sorry." paliwanag nya at kita ko naman ang sinseridad sa kanyang mga mata. Napabuntong hininga ako.



"Haist. Umuwi ka na tutal walang pasok."



"Sige. Ihatid mo ako. Please?" Gawd! Hayan na naman ang kanyang puppy dog eyes. Tumango lang ako.





Nanghiram kami ng payong dahil malakas ang ulan sa first year na si Jovelyn, ang FC samin. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa gate pero mabilis ko naman 'yong tinatanggal kapag may nakakasalubong kaming kakilala kong estudyante. Sekreto nga ang relasyon namin diba? At sa awa ng Diyos ay nakarating kami sa gate na pareho nang mga basa. Pa'no kasi, habang naglalakad ay nakikipag-agawan at nakikipagharutan sakin si Macgil.





"Sumakay ka na sa traysikel." sabi ko.



"Hindi. Dala ko ang motor ko."



"Macgil naman eh! Lasing ka, 'wag ka nang magdrive." sabi ko sa matigas na boses. "Oh 'di kaya magpahatid ka kay Ronald."



"Ayoko." matigas nyang tanggi. "Hindi na ako uuwi. Nagbago na ang isip ko. Tara balik na tayo!" nakairap akong inakbayan nya at muling naglakad pabalik. Nakangisi pa ang loko.





Huminto kami sa building ng second year ng may bumati kay Macgil at nag-appear pa ang dalawa. Inalis ni Macgil ang braso mula sa pagkakaakbay sakin at inilagay naman sa bewang ko para hapitin ako.

"Jonas!" bati ni Macgil



"Sya na ba girlfriend mo?" tanong ng lalaki na Jonas pala ang name.



"Hindi." sagot nya at biglang nagngitngit ang kalooban ko. Pero bago ko pa mabigwasan ang katabi ko, "Asawa ko 'to." nakangiting sagot nya. Ayiiee! Nangislap ang mga mata ko sa kilig. Forever na 'ata kami!



"Asus. Mabuti kung gano'n."



"Oo. Hehehe. Sige mauna na kami." paalam ni Macgil at tumango lang si Jonas.





Nang makalayo kami ay niyakap ako ni Macgil. Napakahigpit no'n na parang ayaw nya akong pakawalan. Hinalikan nya ako sa noo, sa pingi at sa labi. Mabilis lang 'yon pero bolta boltaheng kuryente ang nanulay sakin. Muling bumalik ang kanyang mga labi saking noo at muli akong binigyan ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang kanyang pagpipigil base narin sa pag-igting ng kanyang kalamnan pero hindi ko alam kung para saan. Isang buntong hininga ang lumabas sa kanya.






Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang hubarin nya ang kanyang polo uniform. Pero may t-shirt pala sa ilalim. Hoo! Mabuti naman.




"Isuot mo ito." alok nya at agad ko naman tinanggap. "Bakat na ang bra mo, kulay itim pa." pinamulahan ako ng mukha.



"Baka mag-fiesta din ang ibang lalake 'pag makita iyan." Urgh! Ang sweet at thoughtful ng lalaking 'to.



"Tumigil ka nga!" angil ko kasi naman kinikilig na ako. Ngumisi lang sya at muli akong niyakap.





"Lucy.....?" agad akong naibalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Macgil.



"Bakit?"



"Bakit ka napapangiti d'yan?"



"W-wala. May naalala lang ako."



"Uuuyyy.....naalala nya ang first kiss namin." Hala! Anong pinagsasabi ng bunganga nitong lalaking ito? Agad kong kinurot.



"Tumigil ka nga! Andyan sila Elvan." saway ko at tumawa lang sya.





Napapailing na ibinaling ko ang atensyon sa lectures kasi final grading exam namin mamaya kaya kailangan naming mag-review.





Hanggang sa sumapit ang examination time ay kampante kami pareho sa sagot namin ni Macgil. Natapos namin ng walang kahirap hirap. 🙌





-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon