Chapter Fourteen

18 0 0
                                    

"Lucy! Hintay." tawag sakin ni Macgil. Lakad takbo ang ginawa ko para hindi nya maabutan.



Nang makarating sa room ay agad kong nilagay ang mga libro at bag ko sa upuang ginagamit nya para syempre hindi ko sya makatabi. Naiinis at nagtatampo ako sa kanya.


"Lucy, ano na naman ba ang problema?" tanong nya nang makalapit sakin. Hindi ko sya pinansin at kunwari ay busy sa pagsusulat ng lecture.




Nahilamos nya ang sariling palad at umupo sa harap ko habang hinuhuli ang tingin ko. Gawd! Nakakailang lalo pa't malamlam ang titig ng mga mata nya sakin. But i hold myself not to look at him back. Manigas sya!


"Lucy......" malambing na tawag nya sa pangalan ko na may halong pagmamakaawa na tingnan ko sya. Bingi ako ngayon!

"Sabihin mo sakin kung ano ang problema hindi ganyang kinikimkim mo. Please...."



Wala akong naririnig. Bahala ka dyan kahit manigas ka pa! Matapos kay Joy ng isang linggo ngayon sakin naman? Woooowww.



Matapos ang ilang minutong pagpapanis ng laway ko ay kusa syang sumuko at kina Ronald tumabi ng upuan. Tampulan sya ng tukso na "under" daw. Pilit na ngiti lang ang sagot nya habang sumusulyap sa gawi ko.


"Dapat kinompronta mo." sabi ni Belle pero inirapan ko lang.



"Second LQ na at hinahabol ni fafa Maki. Tsk! 'Kaw na maganda bhest!" si Grace. Matalim na titig ang pinukol ko kay Grace at tumigil naman ito.



"Tsk! Kawawa naman si Macgil. Api ni Lucy." sabi pa ni Jovy. Duh! Mas kawawa kaya ako kasi niloloko ako ng kumag na 'yon! Kulang na lang ay isigaw ko 'yon na nasa isipan ko.




"Macgil! Lumapit ka dito at mag-usap kayo!" sigaw ni Belle at agad naman tumalima si Macgil para lapitan ako.



"Bhest, ayoko syang kausap! Kainis naman!" sarap maglupasay sa inis kay Belle.



"Mag-usap kayo. Sampalin mo kung gusto mo at aalis muna kami." hindi nya talaga pinansin pagmamaktol ko at hayun iniwan na lang kami ni Macgil.




Humalukipkip lang ako at sa labas ng bintana itinuon ang nakabusangot kong mukha. Sinusubukan nyang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko lang. Napapabuntong hininga na lang sya habang inaamo ako.




"Lucy please kausapin mo ako." pagmamakaawa nya. Pinagsalikop nya mga kamay namin at hindi na ako nakapalag dahil sa lakas nya.



"Bitiwan mo ako, Macgil!" at pilit kong pinapagpag ang kamay nya pero ang lakas nya talaga.



"Hindi ako susunod sa gusto mo hangga't hindi mo sinasagot tanong ko." maawtoridad nyang sabi. Bakit ba sya ganito? Lagi na lang nya ako ginagamitan ng pwersa at charm kaya lagi akong corner. Hayss.




Sa inis ko at sinuntok ko sya sa dibdib gamit ang kaliwang kamay ko at dun ay naibulalas ko na kinikimkim ko.




"Nagagalit ako sayo! Alam mo kung bakit? Kasama mo lang naman ex mo at mas pinili mo pang umabsent para lang magkaoras kayo! Ano nagkabalikan ba kayo!? Sumagot ka!" nanggagalaiti kong sabi sa kanya na halos manginig ang kalamnan ko.



Nahahapo ako sa pagpipigil sa sobrang galit ko. Nasa school kami kaya ayokong maeskandalo lalo pa't nakamata lang samin mga barkada ni Macgil. Wala kaming first subject kaya safe na hindi makikita ng instructor namin ang aming pagtatalo.




"Oo nagkasama kami ni Joy pero hindi kami nagkabalikan." depensa nya. Napakunot noo ko. Talagang dumideny pa ha!



"Ows talaga? Ang lakas mo talagang mag-deny Macgil! Aminin mo na kasi nang matapos na!" sarkistong sabi ko. Kung nagkabalikan sila, be it! Wala akong pakialam.




Napahilamos sya sa sariling mukha at naiirita naring hinarap ako.




"Nagkasakit ako, okay? Hindi ko nasabi sayo kasi wala kang cellphone kaya dinalaw ako ni Joy na sakto namang kauuwi lang dito sa probinsya. Pero dalawang beses lang 'yon at hindi na nasundan kasi umiwas na ako." paliwanag nya sa namumulang mukha. "Hindi kita niloloko Lucy. Loyal ako sayo kaya 'wag ka ng magalit. Okay?" his expression soften then he hold my hands and kissed them.




Hindi ako nakahuma. Lahat ng inis at galit ko ay kaagad nilipad ng hangin sa isang halik nya lang. Nasapo ko ng dalawang palad ang mukha ko sa sobrang hiya. Ang lakas ng boses kong manggalaiti sa kanya pero puro tamang hinala lamang pala lahat.




Niyakap nya ako at hinalikan sa noo.



"Huwag ka nang magalit. Please?"



"Lahat ba ng sinabe mo ay totoo?" naninigurado ako na hindi nya lang ako inuuto.



"Yup. Alam mong ikaw lang ang mahal ko." Ayiiee! Bigla akong kinilig kaya hindi ko naiwasang mapangiti.



"Okay. Apology accepted. Siguraduhin mo lang na hindi ka na playboy, Mac." nasa boses ko ang pagbabanta. Tumango sya at itinaas nya ang kanang kamay tanda na sumumpa syang hindi nagloloko.



"Promise. Loyal ako sayo at iniwan ko na ang pagiging playboy. Nagbago na ako dahil sayo." Hayy! He never fail to make me giggle.



"Okay. Ibinibigay ko na sayo ang buong tiwala ko. Sayo lang ako makikinig at mahal din kita." As in! Nag-ala telenovela ang scene namin ngayon. Hindi sakin nakaligtas ang pagkislap ng mga mata ni Macgil sa kilig.




Muli nya akong niyakap at ngayon naman ay hinalikan ang pisngi ko. Kinikilig talaga ako!




"I love you......" bulong nya sakin.



"I love you too." At ngayon, ako na ang humalik sa pisngi nya na mas nagpalawak pa ng pagkakangiti nya.







----------------------------------------

Votes and comments are highly appreciated. 😉




-Rushiry-


Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon