Andito ako sa tabi ni Macgil at hindi ko maalis alis sa kanya ang mga mata ko habang kumakain sya. Ang hot nya habang kumakain! Iyon lang ang deskripsyon ko habang sumusubo sya ng salad. Hayyy! Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng mga labing 'yon? Matamis kaya o walang lasa? Teka! Bakit naisip ko iyon!? Landi mo talaga brain! Tss.
Kaya agad akong napatikhim dahil nagsisimula nang mamula ang pisngi ko. Isang kamay ang humapit sakin kaya napalingon ako. Malamlam na mga mata ang sumalubong sakin."Hindi ka ba kakain?" tanong nya at umiling ako.
"Busog pa ako." sabi ko at nakangiting hinalikan nya ako sa noo. Kanina pa ang noo ko pwede ang labi ko naman!? Sigaw ng utak ko.
"May problema ba? Ba't bigla kang napasimangot?" kunot noong tanong nya.
"W-wala....may naisip lang ako." kelangan mautal Lucy?
"Ahh....so naiisip mo ba ang naiisip ko?" nalito ako sa ibig nyang sabihin. Namula na talaga ang mga pisngi ko dahil ngayon may mga pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.
At ano naman ang ibig sabihin ng mga pilyong ngiti nya? Ninerbyos ako kaya tumingin ako sa direksyon ni Ronald na nasa harapan namin pero ganun na lang ang pagdagdag ng nerbyos ko nang wala si Ronald. Iniwan kaming dalawa! T_T
"Lumabas muna sya para makapagsolo tayo." bulong nya at agad naman tumaas ang mga balahibo ko sa batok dahil sa kaba at excitement. Wait! Bakit ako nai-excite!? Naman eh!
"Hindi ko gusto ang ngiti mo Macgil. Umayos ka ha kundi tatakbo ako't sisigaw!" banta ko at mabuti na lang hindi ako nautal sa kabila ng sobrang kaba ko.
"Hahaha. Wala akong gagawing masama. Promise. Gusto lang kitang halikan." Jeez! Andyan na naman ang mga mata nyang malamlam. Gusto nya akong halikan! Saan ba sa labi? Sige go! Utak ko. (-_-)
"H-ha? E-hh....." 👉👈
"Kung okay lang naman sayo...."
Gawd! Hindi ako makatingin kasi parang nang-aakit lang mga mata nya. Nadadala ako!"O-okay lang s-sakin.....k-kaya lang...." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naibaba na nya ang kanyang mukha at sinelyuhan ang mga labi ko ng sa kanya.
Nanigas ako sa pwesto. Magkadikit lang mga labi namin pero parang kinakapusan na ako ng hininga dahil sa halik na 'yon. Minuto ang dumaan at nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi. Pa'no 'to!? Hindi ako marunong humalik!
"Huwag kang mag-alala..... Sumabay ka lang sakin." bulong nya sa pagitan ng mga labi namin. Grabe ang bango ng hininga nya at parang kinikiliti ang mukha ko! 😳
Napatango na lang ako na nagpangiti naman sa kanya. Giniya nya ang ma braso ko patungo sa mga batok nya at mas lalo akong hinapit. Muli ay hinalikan nya ang mga labi ko. Banayad at puno ng pag-iingat ang naging galaw ng mga labi nya na sinabayan naman ng mga labi ko. Madali lang pala dahil binabalik ko lang at ginagaya ang bawat galaw nito.
Para akong nasa alapaap at kakaiba ang nararamdaman ko sa halik namin sa bawat isa't isa. Naramdaman ko ang paghagod ni Macgil sa likod ko at nakaharap na pala sya sakin ng upo. Nag-iiba narin ang pakiramdam ko, parang nag-iinit at may kinasasabikan ako. Nadagdagan ito nang ipasok nya ang dila sa bibig ko at parang may ginagalugad. Parang nakakadiri lang ginagawa nya! Ngunit mabilis kong tinapon ang kaartehang iniisip ng malandi kong brain at sinalubong ko din 'yon ng galaw ko. Halos kalahating oras ang dumaan nang maisip naming bumitiw na sa mga halik ng bawat isa dahil sa kakapusan ng hininga. Para akong tumakbo ng matagal dahil sa hingal ko.
Nakangiting pinunasan nya ang mga labi ko at dinampian ito ng isang mabilis na halik. Muli akong namula sa ginawa nya.
"Ang bilis mong matuto." nakangiting sabi nya at sa hiya ko ay kinurot ko sya sa tagiliran. At dumoble 'yon nang mapansin ko ang pwesto namin, nakaupo ako sa kandungan nya paharap sa kanya. Gosh! Lamunin na sana ako ng lupa! 😵
"Tumigil ka nga!" singhal ko sa kanya pero tumawa lang ang kumag. Ibinaon nya ang mukha sa leeg ko at mas humigpit ang yakap sa bewang ko.
"Masaya ako dahil ako ang una sa halik mo....." bulong nya habang ginagawaran naman ng mumunting halik ang leeg ko. Sa totoo lang nakikiliti ako kaya napapaatras ang ulo ko sa ginagawa nya.
"Umayos na tayo Macgil baka maabutan pa tayo ni Ronald." sabi ko at agad naman kaming umayos sa pag-upo. Nakayuko lang ako habang hinahawakan ang mga namumula kong labi. Is it for real? May first kiss na ako! Yey! 😂🙌👏
"Okay ka lang?" nakakunot noo na tanong nya.
"H-ha? O-oo naman."
"Ahh....mabuti naman. Akala ko nabitin ka base narin sa paghawak mo sa labi mo. Pwede nating ulitin, walang problema sakin." nakangiting sabi nya at tinaas baa ang mga kilay nya. Napairap naman ako. Landi talaga ng lalaking 'to!
"Pumunta na tayo ng sala baka gahasin mo pa dito ang mga labi ko." natawa ito at umakbay sakin.
"Gusto mo naman."
"Feeler!"
Tawa sya ng tawa habang naglalakad kami patungo sa sala at napapangiti na lang ako. But shit! 😨 Ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita si Ronald at Elvan sa sala habang naggigitara. Kanina pa ba sila dyan? Nakita ba nila ang ginawa namin? Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Oh andito na pala sila. Hi Lucy!" sabi ni Elvan at ngumiti sakin.
"Asan ang iba?" tanong ni Macgil at hinapit ako sa bewang.
"Susunod na lang daw sila." nakangiting sagot ni Ronald at ngumiti rin sakin.
"K-kanina pa ba k-kayo?" Takte! Nautal na ako sa sobrang kaba sa posibilidad na nakita nila kami.
"Ngayon lang." sagot ni Ronald pero hindi ako kumbinsido.
"Huwag kang mag-alala wala silang nakita dahil nagbabantay kanina mga mata ko sa pintuan ng kusina." bulong na sabi ni Macgil at mabilis akong napalingon sa kanya. Pa'no kaya 'yon? Pikit mata kaming naghalikan pero....depende na lang kung bukas ang mga mata nya habang hinahalikan nya ako! Potikz! Gusto ko ng matunaw!
"Ang cute mo kapag namumula." natatawang bulong nya uli sakin at sa inis at sobrang hiya ay sinuntok ko sya sa tyan.
Pisteng lalaking 'to! Nahihiya na nga ako ganun pa ang sinasabi.
Urgh!!!!! Gusto ko nang matunaw!--------------------------------------
Enjoy reading po. ^_~
-Rushiry-
BINABASA MO ANG
Fifteen [COMPLETED]
RandomAng istoryang ito ay hango sa totoong pangyayari, tagpo at totoong tao na nilikha upang maging inspirasyon hindi lamang sa pag-ibig kundi maging sa pagharap sa realidad ng buhay. Sanay maibigan ninyo at simulang tangkilikin. :)