Chapter Twenty five

14 0 0
                                    

"Ate......?" napasukan kong walang imik at malalim ang iniisip ni ate sa tabi ng bintana sa kwarto namin. Namumugto ang mga mata habang abala sa kung ano ang kanyang isinusulat.






Tinabihan ko sya at sinilip kung ano ang nasa notebook nya. Poem pala. A heartbroken poem. Oo, bigo si ate dahil break na sila ni Gian, 'yong lalaking kinikiligan nya sa text noon. He had chosen his 2years girlfriend over ate Jen. Yes, my ate knows it but she never seem to bother and had contented to be his number two. And result of her recklessness is heartbreak.



"Ate, tama na iyan. Wala namang mababago sa desisyon ni Gian, eh." Shit! Umiyak na naman si ate at hindi ko ding mapigilang mapaluha. Nasasaktan rin ako sa nangyayari.



"K-kasalan ko n-naman eh. Kasi.....kasi.....pumayag ako sa gusto nya na m-maging.....kami......hinayaan ko paring mahulog ako sa kanya. Pagkatapos......iiwan din kapag bumalik na ang totoong......girlfriend nya." sabi nya sa pagitan ng pag-iyak. Parang pinipiga ang puso ko. Gusto ko syang tulungan pero hindi ko alam kung paano.



"Ate.....minahal mo sya kaya mo tinanggap kahit mali. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa lahat ng nangyari, atleast natuto ka. Natuto kang magbigay at magmahal kahit sa maling sitwasyon. You did your best, right?" tumango sya at pinunasan ang mga luha. Napangiti ako ng ngumiti sya. Ito ang gusto ko kay ate, she's a strong person!



"Wow ha! Humuhugot ka bunso? Member narin ba ng mga HB?" nakangising panunukso ni ate Jen.



"Hindi naman. Sadyang gumana lang ang utak ko para sa love advice." nakangisi ko ring sabi at tumawa naman si ate. Tsk! Nasiraan na 'ata ng bait.



"Anyways, kamusta na kayo ni papa Macgil?" she used to call him that way kasi daw ang cool at ang hot daw ni Maki. Tsk!



"Going strong kami ate. Sa totoo nyan, ipinakilala na nya ako sa parents nya." nangingislap ang mga mata kong pag-anunsyo, i swear. Nanlaki ang mga mata nya sa ibinalita ko.



"Really!? Kailan pa? Ikaw ha hindi mo ako ina-update."



"Ehh......nitong dumaang Saturday. Nawala sa isip ko dahil sa sobrang kaba, eh. Sorry ate." nag-puppy dog eyes ako. Si ate Jen kaya number one fan namin ni Macgil. Hihihi



"Fine. Nagkiss na ba kayo?" nakakunot noong tanong ni ate at tila tinatantsa ang magiging sagot ko. Medyo naasiwa ako. Eh paano na lang kung bulyawan ako ni ate at kurutin ako sa singit? Masakit 'yon!



"Errr.....o-opo." agad kong inihanda ang sarili dahil baka batukan ako ni ate, mahirap na.



"Tsk! Wala na akong magagawa kung nakatikim ka na laway ni Macgil." Yuck! Ang gross ni ate. "Pero sana lang hanggang doon lang ang relasyon nyo. Huwag nang lalagpas. Huwag mong sisirain ang kinabukasan mo at mas lalong 'wag mong i-disappoint si kuya." Woo! Word of wisdom bumabaha.



"Opo, aleng Jen. Hindi ko po 'yan kakalimutan."



"Mabuti nang magkaintindihan."







Kinagabihan.



Andito kami ni ate Jen kina Macgil, hindi sa bumisita kundi magpapahatid sya sa boyfriend ko papunta sa bahay ng guy bestfriend nyang si Jarred. Haist si ate na ang makapal ang mukha. Never pa akong nag-insist kay Maki na makisakay sa motor nya pero itong si ate, kulang na lang halikan ang boyfriend ko nang pumayag na isakay sya. Tsk!







Muntik na akong mapaubo nang bumuga si Macgil ng usok mula sa sigarilyo. Potikz! Kailan pa bumalik ang lalaking ito sa bisyo nyang paninigarilyo? Sinamaan ko sya ng tingin. Nag-sorry naman ito at inilayo sakin ang sigarilyo kung saan ang usok ay malayo narin sakin. Gusto ko syang tanungin at singhalan kung bakit bumalik sya sa paninigarilyo pero naiilang ako lalo pa't kaharap lang namin si ate at paminsan minsa'y dumadaan si Mr. Garcia. Mamaya ka sakin!




"Tara na, ate Jen." yaya ni Macgil at mabilis na umangkas si ate sa likod ng motor ni Macgil. Agad naman iyong pinaharurot at naiwan akong mag-isa sa tambayan sa harap ng nakasarado na nilang tindahan.






Minuto ang dumaan pero wala parin si Macgil kaya nakapangalumbaba akong naghintay. Haist! Pero bago pa ako mabagot ng bongga ay may umupo sa kaharap kong silya at napalingon ako. Si Mr. Garcia pala.




"Dito muna ako habang wala pa si kuya Maki." nakangiting sabi nya. 'Kuya' ang tawag nya para daw gumaya ang mga kapatid ni Macgil sa pagtawag.







Ngumiti lang ako kasi wala akong mahagilap na sasabihin. Eh kasi nga ngayon lang naman ako naka-encounter ng parents ng boyfriend ko. It's a first time!
Hindi rin ako ang tipong talkative sa iba kasi pina-practice ko pa lang 'yon.



"Pagpasensyahan mo na kung ano man ang kapilyuhan ng anak ko. Mabait naman 'yon kahit minsan papansin." sabi ng papa ni Macgil at gusto kong matawa sa sinabi nya. He's right! Mabait naman si Macgil kahit pa nakakairita minsan.


"Opo tito. Sa katunayan po, active na sya sa klase ngayon kahit pa napapabarkada pa sya. Sweet din po sya at maalaga." Totoo 'yon! Kaso ang mga katangiang iyon ni Macgil ay hindi nakikita ng iba. They'll only see his flaws and imperfections. A 'playboy' and 'skirt chaser' image.


Napatango sya. "Nagpapasalamat ako ng malaki sayo dahil unti unti na syang nagiging responsable. Huwag mo sana syang susukuan." pakiusap nya.



"Opo, hinding hindi ko po sya susukuan." I promised and i mean it. Malayo na ang inilakbay ng relasyon namin, na sa loob ng anim na buwan naming relasyon ay nalampasan na namin ang mga pagsubok kahit pa ang pambababae nya. Nalampasan namin na magkasama.



"O, andyan na ang anak ko. Iwan ko na kayo." tumango lang ako saka ngumiti. Isang tapik sa balikat ang ginawa ni Mr.  Garcia bago umalis.



"Anong pinag-usapan nyo ni papa habang wala ako?" tanong nya ng makalapit sakin. Kinuha nya ang upuan sa harapan at tumabi sakin sa pag-upo.



"Pinag-usapan namin tungkol raw sa kasal natin. Kailan nga ba?" biro ko na ikinakunot ng noo nya. Malay ko bumenta. 😁 Pero sa pagkakakunot ng noo nya parang hindi nya gusto 'yon.  Ayaw nya ba? Oo bata pa kami at nasa high school pa lang pero hindi naman ngayon eh, kundi sa tamang panahon. "Pero syempre joke lang 'yon."



"Ah okay.....mabuti kung ganun." sabi nya at agad akong niyakap pero umiwas ako.



"Matanong ko lang, kailan ka pa bumalik sa paninigarilyo? 'Di ba may usapan tayong iiwan mo na ang bisyong iyan?"



"Oo iniwan ko na. Ngayon lang naman uli, eh. Sorry na." palusot nya at nilambing ako. And here i goes, nadala na naman ako sa mapupungay nyang mga mata.



"Okay. Basta huwag ka nang maninigarilyo. Ayoko ng amoy no'n."



"Yes ma'am!"








At naging magaan ang atmosphere. Marami kaming napag-usapan pero ang hinihintay kong para saming dalawa sa tamang oras at panahon ay hindi nabanggit. Pero okay lang malayo pa naman eh. Excited lang te?








-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon