Chapter Twenty nine

19 0 0
                                    

Vacation time


Abala kami ngayon dito sa bahay dahil dadalo kami sa family reunion sa father side namin. It's vacation but i don't have plans anyway. Si Belle ay pumunta na ng Maynila 'cause most of her families are there. Sina Jovy at Grace ay panay summer get away,  while Virgie had chosen to spend her summer vacation in their family's farm. At ako? Heto, nganga. Hindi naman kasi ako lakwatsera at wala akong alam na spot that good for summer get away. I'm almost done fixing myself when ate Jen's phone rang. At ganun na lang ang tahip ng dibdib ko ng mabasa ang nasa caller ID.




"Macgil......" at sa blangkong pag-iisip ay kinuha ko ang cp at sinagot ang tawag. It almost two weeks after the conversation i had with him, and there! I am missing him when i heard his voice over the phone. "H-hello.....?" Takte! Kailangan bang mautal Lucy?


"Hi! Ikaw ba ito Lucy?" paninigurado nya at napatango ako na parang temang. Para namang makikita ng kumag na 'yon.


"O-oo. Bakit?" Grabe kinakabahan ako. I feel like the first time we had sweet convo. I missed those times!


"Ahmm.....pwede ba tayong magkita ngayon?" Gusto kong sumagot ng OO agad pero bakit? And Duh!! Ginago ka kaya ng lalaking 'yan! Ang brain ko talaga.


"Hindi ako pwede eh. May reunion kami sa father side." sagot ko. "Ano nga pala ang sadya mo?" suplada kong tanong.


"Ahmm, gusto ko lang kasi magkausap tayo ng maayos. Ayusin 'yong dapat ayusin." nasa mga boses nya ang pag-asang makikipagkita ako.


"Sorry ha. Hindi ako makikipagkita sayo kasi 'importante' ang pupuntahan namin." sabi ko at agad pinutol ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako.







Naiwaglit ko sa isipan si Macgil nang nasa venue na kami para sa reunion, nasa kilalang disco bar ang venue. At doon ay nagsaya kami at nakipagkwentuhan sa mga relatives pa namin. Madalas pa akong mapanganga na ang mga boys pala na nagiging crush ko at lihim ding pinagnanasaan ko sa isip, most of them are my cousins and relatives! What a funny truth! But it's okay, they're nice and comfortable naman eh, at nakakalibre pa ako ng tapik at akbay mula sa kanila. 😁







Dinner. Dance. Games. Dance.
Matapos ang ilang oras na kasiyahan ay napagpasyahan naming umuwi na nila kuya. Pagod na kami sa maghapon at abot gabing pakikihalubilo. Naalala ko na naman ang sinabe ni Macgil kanina. 'Ahmm, gusto ko lang kasi magkausap tayo ng maayos. Ayusin 'yong dapat ayusin', Bakit hindi ko subukan? Baka may chance pa kami. At agad kong isinama ang dalawa kong pamangkin para payagan aking umalis.
Puno ng pag-asa ang puso ko na magiging maayos kami at madudugtungan pa ang aming love story. God! I never wanted anyone but him. Sya ang buhay ko. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko nang makarating na kami sa bahay nila Macgil.



"Sure ka tita na nandito sya?" tanong ni Berna matapos tingnan ang bahay nila Macgil. "Nakasarado oh."


"Baka tulog na tita, patay na ang ilaw sa buong bahay nila." si Dane. Oo nga 'no. Nahuli ba ako?


"Siguro. Tara na! Umuwi na tayo." sabi ko at bagsak ang mga balikat na naglakad. Pero may nahagip ang mga mata ko sa pagitan ng dalawang van, di kalayuan sa kinaroroonan namin. Two person making out. At kahit madilim ang bahaging 'yon ay hindi ko maiwasang masaktan nang makilala ang lalaki. Si Macgil!







Napalingon naman ang dalawa, naramdaman siguro ang presensya namin. Mas lalo akong nasaktan sa mga mata nya na nakatingin sakin ng malamig at walang pagsisisi. Parang gusto kong umiyak.



"Sya na ba si Macgil, tita?" si Berna. Ayokong sumagot dahil siguradong basag ang boses ko dahil sa kinikimkim na sakit kaya tumango na lamang ako.


"Babaero pala 'yan eh! Alam mo ba ito tita!?" si Dane at muli ay tumango lang ako. Nasa harap ko na si Macgil, ngsyon ay para syang natataeng pusa.


"A-akala ko hindi ka pupunta dito." nahimigan kong may paninisi ang boses nya. Sinisisi nya ba ako dahil naudlot ang ginagawa nila?



"Sana. Kaya lang naisipan kong pumunta tutal may oras pa para magkausap tayo pero mali pala ako ng pag-asa." puno ng pagdaramdam ang boses ko at hindi ko sya matingnan dahil sa sobrang sakit.



"L-lucy.....kung ano man 'yong nakita mo, 'yon lang iyon. Hindi ko mahal si Jenicar, 'di tulad ng pagmamahal ko sayo." depensa nya at nagtangka syang hawakan ako sa braso nang tabigin iyon ni Berna at binigyan sya ng nakamamatay na titig.



"Matapos mong makipaglampungan sa pinsan ko pa ay nasasabi po talaga na mahal mo ang tita ko!  Para kang hindi lalake sa ginagawa mo!" sigaw ni Berna pero mabilis naman syang pinakalma ni Dane.


"Berna please.....hayaan nyo akong makausap ang tita nyo para maayos namin lahat." pakiusap nya sa nagmamakaawang boses. Sinubukan nya akong hawakab pero pumiksi lang ako.



"Wala nang dapat pag-usapan pa, Macgil. Sapat na lahat ng kagaguhang ginawa mo mismo sa mga mata ko. Binalewala mo lahat ng chances sating dalawa." lakas loob kong sabi. "Gusto kita ngayong sumbatan pero babalik ka ba? Hindi. Dahil para sayo ay isa lang akong malaking premyo sa pustahan nyong magkakaibigan." He shocked because i knew it. Elvan told me everything dahil hindi na daw kaya ng konsensya nya.



"L-lucy......" tinangka na naman nya akong hawakan.



"Tama na. Panalo ka na, Macgil. Napasagot mo ako at napabilog ang ulo sa ilang buwan nating relasyon. Congrats!" sarkisto kong sabi at naglakad palayo.



"Magsama kayo ng pinsan ko. Isang higad na bagay sa makati!" singhal ni Berna saka sumunod sakin kasama si Dane.








Gusto kong umiyak pero namamanhid na ang puso kong paulit ulit na winasak ni Macgil. He is my firt love. My first kiss and a first man i dreamed about having a happy family in future. But that would be and only just in my dreams. He hurt me in a thousandth times. He taken me for granted for his own benefits. First cut is the deepest!








-Rushiry-

Fifteen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon