Chapter 6

5.1K 58 6
                                        

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

"Hoy Mika! Nakakainis ka talaga kanina! Grr." pagre-reklamo ko sa kanya. Nakakainis kaya! Kung ano anong sinasabi kanina eh!

"Ikaw ah maghan----"

*sound of collision*

Aray! Ang sakit nun! Ouch lang!

"Sorry."  

What the hell??!!

Nakakailang naman 'to. Nasa ibabaw lang naman niya ako noh! Sa lakas kasi ng banggaan namin natumba kaming pareho kaya eto yung outcome. The heck! Paliko kasi kaya ayun! Malay ko ba kasi na may makakabangga ako? Hindi ko naman makita eh kasi liliko ako.

Ayan tuloy, pinagtitinginan na kami ng mga tao! Umagang umaga eh gumagawa kami ng eksena rito! Nakakahiya! Ang sarap maiyak dahil sa sobrang hiyang nararamdaman ko.

What the heck talaga. Sa dinami dami ba naman bang klase ng encounter na puwedeng mangyayari, ganito pa? At sa dinami dami ba naman din ng tao bakit siya pa?

"Ahem! Umagang umaga eh." sabi naman ni Mika. Nung marinig ko yung boses niya, bigla akong natauhan kaya umalis na ako sa ibabaw niya. Sheet! Ang bango niya! Damn. Bakit ko ba iniisip yun?

"S-sorry." sabi ko habang nakakayuko habang tumatayo siya.

"Ah. It's okay. It's an accident naman, right?" conyong sabi niya habang nakangiti at kinakamot yung batok. Sh*t. Ang cute. Chaar.

After ng ilang minutong walang imikan , Binasag na ni Mika ang katahimikan dahil napaka- tahimik talaga.

"Ah, sige Thomas alis na kami ah? Bye." paalam ni Mika. Papa-alis na sana kami ng bigla niyang hawakan ang mga braso ko.

"Can I have lunch with you guys?" tanong nito sa amin. Tinignan ko lang si Mika with the should-we-let-him-join-us look. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ah. You can join her. Magisa kasi siyang naglu-lunch eh. She needs some company." sabi niya kay Thomas. What the? Ano bang pinagsasabi niyang wala akong kasabay? Kasabay ko kaya sila everyday.  

"Are you sure?" tanong niya sa akin.

Sasagot sana ako ng biglang nagsalita si Mika. O edi ikaw na ang kausap. "Oo. Dun daw kayo sa Agno. Sunduin mo siya after ng klase niya ha?" sabi ni Mika habang nakangiti.

"Oh-kay?" sabi ni Thomas ng nag-aalangan. "Thanks! I'll see you then, Bye!" sabi niya with a optismitic aura surrounding him.

Naiinis ako kay Mika. Ang sarap sabunutan! Tsaka nakakapagtaka naman, Bakit naman makiki-lunch 'yun sa amin? For all, I know he always hangs out with the rest of Men's Basketball Team.

We parted ways and went to each others destination. Oo, pumunta ako sa pinaka-boring ng subject. 

--

Natapos na ang mga subjects sa umaga at maglu-lunch na. Inis na inis ako dahil bukod sa boring na yung pinakahuling subject, gutom na gutom pa ako dahil hindi ako kumain ng marami kanina. Sakto namang nakita ko si Thomas na paparating.

"Ano? Let's go?" aniya.

"Tss. As if I had a choice." bulong ko sa sarili ko.

"Did you say something?" tanong naman niya.

"Wala. Sabi ko 'Gutom na ako kaya halika na.'" sabi ko sa kanya. Muntikan ko na kasing makalimutan eh. Kasabay ko pala siya dahil sa bunganga ni Mika. Tss.

Naglakad kami papuntang Agno. Nung nakarating na kami dun eh nakita ko si Kim na nakapila.

"Uy Kim!" sigaw ko sa kanya kaya naman napalingon siya.

"A-ara?! T-thomas?!" gulat na bulalas niya.

"Oh bakit? Kim? Gusto mo sabay na tayong kumain?" tanong ko sa kanya.

"Mauuna na ako. Biglang sumakit yung tiyan ko eh." sabi naman niya habang hawak hawak daw yung namimilipit na tiyan niya.

"Pero Kim, nakapila ka na eh." sabi ko sa kanya kasi alam kung hindi naman talaga masakit yung tiyan niya.

"Masakit na talaga. Bye!" sigaw niya tsaka tumakbo.  

"Huy! Kim! Hindi jan ang CR!" sigaw ko sa kanya ng makita kung hindi siya papunta sa CR.  

"Ah! Hindi na kasi masakit yung tiyan ko kaya pupunta na lang ako kina Mika." sigaw niya pabalik habang nakangiti pa ng nakakaloko.  

"Leche talaga. Tss. " bulong ko sa sarili ko.  

"Ano 'yun?" tanong ni Thomas.  

"Ah wala, halika na nga." sabi ko sa kanya at pumila.

Bwesit ka talaga, Mika Reyes! Alam kung plinano niya 'to eh! Para magkasama kami ni Torres. Lichi talaga. Lichi! *mommy dionesia's intonation.*

Habang pumipila kami eh hindi ko maiwasang maconcious dahil madaming mga mata ang nakatutok sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Kinapa ko yung mukha ko pero wala naman eh.  

Tinignan ko rin yung mukha ni Thomas. Wala rin namang dumi ah?! Naku! Bakit ba kasi nila kami pinagtitinginan?! Nakakasakit ng ulo! Dagdag stress! Urgh.

Things happenned so fast na hindi ko namalayan eh pinipicturan na kami. Bakit ba?! Ano bang problema ng mga tao ngayon at pati ako eh nagiging artista na. Tss.  

Hindi ko talaga malaman kung bakit kami pinipicturan kami. Yumuko na lang ako para maiwasan yung mga nakakasilaw na flashes ng camera.

When I looked down, I saw ...  

His and my fingers, intertwined.  

Yung kamay namin, magkahawak!

Packing tape! Kaya pala! Binitawan ko ang pagkakahawak sa kamay niya at hinila siya papunta sa isang table. Urgh! Kainis talaga!

"What's up with you?! Ba't mo ba hinawakan yung mga kamay ko?" tanong ko sa kanya.

"Anong ako? Eh you were the one to hold it nga eh. You don't wanna let go pa nga when I tried to remove my hands from yours." sabi niya.

Naramdaman kung lahat ng dugo eh umakyat sa pisngi ko. Grabe! Ako talaga yung humawak? Uh. Nakakahiya.

"Umamin ka nga, do you like me?" he asked with a smirk on his face.

Aba, ang kupal talaga!

"Oo, cute ka pero hindi kita gusto!" sigaw ko sa kanya.

He chuckled, "Talaga Vic? You think I'm cute?" he asked.

"Oo. Paksh*t! Tumigil ka sa pagpapa-cute mo. Halikan kita diyan eh."

Pero syempre, hindi ko yan sinabi.

--

Meanwhile, on Twitter.

@UniversityCouples: Taft, look at these two cuties of La Salle, are they dating? Chaar! They're so cute together! pic.twitter.asadfdgfg.com

(Imaginary photo of them holding hands while falling in line to order their lunches.)


My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon