Chapter Twenty seven

24 1 0
                                    

Nahirapan akong makausap si Macgil dahil halatang iniiwasan nya ako kaya nagpatulong na ako kay Ronald. After lunch ay pumunta ako sa bahay nila Macgil kasama si Ronald at ang mga kaibigan ko kaya nakakuha ako ng tiyempo para makausap sya ng masinsinan at walang nakadikit na Susana. Hayss. Ako ang una at legal pero bakit ako pa ngayon ang pumupuslit at nakikiamot sa oras nya? Nandito kami ngayon sa tambayan nila nag-usap.



"Sabihin mo na kung ano ang sadya mo nang matapos na." iritadong sabi nya at humithit buga sa usok ng sigarilyo. Nasasaktan ako sa cold treatment nya na parang unti unting inaagaw ang paghinga ko gaya ng pag-agaw nya sa hangin upang makabuga ng usok.



"Ano na bang nangyayari sayo Macgil? Ano itong pambababae mo habang tayo pa?" thankful ako dahil hindi ako nautal kahit sa kabila ng emosyon ko. Napahilamos sya sa sariling mukha tanda ng pagkairita at kawalan ng pasensya.



"Ano 'to, magdadrama ka!? So what kung mambabae ako!?" aniya. Uminit bigla ang ulo ko dahil sa sinabe nya. Insensitive ba sya!?



"Girlfriend mo ako, Macgil! At karapatan kong malaman kung anong peste mong dahilan sa pangangaliwa mo! Ginagawa mo akong tanga gago ka!" Oh that was a first time that i used that word. And he's being unreasonable!



He smirked. "May pangangailangan ako kaya kailangan ko ng release. Alam kong ayaw mo at ayaw kitang pilitin kaya sa willing ko ginagawa. Nasagot ko na ba?" Hindi ako inosente para hindi makuha ang ibig nyang sabihin kaya sinuntok ko sya sa dibdib dahil sa galit ko.



"Napakawalang hiya mo talaga!" pinaghahampas at pinagkukurot ko sya saan man dumako ang kuko ko. "Nakakadiri ka. Magbreak na tayo!"



"Mabuti pa nga!" I shocked. "Pagod na ako sa immaturity mo at pagiging selosa. Nakakasakal ka na!"




Immaturity.




Selosa. Ako.




Nakakasakal.




Kaya pagod na sya!








Parang gusto kong umatungal ng iyak sa mga masasakit nyang sinabi pero mas pinili kong maging blanko ang emosyon. Ito 'ata ang great talent ko, ang magtago ng emosyon.




"Okay! Pagod narin ako sa paulit ulit mong pagsisinungaling. At sa bawat imbento nyang malandi mong dila, nasasakal ako! And excuse me, fifteen pa lang ako pero ikaw na eighteen na ang mas immature satin mag-isip. Magsama kayo!" sigaw ko sa pagmumukha nya at nagflip ng hair sabay walk out.








So pinili nya ang makating linta na iyon na halata namang tira tira na lang ng iba bago napunta kay Macgil! Oh sorry again for my word, naiirita talaga ako. Kung ang babaeng 'yon ang gusto nya so be it! Magpakaligaya sila sa milagro nilang binubuo.
Nakabusangot ang mukha nang malapitan ko na ang mga kaibigan ko at inaya na silang umalis doon. Ngayon ko lang napansin ang panginginig ng kalamnan ko sa galit at kumikirot ang nasa loob ng dibdib ko sa sobrang sakit ng pagkabigo. Gusto ko na talagang umiyak.




"Hiwalayan ko na sya." imporma ko at wala ni isa sa kanila ang nagsalita na tila nakikiramdam sakin. "Pinili nya si Susana. Pagod na daw sya sa pananakal ko sa kaseselos at immaturity ko." sumbong ko at bago pa malaglag ang mga luha ko ay napigilan ko na.



"Ang kapal nya talaga! Immaturity bang matatawag ang mag seryoso!? Palibhasa kasi babaero kaya gumagawa ng lusot." si Belle.



"Huwag kang umiyak bhest.  'Wag mong panhinayangan ang desisyon nya dahil makakarma din 'yan." si Virgie.



"Oo nga. Tara uminom na lang tayo!" si Grace. I like the idea kaya agad akong napangiti at tumango.








Natuto na akong uminom noon pang nakaraang mga buwan pero shots lang at lingid iyon sa kaalaman ng pamilya ko. Kina Grace kami pumunta at nag-ambagan kami para sa alak, wala naman kaming problema sa pulutan dahil maraming ulam sina Grace. Nang makompleto ang kailanganin ay nagtungo na kami sa sementeryo sa likod ng bahay nila Grace. Creepy pero madalas naming tambayan dito. Caretaker din ang pamilya nila Grace sa nasabing memorial park kaya nakakapasok kami kahit private land ito.




"Itagay ang sawing puso!" si Belle at itinaas ang baso saka tinungga ang lamang alak.



"Itagay!" sagot rin namin nina Jovy, Grace, Virgie at ako.



"Ipagdasal natin ang kabaugan nila!" segunda ni Grace.



"Tama. At sana makalbo ang ibaba nila!" si Virgie.



"Oo! At sana tubuan ng pigsa ang espada ni Macgil!" ako.








Nahihilo na kami sa tama ng alak kaya SPG na ang mga bunganga namin. Pero dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ko ay nabawasan ang nararamdaman kong sakit.




"Pherho alam nyo mga bhesht.....sa mga shinabe nya kanina.....parang ang sharap magbigti....." ako. At sa pagkabigla ko ay bigla akong sinampal ni Belle.



"I.....yan ang huwak na hwak mong ghagawin....." si Belle at dinuro duro pa ako. Iwinaksi ko naman iyon sabay irap.



"Shandali nga! Hindi ko.....yon.....ghaghawin ano! Shayang khaya ang ipinatahi kong uniform.....kung.....mamamatay lang akho.....!" ako.



"Good! Good!"








Natigil ang usapan namin nang mapalingon ako sa kanang bahagi ko, may puting pigura akong nakikita at palapit iyon samin. At habang palapit ng palapit iyon ay ganon na lang ang paninindig ng balahibo ko.




"M-mga b-bhest. Nakikita nyo ba ang nakikita ko?" tanong ko sa napalingon din sila kung nasaan ang mga paningin ko. Hindi ako sigurado kong dala lang ito ng alak pero totoo talaga ang nakikita ko. Isang......



"Multo....." si Jovy.



"White lady!" sigaw ni Belle.








At sa anunsyong iyon ay kanya kanya kaming karipas ng takbo at naiwan ang mga gamit sa memorial park. Halos magbanggaan na kami para lang makalabas ng gate dahil sa sobrang takot. Totoo kaya 'yon o mga lasing lang kami kaya napaglaruan kami ng espiritu ng alak? Pero totoo man iyon o sa hindi ay napahagalpak kami ng tawa nang makarating sa bahay nila Grace. Nagtataka man ang mga magulang ni Grace sa inakto namin pero hindi naman sila nagtanong.








An epic fail!  ~^O^~







-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon